SPECIAL CHAPTER 37: TALE OF THE PERFECT PRINCE

Start from the beginning
                                    

Napatakip na lang ng kanyang tenga si Prince Nathan habang patuloy sa pagtakbo papunta sa kanyang silid.

"Hindi mo ako matakasan dahil ako ay ikaw at ikaw ay ako" sabi ng nasa dilim habang paunti unti na itong nawala.

•••
Habang nasa loob na kanyang silid ay nilabas nya ang lahat ng kanyang emosyon habang nakaupo at hawak hawak ang kanyang mga tuhod.

Nakapikit lamang sya at pinipilit pakalmahin ang sarili.

Maya maya pa ay makikita na nakangiti na sya at wala ng mababakas ng kanyang pagkatakot sa kanyang mukha.

Nagmadali syang kinuha ang librong nakapatong sa kanyang mesa at agad na may sinulat.

Pagkatapos ay ibinalik nya ito sa kanyang kinuhuan at kitang kita sa kanyang ang saya pagkatapos nyang magsulat.

Agad na syang nagpalit ng kanyang pantulog at agad ng nahiga sa kanyang kama.

•••
Kinabukasan...

Pagkagising nya ay agad na syang kumilos at tulad ng dati ay matamis na nakangiti pa rin.

Isa isa nyang binati ang lahat ng taong nakasalubong nya.

Katulad ng dati punong puno ang schedule nya ngayong araw dahil sa dami ng klaseng kailangan nyang pasukan.

"Good morning Mrs Flor"magalang nyang pagbati at hinalikan ang likod ng kamay nito.

Nginitian ni Mrs Flor si Prince Nathan" Good morning din kamahalan"

Agad na dumiretso sa kanyang upuan si Nathan at nagsimula na ang kanyang klase sa politikal strategy.

Habang nasa klase ay may narinig sya sa labas ng bintana.

"Prince Nigel bumalik ka dito"Sabi ng katulong ni Prince Nigel habang patuloy pa rin ang paghabol nya dito.

"Ayoko gusto ko pang maglaro"habang patuloy pa rin sya sa pagtakbo.

"Magagalit ang iyong Inang reyna sa iyong ginagawa"

"Hindi sya magagalit sa akin" sinasabi nya habang patuloy sa pagpitas ng mga bulaklak.

"Tigilan mo na yan dahil iniingatan ng iyong Inang reyna ang mga bulaklak na iyan" hindi pa rin ito nakinig at patuloy lang sa pagpitas ng bulaklak.

Habang pinapanood ito ni Prince Nathan ay paunti unti na dumidilim ang kanyang mukha.

Dahil hindi patas ang pagtrato sa kanilang magkapatid ng kanilang mga magulang.

'Bakit kailangan na lagi ako ang pinahihirapan?'

'Bakit kailangan kong mag aral araw araw para maging isang pinuno ng kahariang puro mapagpanggap ang mga pagkatao?"

Yan ang mga hinanakit na iniisip nya sa kanyang isipan habang nanatili oa din sa kanyang mukha ang kanyang ngiti.

Matapos ang klase ay pumunta sya sa kanyang amang hari dahil pinapatawag sya nito.

Pagdating nya ay agad syang yumuko at nagbigay galang.

"Pinapunta kita dito dahil may kailangan kang gawin para sa akin"

"Ano po iyon Amang Hari?"

"Kailangan mong pumunta sa isang pagtitipon ng mga mayayamang kabataan sa Hall of Crystal mamayang hapon isama mo si Nigel"

"Masusunod po Amang hari"

"Makaaalis ka na"

Pagkaalis nya ay dumiretso sya sa kanyang silid at may isinulat na naman sa kanyang libro.

Makikita ang mga napakahabang listahan na kanyang isinusulat na tila isa itong mahabang tula.

Pero kung titignan may mga pangalang nakasulat dito.

"Hindi ako papayag na maging alipin ng kahariang ito at maging sunod sunuran nila"

"Sisiguraduhing kong makukuha ko ang lahat ng gusto ko at pahihirapan ko silang lahat pagdating ng tamang panahon na hinihintay ko"

Pagkatapos nyang itiklop ang libro at lumabas ng nakangiti pa rin ang kanyang mukha tulad ng dati.

Nakasulat sa cover ng librong kanyang sinulatan.

'The tale of the Perfect Prince'

•••
Hope you enjoy reading!
Thank you for voting!














Reincarnated As One Of The Triplets VillainWhere stories live. Discover now