CHAPTER 26

37.7K 446 32
                                    

"Hindi mo man lang ako tinulungan nung nahimatay ako." I joked nung medyo kumalma na ang sistema ko. He chuckled and tightened his embrace.

"Wala talagang tutulong sayo nun kasi nasa tabi mo ako. People would think that we're just killing our time there. Umalis lang ako nung maramdaman kong magigising kana." pagkwento niya. "And I'm also the person who brought you to your room when you passed out. Pinalabas ko lang na isang tauhan ng hotel." hindi makapaniwalang lumayo ako sakanya.

"Gabian!" hindi makapaniwalang tawag ko. He chuckled because of my reaction. All this time, he's been helping me! He's just near me!

"Thank you." naluluhang sabi ko. Sobrang nagulat ako sa mga rebelasiyon niya. Who would have thought? Things indeed work in its own mysterious way.

"Anything for Ynessa." nakangiting sabi niya.

"Hindi ako sanay." tumawa siya at marahang pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.

"Russelle." ngumiti ako at muli siyang niyakap. I'm so lucky because I have someone to lean on. He is the blessing out of all the pain and struggles I felt for the wrong person.

"Kailan mo sinabi kay North ang lahat?" tanong ko nung tuluyan na akong kumalma.

"I'm sorry kung pinangunahan kita. North is a smart kid. Nagtanong siya sa akin kung bakit hindi niya kasama ang Daddy niya." may mga tanong na pala ang anak ko at hindi niya direktang maitanong sakin. Sumikip ang dibdib ko sa narinig. I am his Mother, yet, he asked Gabe about his Father.

"Dahan-dahan kong ipinaliwanag sakanya ang lahat. Hindi ko lang akalain na ganun ang magiging reaksiyon niya sa Tatay niya." he always said that Tage is a bad guy. I feel bad because he's still his father. Kahit ayoko sanang kilalanin ni North ang tunay niyang ama dahil sa mga dinulot nitong sakit sa akin, ayoko namang maging unfair sa anak ko pati na rin kay Tage. Pinangunahan lang ako ng emosyon ko kaya ko itinanggi na anak niya si North.

Labas ang kung ano mang issue namin noon sa pagiging ama niya kay North. Sasabihin ko pa rin sakanila ang katotohanan pero kailangan ko lang ng oras dahil hindi madali ang lahat lalo na't malinaw pa rin sa akin ang ginawa niyang pagtanggi sa sarili niyang anak noon.

Hindi ko din masisisi ang anak ko kung masamang tao ang tingin niya sa ama niya dahil may kasalanan din naman si Tage kung bakit naging ganun ang tingin sakanya ng anak niya.

"We can talk to him." Gabe suggested.

"I'll do that. Ako na ang kakausap sa anak ko. Thank you so much, Gabe." tumango siya kahit may pag-aalinlangan sa mga mata.

Pagkaalis ni Gabe ay agad kong tinungo ang kwarto ng anak ko. I am expecting him to be asleep but he's wide awake. Tumingin siya sa akin at bumangon.

"Why aren't you sleeping?" mahinang tanong ko habang naglalakad palapit sakanya. Umupo ako sa kama niya at hinarap siya.

"I'm sorry, Mommy, if I acted that way." marahan akong tumango at bahagyang ginulo ang buhok niya.

"He's your Father, North." umiling siya. Huminga ako nang malalim at hinawakan ang mga kamay niya.

"Are you mad at him?" walang pag-aalinlangang siyang tumango. Napalunok ako.

"W-Why?" basag na tanong ko.

"He's hurting you."

"But that doesn't mean you have to hate him. He's still your father, baby. Don't you like a father?"

"I am fine with Dada. I don't need a father that will only hurt you, Mommy." mariin akong pumikit para pigilan ang mga luha ko pero umalpas pa rin ang mga iyon.

Love Me TomorrowWhere stories live. Discover now