Nagulat siya ng sipain siya ni Gabriel sa paa mula sa ilalim ng mesa kaya binigyan niya ito ng nagtatanong na tingin.

Sinensyahan nito ang pinto pero hindi niya agad ito na-gets at kinunutan siya ng noo.

Sinensyahan naman nito si Nathan gamit ang ulo at sa pinto kaya ganun din ang ginawa niya sa mata.

Inisip niya muna kung anong ibig sabihin nun bago unti-unting napatango. Tumango din sa kanya si Gabriel at binigyan siya ng thumbs up.

Tumikhim siya bago linigpit ang gamit "Labas muna ako" pagpapaalam niya at lumabas ng clubroom.

Nagkatinginan silang tatlo na may magkaparehas na tingin. "May napansin ba kayong kakaiba kay Agatha?" tanong ni Nathan habang tumitingin sa files

"Ha? Ganun naman talaga siya lagi, a?" pagmamaang-maangan ni Gabriel "Oo nga. May problema ba, Nathan?" inosenteng tanong din ni Trinity

"Nothing. I just feel like she's avoiding me." sabi nito "Bakit naman niya yun gagawin? Pinansin niya nga ako kanina, e. Baka naprapraning ka lang, Nathan." sabi ni Drake na walang kaalam-alam sa nangyayari

"Baka nga" pagtango-tango nito at tumahimik ulit ang clubroom.

Nagulat sila ng hinampas ni Nathan ang files sa lamesa "Hindi talaga, e. Pakiramdam ko iniiwasan niya talaga ako. Fuck that. She even acted like I wasn't even there." sabi nito na halata ang inis sa mukha 

"Ano ba kasi yung ginawa mo?" tanong ni Drake habang nakatingin sa laptop "I didn't even do anything." sabi nito

"Baka may boyfriend na" sabi ni Trinity na ikinatahimik nila. Ramdam niya ang pagsipa ni Gabriel sa ilalim ng mesa kaya sinipa niya ito pabalik.

"Boyfriend? Imposible. Alam niyang ayokong magka-boyfriend siya. Knowing Agatha ay baka tuluyang hindi na yun makapagasawa sa sinabi ko." pagiling ni Nathan

"Sabagay" pagsangayon ni Drake kaya lihim na pinagningkitan ni Trinity ito ng tingin

"Well, hindi ka naman sure, e. Baka may crush siya at ayaw mo lang malaman kaya ka iniiwasan." pagkibit balikat nito

"How about you, Haze?" isa ito sa mga pinagkalatiwalaan ni Nathan. Importante ang bawat opinyon ni Hazel sa isang bagay kundi ay kaya ang kay Drake.

"You won't know unless you ask" sabi nito at dahil hinaharangan ng buhok ang mukha ni Trinity ay kinindatan niya ito na ikinatawa ni Hazel.

"Trinity, hilahin mo pabalik dito si Agatha" utos nito na nakangiting sinunod ni Trinity. Habang si Drake sinulyapan si Trinity ay napansin ang pagngiti nito.

Dun siya nakaramdam ng kakaiba at kunot noong tiningnan ang iba niyang kasamahan bago tumigil kay Gabriel.

Sinipa niya ito sa paa at tinaasan ng kilay "You're planning something, aren't you?" bulong nito para hindi marinig ni Nathan

"Of course not. Bakit mo naman naisip yan?" natatawang sabi ni Gabriel kaya pinagningkitan niya ito ng mata bago binalik ang tingin sa laptop na ikinailing ni Gabriel.

Bumalik naman si Trinity na kasama na si Agatha at awtomatiko namang napatayo si Nathan.

"Tell me honestly, Agatha. May boyfriend ka ba?" seryosong tanong nito kaya pasimpleng sumulyap siya kay Gabriel na kinindatan siya.

Sinalubong niya ng tingin ang binata "Mali ba kung meron?" agad nagiba ang ekspresyon nito "What? So kung pumatay ako ay may mali ba dun? Fuck it. Parang tinatanong mo kung nakakalipad ang baboy." napaiwas ng tingin si Agatha sa naging sagot nito

"What's the big deal?" sagot niya kaya nagkasalubong ang kilay ni Nathan "Oh? So if Ana was kidnapped and I say that what's the big deal what will you do?" napalabi si Agatha dahil dito at hindi agad
nakaimik.

Then biglang tumunog ang cellphone niya ng paulit-ulit. "What's that?" magkasalubong ang kilay na tanong nanaman nito at akmang hahablutin ang cellphone kaya nilayo niya ito

"Its nothing" sagot nito "Its nothing? Hindi nga tumutunog ng ganyan ang cellphone ni Mom at ilang taon na silang kasal ni Dad kaya wag mo kong its nothing-an diyan" sabi nito

"Wala nga kasi" pagiling niya ulit pero nahablot na ang cellphone niya.

Nakita nila ang pagbulong-bulong ni Nathan na halatang naiinis habang hinahalungkot ang cellphone niya.

Ng makitang wala naman ay napasandal ito sa lamesa "What the hell, Agatha?" inis na sabi nito

"Sabi ko naman sayong wala, e. Sound effects lang yun na linagay ni Gabriel." sabi nito kaya awtomatikong napatingin si Nathan dito

"Its a prank!" pagtawa nito kaya mas lalong nandilim ang mukha ni Nathan.

"Kung nakita mo lang talaga ang mukha mo, Nathan! Parang anytime ay papatay ka!" tuwang-tuwa pa ito sa mga pinagsasabi at dahil sa kadaldalan ay hindi nito napansin ang pagiling ni Agatha at ang paglayo ni Trinity.

Ng mapansing walang umiimik ay tumigil sa pagtawa si Gabriel "Oh? Bakit ang tahimik niyo?" tanong nito pero umiwas lang ng tingin ang lahat sabay ng pagsabunot sa kanya ni Nathan.

"A-Aray! Masaket!"

"...."

"Nathan! Bitawan mo ko!"

"....."

"I'm sorry! Nathan! Aaaa!"

"...."

Sabay-sabay na lumayo na lang silang lahat para hindi madamay sa galit ni Nathan at sabay-sabay ang pagbulong ng "RIP, Gabriel" at dun nagtatapos ang isa nanamang araw sa loob ng clubrooom.

"I'm sorry na kase! Hazel, tulungan mo ko! Hoy! Hazel!"

Breaking The Code (Carnations Series #1)Where stories live. Discover now