"You! What the fuck is your problem?!! Bakit bigla-bigla ka nalang nanghihila?!!" Astrid shouted back at tumayo para pantayan si Athena na kanina pa di maipinta ang mukha. Hahakbang na sana ako upang pigilan sila, pero napatigil ako nang may humawak sa braso ko. Nakita ko naman si Stacey ito at umiling-iling sa akin bago nagsalita.

"Don't." Anong don't? Bakit naman yata?

"Why, Stacey? Is there a problem?" Nicole said. Oo nga naman, may problema ba? Tinignan naman namin siya at hinintay na magsalita.

"We need to--" Hindi paman siya tapos sa pagsasalita ng makarinig kami nang singhapan at hiyawan dahilan para mapalingon kami dito. Nanlaki naman ang mata namin nang makitang nagsasabunotan si Athena at Astrid habang si Allyson Aphrodite at Artemis naman ay pilit silang pinipigilan na hindi ko alam kung paano nakarating doon.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at pinuntahan ang gawi nila para makipigil rin at matigil na sila sa pag-aaway. Nilapitan ko naman ang girlfriend ko at hinila palayo.

"Arghhh, let go of me!!! I will sue that bitch!" Hinila-hila ko naman siya palayo habang si Athena naman ay hawak na ni Jamie na kanina pa nagpupumiglas.

"S-stop, please stop!!!" Nang marinig niya ang boses ko ay napatigil naman siya sa pagpupumiglas at tiningala ako habang nagbabaga sa galit ang kanyang mata na ikinalunok ko. Inayos ang salamin ko sa mata at binitawan siya.

"Bakit mo ako pinigilan?!!" Napaatras naman ako sa pag-sigaw niya sa akin na ikinatahimik ng mga tao dito sa loob. Tinignan ko naman siya ng nay pagtataka at nagsalita.

"K-kung hindi kita pinigilan baka magkasakitan ka-!" Naputol naman ang dapat sabihin ko nang sampalin niya ako bigla dahilan para magulat ako at makarinig muli ng singhapan sa paligid.

"I don't fucking care at sana hindi ka nalang sana nakialam pa dumbass!!!" Nagulat naman ako sa sigaw niya lalo na sa itinawag niya sa akin. Mukhang ikinagulat niya rin at biglang nag bago ang kanyang ekspresyon at hahawakan na sana niya ako sa kamay para lapitan ngunit bago pa man mangyari yun ay muli na naman akong nakarinig nang singhapan sa paligid sa ginawa ni Jamie na ikinalaki ng mata ko.

"Fuck you, Monteverde!!! Kulang pa yan sa pananakit mo sa kaibigan ko, not emotionally but physically! How dare you para pagbuhatan siya ng kamay!!!" Gigil na saad nito kay Astrid na ngayon ay mukhang nagulat sa pagsampal ni Jamie sa kanya ng dalawang beses. Inawat naman ito ni Athena na mukhang pati siya ay nagulat rin.

Lalapitan ko sana ang girlfriend ko na mamula-mula ang mukha ng may sumabat na asungot.

"Ast, are you okay?!" Alalang sabi ng lalaking epal na'to at bahagyang hinawakan ang mukha ng babaeng mahal ko bago inayos ang kanyang buhok na hinayaan lang sa isa. Naramdaman ko naman na parang may pumiga sa puso ko sa nasaksihan at napaiwas nalang ng tingin sa kanilang dalawa.

"Wow! What a nice scene we have have there!"

Napalingon naman kami sa babaeng maganda na parang manika at mukhang may lahi habang pumapalakpak kasama ang mga kaibigan niyang hindi pamilyar ang mukha sa akin.

Teka, sino naman ang mga ito? Naguguluhan kong tanong sa isip ko at tinignan sila ng isa-isa ngayon.

"What are you doing here, Chelsea?!" Nagtaka naman ako sa sumigaw na si Stacey at parang teka-siya ba yung mga kaibigan niya dati na plinastic siya. Saad ko pa at mukhang nadinig naman ito dahil sa bigla niyang pagsasalita sa maarte na paraan.

"Oh, hello there, bestie Stacey Manzano. You already have new friends, huh?!" Ngisi niya pa sa pinsan ni Jamie na masama na ang tingin sa kanya at anytime parang sasabog na bulkan.

Tumingin-tingin naman ito sa paligid at biglang natigil ang tingin sa akin na hanggang ngayon ay nakangisi pa rin. Sa totoo lang ang ganda nang isang to parang artista. Bukod kasi sa mataas ang hanggang bewang niyang buhok ay para rin siyang model.

Ewan ko ba, pero parang may kamukha siya. Hindi ko lang matandaan kung sino yun hmpf.

"Lorraine Dela Cruz, tama ba?" Kunot noo ko naman itong nilingon na mukhang napansin niya na naguguluhan ako. Bakit kaya niya ako kilala? Nagkita na ba kami dati?

"Hmm, it seems like you didn't recognise me, huh?" Huh?Ano daw? Teka sino ba siya? Hindi ko naman siya kilala, at hindi pa naman kami nagkita nito kahit kailan.

"Teka po sino ka ba? Bakit mo po ako kilala?" Tanong ko pa na kanina pa naguguluhan sa sinabi niya. Tae na yan. Bakit hindi nalang niya sabihin ng diretso diba? Nakita ko naman na umangat ang kanyang gilid ng labi bago nagsalita ulit habang nakatingin parin sa akin.

"Nothing. Anyways, gusto lang sana kita makita at babalaan na." Saby lapit niya sa tenga ko na hindi ko man lang namalayan.

"Ten cuidado y fue bueno verte de nuevo, mi próxima esposa."

(Translation: Be careful, and it was nice seeing you again, my soon-to-be wife.)

Natulala naman ako sa sinabi niya na hindi ko maintindihan at bago paman ako maka react ay namalayan ko nalang na nakalayo na siya sa akin at ngumiti ng matamis bago ako halikan sa gilid nang aking labi na ikinatulala ko pati ng mga tao sa paligid at muling bumulong sa huling pagkakataon.

"Eres tan hermosa mi amor?"

(Translation: You are so beautiful, my love.)

Sabay martsa nito paalis kasama ang mga kaibigan niya na agad sumunod dito na parang rarampa sa entablado sabay sway-sway sa kanilang mahahabang buhok.

Okay?What was that for?

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now