Kabanata 5

1 0 0
                                    

       Lumipas ang ilang taon simula nung sinibatan ko ang tatay kong asul ang mata at ito na nga graduation ko na nga finally I am now graduate. Walang bad vibes at masaya lang kaming lahat lalong-lalo na si mommy di niya kasi alam na dalawa ang coure na pinag aralan ko.

   May anak siyang graduate na sa Doctor of Medicine at anak na  photographer.

       Kaya ito siya ngayon sa restau at hindi na  tumitigil  ang bibig niya kaka tanong kung paano  ko ba daw yun kinaya.

" Ito naman si mommy edi syimpre nag aral ako my." Sagot ko din sa kanya.

" Pero paano nga iyon anak sa pagkaka-alam ko ay napaka busy ng med students. Paano kapa nakapag aral ng ibang kurso aber?" Gigil na tanong niya sa akin sabay pagtataray pa yan.

  " E mommy wag kanang  magtanong at basta ang importante ay nakapagtapos na po ang maganda niyong anak." Pagtatapos ko sa usapan.

        " Oo nga naman Reah magsaya nalang tayo at nakapag tapos na itong favorate pamangks ko." Sagot ni Tito kay mommy sabay kindat sa akin. Kaya favorite tito ko din tong si Tito Cole eh.

      Umuwi na kami ng lumalim na ang gabi dahil may trabaho din ang mga uncle's ang unties ko. Papunta na ako sa kwarto ko ng  tinawag ako ni mommy.

    " Nak, tandaan mo palagi ha na I'm so proud of you and of course I love you." Dahil don ay subrang saya ko din kaya niyakap ko si mommy at sabay sabing " I love you too at I'm so proud of you my for being strong enough.

    Kinabukasan ay wala nanaman ang mommy dahil sa trabaho nito. Kaya kumilos na ako upang mag ayos ng sarili para bisitahin siya sa kompanya niya.

    At nagtataka akong rest day niya naman ngayon at bakit pumasok pa din. Sisilipin ko nga at  baka may jowa na. Saktong pagkababa ko ng hagdan ng may tumawag. Tumawag pala si Raya.

" Congrats loves!!!! Sabi sayo eh kaya mo. Tingnan mo nga at graduate kana."

" Oo nga salamat talaga sa chearer ko na yan."

  " Punta ako diyan sa mansyon niyo ngayun bitbitin ko na ang dalawang  bakla ha mwaah byee na loves!!!"

   Kaya nag message ako sa kanyang mamaya na siya pumunta dito dahil wala ako ngayon sa bahay kaya move nalang sa gabi. Nag ready na ako at pagkalabas ay agad na umangkas sa motor ko. Pinaharurot ko ito papunta kumpanya.

   Pagkatapos ng ilang minutong byahe ay nandito na ako sa parking lot at pinarada na ang motor ko. Agad ko tong ni lock at syimpre nag suot akong shades.

   Naka white t- shirt lang ako na pinatungan ko ng black leather jacket at maong black shorts at syimpre black combat boots. Tapos shades na black. Wala akong bag dahil hindi ko hilig mag bag bit-bit ko lang ang susi at CP ko.

   Papasok na ako ng harangin ako ni kuya guard. Nagtataka siguro siya kung sino ako kaya tinangal ko ang shades ko at boom naks nakilala lang din ako.

      "  Ayy ma'am Zy ikaw po pala iyan pasensya na po." Paumanhin niya sa akin nginitian ko ito at binati " okay lang kuya poging guard and by the way good morning."

   " Ayy Good morning rin po sa inyo ma'am." Sagot nito kaya nginitian ko lang ito at nag suot agad ng shades.

   " Guard sino iyan? Bakit mo tinawag ng ma'am parang skwater yan manamit ahh ..." Tanong ng babae rito. Bigla akong humarap kang kuya guard saka sabay lagay ng daliri ko sa gitnang labi ko. Ibig sabihin ko ay huwag niya akong ipakilala rito.

    " Ayy ma'am importanting tao lang po din sa company, confidential ang identity niya ma'am kaya bawal sabihin pasensya na po." Sagot ni kuya at  naglakad na ako papuntang  office ni mommy pero hindi ko inaasahan ang narinig ko nong nasalabas pa ako.

" Ace ano na naman ba ang kailangan mo 4 na taon na ang nakalipas akala ko ba okay na?"

" Reah nasaan ba ang anak ko bakit hindi ko na siya nakikita? Wag mo naman siyang ipagkait sa akin."

  " Alam mo bang lalaki ka nung gabiing umuwi  yung anak mo sa bahay ay basang-basa siya ng ulan tapos walang tigil na umiyak."

" Bakit naman yun nangyari? Alam kung naiintindihan niya na may iba akong pamilya. Bakit kasalanan ko pa?"

" Dahil nasaktan  mo siya at yun ang kinakatakutan kong mangyari ang masaktan siya dahil sa daddy niya!!!"

" Inilayo ko ang sarili ko ng nalaman kong nabuntis mo ako dahil ayaw kong dumating ang panahon na masaktan ang anak ko dahil sa daddy niya at  ayaw kung maka sira ng pamilya."

" Ayaw din sa akin ng daddy mo dahil hindi ako karapat dapat para sayo at ng nabuo na si cryst ay 6 taong gulang na ang panganay mong anak at ayaw kong makita ng kahit sinong myembro ng pamilya mo ang anak ko. Lalong-Lalo na ng asawa mo dahil alam kung sa bawat kita niya kay Cryst naalala niya ang kasalanan at sakit na dulot mo." Umiiyak na sigaw ni mommy at doon ko na hindi mapigilang lumuha at walang sabing sabi na pumasok.

      "Anak!!!" Sabay nilang sabi. Hinubad ko ang shades ko at pinunasan ko ang luha ko. 

"Pasensya  kana daddy huh.... Sorry kasi nasira ko yung perfect family mo ha..." Naluluhang sabi ko.

" Pasensya kana at hindi na nagsusumbong yung taong binayaran mo sayo kasi  binigwasan ko na kasi gusto ko kasing ikaw mismo yung pupunta sakin..." Sabi ko pa at hindi sila dalawa naka sagot nakatunganga lang silang dalawa sa akin.

" Pasensya ka na ha kasi ng  dahil sa akin nasaktan yung anak at asawa mo...  At pasensya na dahil na buo pa ako putcha kasalanan ko pa.... Alam mo bang naging imbestigador ako dahil gusto kung makilala yung daddy ko...." Umiiyak na salita ko at sabay tingin sa mata niya na ngayon ay naluluha na.

" Anak hindi mo kasalanan ang lahat sor____"

" Ano ha sorry na naman ba !!! Alam mo ba daddy sobrang inggit ko sa dalawang anak mo yung anak mong kambal. Doon sa photoshoot pa lang sobrang inggit ko na.... Alam mo kung bakit kasi sila kasama na nila yung daddy nila simula pagka bata nila.... Bagay na pinagarap ko na sana kahit minsan man lang maranasan ko."

Chains Of ChangesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu