Prologue

1 1 0
                                    

'Many people forgotten how to fight for their rights. They're just ended up crying like a fool inside their room.'

'Each day seems so dark and heavy,for those who accepts community's toxicity.'

'So, you should learn how to decline cruelty, and protect your own dignity.'

@ madson_

Napaisip ako pagkatapos kong mabasa ang tweet ni madson,literal na nasapul nanaman ako ng mga salita niya.

"Sana lang talaga kagaya ako ni madson na matapang sa pag harap sa reyalidad." Pag kabigkas ko non sa aking sarili ay agad akong tumingin sa repleksyon ko mula sa salamin na nasa aking harapan.

Pinag masdan ko ang aking makakapal na kilay,matatabang pisngi at pangong ilong. Ngumiti naman ako upang tingnan ang aking ngipin na hindi pantay pantay,at ang kulay kong hindi maitim, hindi maputi at hindi rin bagay sa akin. Lahat ng pang labas na itsura ko ay ang dahilan kug bakit ako walang kaibigan, ayaw nila sa panget at mataba na kagaya ko.

"Hoy lyka di ka ba nang didiri jan sa mukha mo at ganyan ka makatitig sa salamin?" Sigaw sakin ng step sister ko na ngayong nakatayo sa gilid ko at tila mong dirig diring nakatingin sa akin.

"M-may kailangan ka ba maxin?" Tanong ko sakanya habang nakayuko.

"Bilhan mo kami ng iced americano sa tea hub, dalian mo at pupunta dito ang mga kaibigan ko." Binato niya sa akin ang pera saka nag lakad palabas ng kwarto ko.

Agad naman akong kumuha ng jacket na color red na halata mong luma na dahil sa kupas nitong kulay at sinuot iyon bago lumabas, nadaanan ko pa si maxin at ang boyfriend niyang nag hahalikan sa aming sofa, hinayaan ko na lamang dahil wala naman akong magagawa,gustohin ko mang isumbong siya sa aking tatay ay tiyak na hindi ako paniniwalaan nito.

Nag lakad nalamang ako patungo sa tea hub kung saan ako makakabili ng iced americano. Pag kapasok ko pa lang ay agad ng nag tinginan ang mga tao na para bang isa akong may sakit na dapat pandirian, nasasanay nako sa ganitong sitwasyon kaya dumiretso nalang ako sa counter at umorder.

"5 large iced americano." Nakayuko lamang ako habang sinasabi ang aking oorderin.

"150 pesos each ms." Tumango ako at inabot ang bayad sakanya ng hindi parin tumitingin.

"Thankyou for coming." Iniabot niya sa akin ang order ko at agad ko naman ting kinuha saka umalis na agad sa lugar na iyon.

Pag kadating ko sa bahay ay iniabot ko na sa aking step sister ang iniutos niyang bilhin ko.

"Ang bagal bagal mo talaga kahit kelan." Di ko na lamang pinansin ang sinabi niya, umakyat nako sa aking kwarto saka inilock ang pintuan bago sumalampak sa kama ko.

Hayst! Hindi ko alam kung dapat bakong matuwa dahil sa bahay lang ako mamamalagi hanggang sa matapos ang summer vacation o mainis nalang dahil araw araw akong inuutusan ng step sister ko na bilhan sila ng maiinom ng mga barkada niya.

One week palamang ang nakalipas mula nung huling punta ko sa school pero ganto na agad ang dinadanas ko kay maxin, mas grabe pa siyang mambully kesa sa nararanasan ko sa school e. Nagagawa niyakong ipahiya sa mga kaibigan niya sa loob mismo ng pamamahay namin ng daddy ko, na busy nanaman sa business niya kasama ang nanay ni maxin.

JOAQUIN'S POV

"Sir joaquin? Alam ho ba ng mommy at daddy ninyo na mag papart time job ka dito sa shop niyo?" Kadarating ko palang pero parang gusto ko ng umuwi. Aish!

"Kuya Leo, sila pa nga ang nag utos na mag part time ako dito,Tss." Nakabusangot ako habang sinusuot ang name plate ko. Mukhang pinag handaan talaga ng mga magulang ko to,dahil ang uniporme ay naka handa na sa higaan ko ng magising ako kanina.

"Ano nanaman bang ginawa mo young master para maparusahan nanaman nila maam veronica?" Bumaba nalang ako ng sasakyan dahil sa daming tanong ng buttler ko at dumeretso sa loob ng tea hub.

"150 pesos each ms." Dinig kong sabi ng isa sa cashier namen.

Nang maiabot na sa babaeng customer ang mga inorder niyay agad agad siyang umalis na tila mong may iniiwasan. Hmmm hindi ko alam pero bigla napasunod ang tingin ko sa kanya hanggang sa makalabas siya.

"Hala hindi nanaman nakuha nung babae yung sukli niya." Rinig kong bumulong yung cashier na agad namang nag patingin sakin sakanya.

"Nanaman? You mean pangalawang beses niya nang nakakaiwan ng sukli?"tanong ko ng nakakunot noo, nabigla naman siya dahil sa ngayon lang ata napansin na nandito ako.

"Ahh ehh m-mga limang sunod sunod na araw po siyang bumibili dito na parang nag mamadali at nakakaligtaan kuhain ang sukli." Sagot naman niya habang namumula pa ang kanyang mga pisngi. Psh, alam ko naman na pogi ako pero naiilang parin ako sa mga taong kinikikig pag kinakausap ko.

"By the way, pede bang ako nalang pumalit sa pwesto mo rito? Doon ka nalang sa loob at tumulong sa iba." Wala sa sarili siyang tumango at umalis.

Ilang oras kong sinanay ang sarili ko sa pag pindot pindot sa computer kung saan ineencode ang inoorder ng mga customer. To be honest i've started to like it, although hindi ako sanay makipag communicate sa diko kilala, im trying to be nice lalo na sa mga matatanda pero sa mga kaedaran ko e nag susungit parin ako syempre. Tss

》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》

Author's note:

Good dayyyyy, sana po nagustohan ninyoooo. This is for my own entertainment only at sana maentertain rin kayo since it was my first time writing my own storyyyy. Im also open for critization, if may grammatical error, i wont find it rude kung sasabihin niyo sakin through comment or messages. Thankyou♡






The late bloomerWhere stories live. Discover now