CHAPTER III

2 0 0
                                    

Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko nang biglang magsalita si Fiore

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.


Patuloy lang sa pag-agos ang luha ko nang biglang magsalita si Fiore. "Ilabas mo lang lahat ng luha mo. Napakatagal ng panahon na tinago mo lahat 'yan e." aniya na siyang naging dahilan ng paglingon ko sa pwesto niya.

"Paano mo naman nasabi na matagal na?" sambit ko habang pinupunasan ang mga sipon at puha na naghalo sa mukha ko. Ngumiti lang si Fiore.

"Alam mo ba na kapag ang tao napagod ay pwede siyang magpahinga? Pwedeng-pwede mong gawin 'yon." dagdag pa niya, "Magpahinga ka, lumayo ka saglit tapos huminga ka. Gawin mo lahat ng bagay na ikasasaya mo kahit saglit lang na panahon."

Napangiti ako ng mga oras na 'yon. Doon ko naramdaman na may kasama ako, na may kaibigan ako pero alam kong imposible dahil isa sa rules ng mundong ito na hindi nararapat maging magkalapit ang dalawang hindi magkauring nilalang.

Naging magkasundo kami ni Fiore. Araw-araw nakakasama ko siya kahit saan ako magpunta. Isang beses pa nga ay ninais nitong sumama sa palikuran kaya namura ko ito. Labis na naman ang tawa niya sabay sabing binibiro lang niya ako.

Doon lang sa silid ko kami lagi magkasama at nakakapag-usap ng maayos kasi baka isipin ng iba na baliw na talaga ako kung sakali mang magsalita ako mag-isa sa daan. Bakit ba naman kasi sa dinami-rami ng pwedeng makakkta sa'kin na umiiyak, eto pang multong walang katawan pa.

Dumating ang kapaskuhan, natural ako lang rin magdiriwang mag-isa. Isa lang naman ang gusto kong gawin ngayon, 'yon ay malaman na ang lahat tungkol sa tatay ko. Matagal ko na ring iniisip 'yon.

Nitong mga nagdaang araw ay nananatili pa rin sa tabi ko si Fiore. Alam na niya lahat ng sikreto ko at tiwala naman ako kasi wala naman sigurong tsismosong multo. Ngunit napansin ko na medyo tumatahimik siya sa tuwing nababanggit ko na gusto kong makilala ang tatay ko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba pero kumukunot ang noo niya tuwing ganoon ang usapan.

Nagdesisyon akong magtanong kay Mama tungkol sa tatay ko na hindi ko naitanong sa loob ng 18 taon na nabuhay ako sa mundo.

"Ma?" tawag ko sa kan'ya sa labas ng kan'yang kwarto. Hindi na nakapagtataka na hindi siya sumagot kung kaya't binuksan ko ang pintuan at hindi ko siya naabutan doon. Marahil ay lumabas siya muli upang hindi ako makita.

Nadako ang tingin ko sa box na nasa itaas ng cabinet ni Mama. Ngayon lang ako nakapagmasid dito at ngayon ko lamang rin napagmasdan dahil ayaw ni Mama na nananatili ako roon ng matagal.

Dahil na rin siguro sa kuryosidad ay kinuha ko ang box at binuksan. Mayroon itong laman na mga lumang sulat, photo album at singsing. Una kong binuksan ang album at laking gulat ko nang may nakita akong isang larawan kung saan ang nilalaman ay ang batang ako, si Mama, si Papa at si Fiore.

"FIORE?!" sigaw ko.

- TBC -

< plagiarism is a crime >
< picture from pinterest >
< @shronoemi for dedication >

THE RULE (COMPLETE)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن