"It's been eight years." I said matter-of-factly.

"Eight years but not long enough to stop your heart from beating for the same man. C-Chase what will make you happy. You deserve all the happiness, Russelle, and I'm not the person who will make you the happiest. I will stay as North's Dada and your f-friend. I love you, Russelle Ynessa. I hope that this time, his love won't disappoint you. Wala ng rason para lumaban pa ako dahil alam kong sa huli ay mapagtatanto mo na si Tage talaga ang mahal mo."

"You love him then, today and tomorrow. Go and chase your family. They're waiting for you. I am now letting you go." kusang tumulo ang mga luha ko sa narinig ko.

"G-Gabe..." narinig ko ang pagtikhim niya. "Pano kung... gaya ng dati ay masaktan lang ako? Pano kung kailangan niya ulit mamimili at wala na naman ako sa pagpipilian?" natatakot na tanong ko. The trauma that he caused me can't be left ignored.

"That's what stopping you from loving him again. It's obvious that you still love the man, Russ. Natatakot ka lang kasi hindi pa buo ang tiwala mo sa pagmamahal niya para sayo. But how will we know if we don't gamble and risk? Hindi lang kasi sa negosyo nagririsk. We also risk in love. Kahit walang kasiguraduhan ay sinusubukan natin diba?"

"Why are you not risking for me?"

"May mga risk na alam mo na ang kalalabasan. And I chose to risk my love for you six years ago and I'm at the edge of bankruptcy." he said and lightly chuckled. Hindi ko rin tuloy napigilang hindi matawa.

"You deserve to be happy too, Gabe." mahinang sabi ko.

"I can find my own happiness through my son, to you and North. This isn't our ending yet. Pinapalaya lang kita sa pagmamahal ko sayo pero hindi ko pinuputol ang ugnayan nating dalawa. You can still visit me in Greece or I can visit you too but I doubt if Del Prado will permit."

"You're really positive that I'll end up with him, hmm?"

"Para saan pa ang pagpaparaya ko kung hindi ka naman sakanya mapupunta?"

May sinabing lugar si Gabe kung saan ko makikita ang mag-ama ko at kahit malalim na ang gabi ay nakita ko ang sarili kong kumukuha ng taxi at nagpahatid doon sa lugar na sinabi ni Gabian. Hindi na ako nagtanong kung paano o kanino nalaman ni Gabe ang kinaruruonan nina Tage basta ay sinunod ko nalang ang sinabi niya.

Tumigil ang taxi sa pantalan. Bakit dito? Yes, he said that he's in Marcus' yacht.
Agad kong nakita ang nag-iisang yate sa pantalan. It says DEL PRADO, written in all caps. Naglakad ako palapit doon at sumampa.

Nanginginig ang katawan ko sa lamig. Damn. I'm just wearing a thin sleep wear!

Pumasok ako sa loob at sa sobrang lawak, hindi ko alam kung saan ko hahagilapin ang mag-ama ko. Inisa-isa kong buksan ang kada kwartong makita ko pero wala sila.

Tumaas ako at hinanap sila doon. I'm on the last door. I opened it at napasinghap dahil kasabay ng pagbukas ko ng pinto ay ang paghila sa akin ng kung sino. I was about to shout but his soft lips brushed into mine. Nanlaki ang mga mata ko at gusto siyang itulak pero mahigpit ang hapit niya sa bewang ko. He tastes like mint. I can smell his aftershaves. A very familiar one. Umalpas ang isang ungol sa bibig ko nang marahan niyang kagatin ang pang-ibabang labi ko.

Madilim ang kwarto kaya hindi ko makita ang taong humahalik sa akin ngayon pero alam kong kilala ko siya. The way his lips brushed into mine is very familiar to me.

"Your lips taste heavenly." that very familiar compliment made me at ease. I relaxed and let him savour my lips. "But you can't still see North without marrying me." sabi niya at marahang tumawa bago bahagyang lumayo sa akin. Lasing pa ako sa mga halik niya.

Love Me TomorrowWhere stories live. Discover now