CHAPTER 8: SCOLDED

Start from the beginning
                                    

Agad kong hinarap si Quebec na kaaalis lang sa loob ng tent. "Sir sorry po k-kung pinangunahan ko kayo. Maniwala po kayo, nagpaalam naman po ako kay ma'am Sarah. Saka hindi ko po kasi matanggihan ang mga bata." Katwiran niya.

Tumingala ako sa langit para pigilan ang sarili ko na bulyawan siya. Alam ko na mababaw lang naman para sa iba ang ginawa ni Quebec pero hindi para sa akin. Mamimihasa kasi ang mga bata sa kanya kapag natutunan nila na ang yaya nila ay hindi sila kayang tanggihan.

"Pagod na ako sa trabaho tapos ganito pa ang aabutan ko. Huwag na huwag kang gagawa ng hakbang na walang pahintulot ko Quebec. Kahit na si mama pa ang nagbigay ng go signal sayo. Kasi kagaya mo, si mama hindi rin niya matiis ang mga bata, na hindi ko gusto. Ayokong lumaki na spoiled ang mga anak ko. Oo hindi niyo ako matawagan kanina dahil busy ako, pero hindi sapat na rason 'yon para ikaw ang magdesisyon sa mga bata."

Tumango siya habang nakayuko. "Opo sir. Sorry po. Hindi na po mauulit."

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. "Si Lancelot, hindi siya pwede pa sa mga ganitong adventures dahil mabilis siyang ubuhin at sipunin. Lalo ngayon na malamig kapag ganitong oras na at mas lalamig pa kapag sumapit ang madaling araw. Hindi kakayanin ng sistema niya. Kaya sa susunod, lahat ng plano niyo ng mga bata ay sa akin muna dadaan. Maliwanag ba?"

"Opo. Wala pong problema."

Walang imik ko siyang iniwan para puntahan ang mga bata na umiiyak kila mama. "Let's go upstairs." I told them.

Umiling ng marahas si Lanaia na mahigpit ang kapit kay daddy. "No. I don't want too. You'll beat us." She said in the middle of her cry.

"When did I beat you? As far as I know, I never ever laid my hands to beat you." I defended.

"Y-Yaya Brenda...she always beats us everytime I do something she doesn't like." She added.

Lumapit ako sa kanila pero lalo lang silang nagsumiksik kila mama. "Hindi kayo papaluin ni dada. Kapag pinalo niya kayo, sabihin niyo kay daddy, papaluin siya ni daddy." Sabi ni daddy sa mga ito para sumama na sila sa akin pero wala pa rin nangyari.

"Yaya... where's yaya?" Landon said while sobbing.

"I'm in here baby." Quebec's voice filled my ears. She's just behind my back.

Tumakbo palapit si Landon dito na ginaya ni Lancelot. "Yaya can you please sleep beside me? Please?" Umiiyak na sabi ni Lancelot.

"Baby I can't. You're dada will sleep beside you."

"We don't want to sleep with him. He's mad." Landon said.

Pinagmasdan ko siya na pinatatahan ang mga bata. "You're dada can't do that. Kaya huwag niyo na siyang galitin lalo. Pagod lang si dada, okay."

Yumakap ng mahigpit si Lancelot at Landon dito. "Now I'm the bad cop here." Walang buhay kong sabi kaya tinawanan ako nila mama.

"Sumama ka umakyat sa taas para ihatid ang mga bata Quebec, para makapagpahinga na kayo pare-pareho. Ikaw naman Xenon, huwag mong paluin ang mga bata. Mukhang may trauma pa rin sila sa mga ginawa sa kanila ni Brenda."

Hinawakan ni Quebec ng marahan sa pulsuhan ang dalawang anak ko na lalaki papunta sa hagdan. Kaya ang ginawa ko ay sapilitan kong kinuha si Lanaia kay daddy para maiakyat na rin siya sa taas. Pagkarating nila Quebec sa tapat ng kwarto ay nagpaalam na siya sa mga bata na bababa na siya pero nagsimula na naman silang umiyak. Ayaw nilang pababain ang yaya nila.

"Bantayan mo muna sila Quebec hanggang sa makatulog. Pagod na pagod na talaga ako para magalit pa. Gusto ko na talagang matulog. Iwan mo na lang sila kapag nakatulog na sila ng mahimbing." Sabi ko.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now