CHAPTER I

2 0 0
                                    

Bata palang ako ay nakakakita na ako ng mga kung anong elemento gaya ng multo, duwende at kung ano pa

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.


Bata palang ako ay nakakakita na ako ng mga kung anong elemento gaya ng multo, duwende at kung ano pa. Lagi nga nila akong nadadala sa mundo nila. Nakikipaglaro rin ako kadalasan sa kanila nung bata pa ako.

Ngayong umedad ako ng disi-otso (18) ay mas lalong naging agresibo ang mga nakikita kong elemento. Ngunit marahil na rin siguro sa mga karanasan ay naisasawalang bahala ko ang mga ito.

Hindi nang makilala ko siya. Siya si Fiore. Hindi ko lubos maisip kung bakit hindi siya nawawala. Kadalasan sa mga espirito na hindi nabibigyan ng sapat na atensyon ay naglalaho ngunit iba siya.

Nagpatuloy ang mga araw ng pangungulit niya kahit ni isa beses ay hindi ko siya sinilayan man lang. Lumalapit ang araw ng examination ko sa isang mahalagang asignatura ko ngunit patuloy ang pag-iingay ni Fiore sa likod ko kung kaya't tiningnan ko na ito.

"Ano ba'ng kailangan mo? Can you just please leave me alone?" dahil na rin siguro sa inis ko at kung ano pa kaya ko nasabi ang mga bagay na 'yon, noon ko lamang napansin na magara pala ang damit na suot nito.

Ngumiti sa'kin si Fiore sabay sabing, "Tulungan mo kami." Ang mga ngiti niya, hindi nakakaakit. Hindi nakatutuwang masilayan. Nakakatakot siya. 'Yun ang unang beses na tiningnan ko siya at 'yun rin ang unang beses na nanindig ang balahibo ko.

"H-ha? Pasensya ka na pero wala akong maitutulong." kasabay ng pagsambit ko ay ang panginginig ng katawan at kamay ko. Mas lalong ikinagulat ko ay ang halakhak ni Fiore na tila wala nang bukas.

"Ms. binibiro lang kita. Ako si Fiore at gusto ko lang makilala ka," muli ko siyang pinagmasdan at ngayon ay maaliwalas na ang kanyang mukha. "Natakot ba kita? Ayaw mo kasi akong pansinin kaya naisipan kong ganon ang gawin kung sakaling tapunan mo na ako ng tingin," sabay tawa na akala mo ay siya lang ang tao sa loob ng silid ko.

Sa inis ko ay tinapunan ko siya ang matalim na tingin. "Ang ingay mo, leave me alone!" ani ko sa kan'ya. Ngunit nandoon pa rin siya at patuloy ang panonood sa ginagawa ko.

"Hanep na multo 'to, kapal ng mukha grrr" sambit ko sa aking sarili at hindi na muling pinansin si Fiore.

- TBC -

< plagiarism is a crime >
< picture from pinterest >
< @shronoemi for dedication >

THE RULE (COMPLETE)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt