"Secret"

"Ano nanamang gagawin mo sa buhay mo! Ikaw bebe,bantayan mo yang ate mo ah!" sigaw ni Mama kay Kisig. Kahit pa magbulyaw sya dyan, hindi ako magagalit. Magaan ang pakiramdam ko ngayon dahil mamaya lang,makikita ko na sya.

" Ma! Ang laki ko na tinatawag nyo parin akong Bebe! Kisig nalang po"

Umalis na ako sa bahay nang nakangiti. Narinig ko pa silang nag-aaway at tinatawag ang pangalan ko pero wala akong pakeelam!

"Bansot!" tawag ko. Nasa mall kami ngayon. Napangiti ako ng humarap sya. Naka-leather jacket sya at mustard na t-shirt tas itim na pantalon. Nakaayos din ang buhok nya na parang nirebond dahil sa bagsak ito. Tinatamaan ng buhok nya ang kilay nya.

" Gwapo ah" ngiting sabi ko sa kanya. Hinawi nya naman ang buhok nya saka napatingin sakin mula paa hanggang ulo. Nakangiti ko naman syang pinagmasdan.

"Ayos na rin" biglang nawala ang ngiti ko sa sinabi nya

"Anong ayos na rin? Pinaghandaan ko 'to no!" inis na sabi ko. Napakrus pa ko ng braso.

" Oo na. Maganda ka na"seryosong aniya saka tumalikod. Hindi ko naman mapigilang mapangiti. Mayamaya pa ay tumakbo ako sa kanya at isinakbit ang braso ko sa braso nya. Napahinto pa sya saka tumingala sakin.

"A-ayaw mo ba? S-sige" agad kong hiniwalay ang braso ko sa kanya. Tumingin muna sya sa paligid bago tumingala sakin. Napabuntong hininga sya bago kunin ang wrist ko.

" Tara na" sabi nya. May kung ano namang kuryente ang dumaloy ng magdikit ang balat namin.

" Silent voice?" tanong ko. Tumango naman sya. Lalo akong napangiti. Oo nga pala. Parehas nga pala kaming mahilig sa Anime.

" Bansot,nagcocosplay ka ba?" tanong ko nang makapasok na kami sa loob. Napatingin naman sya.

" Nanunuod lang ako ng Anime" saka sya tumingin sa malaking screen. " Ayan na"

Grabe. Nakakaawa naman yung babaeng deaf. Naiiyak ako.

"Oh" inabot nya sakin ang panyo habang nakatingin parin sa screen. Napangiti naman ako. Simple lang pero kinikilig ako hahaha.

"Manuod ka nalang" sabi nya pa kaya napanguso ako at humarap nalang uli sa screen.

Makalipas ang 30 minutes, nakakaramdam na ako ng lamig. Pero kinikilig na ako sa nangyayare. Nag-confess na si girl kaso di sya nagets ni Kuya. Wait. Parang ako ah?

Mayamaya pa nakaramdam ako ng mainit na bagay sa braso ko.

" Isuot mo malamig" bigay nya sakin ng leather jacket nya.

"H-hindi na. Kaya ko pa" ngiting sabi ko. "Kunin mo na" pagpupumilit nya.

" H-hindi na nga"

"Gusto mo ako pa magsuot sayo?" inis nang sabi nya.

" Shege ba" pang-aasar ko. Akala ko magagalit sya pero napabuntong hininga sya.

"Usog"

Napausog naman ako paharap. Naramdaman ko namang isinuot nya sa likod ko. Natawa naman ako. Medyo maliit sakin.

"Bat natatawa ka?"

"Naging croptop sakin" hindi ko na napigilan pang tumawa. Actually, hindi naman sya masyadong maliit sakin. Bitin lang yung duluhan ng konti lang naman. Inaasar ko lang naman ang isang 'to.

"Edi hubarin mo"

" Joke lang"bawi ko. Baka mabeastmode at iuntog nanaman ako kung saan.

"Bansot"

Ang Poste at Ang DuwendeWhere stories live. Discover now