“Uh-huh. And I suppose, boyfriend ka ni Aaliyah?” tugon naman ni Nelle.

“N-no,” tipid na sagot ni Aaron. “Sige, Aaliyah. Mauna na ako. Mukhang may dapat ata kayong pag-usapan,” baling niya sa akin.

Tumango naman ako at nagpaalam sa kanya.

Hay, parang mas gugustuhin ko na lang ang makasabay sa pag-uwi si Aaron kesa ang makausap si Nelle.

“Anong gusto mong pag-usapan?” mataray na tanong ko sa kanya nang makaalis na si Aaron.

“Ang sungit mo naman!” saad niya habang pilit na ngumingiti. “Tara, mag-coffee tayo,” yaya niya at agad naman akong hinila pasakay ng kotse nila.

Nang makarating kami sa isang coffee shop ay agad akong bumaba sa kotse nila at diretsong pumasok sa shop nang hindi siya hinihintay.

Am I so rude? Hindi naman ganito ang pakikitungo ko sa kanya dati, ah? Ugh!

Nang umupo siya sa tapat ko ay may dala na siyang dalawang frappe. Hindi ko sana tatanggapin ngunit wala na akong nagawa noong inilagay niya iyon sa harap ko.

“I didn’t know na magkakilala kayo ni Paul,” panimula niya.

“I wasn’t informed na girlfriend ka pala niya,” mariing sagot ko. “I thought Paul never had a girlfriend.”

“Alam mo naman na may sakit ako, ‘diba? Kinahihiya niya kasi ang sakit ko noon kaya hindi niya masabi na may girlfriend siya. Lalo na noong mga panahon na sobrang hina ng katawan ko,” paliwanag niya. “But now, I am cancer-free, kaya magagawa na niyang maipagmalaki ulit ako,” masayang pahayag niya.

“Well, congrats,” sarkastikong tugon ko.

“I’m sorry for overreacting last time. I was just shocked noong nakita kong magkakilala pala kayo,” paliwanag niya.

Hindi ko alam kung saan tutungo ang usapang ito ngunit sinubukan kong makinig sa lahat ng sasabihin niya nang hindi nagrereklamo. Ewan ko ba kung bakit simula noong araw na iyon ay hindi na magaan ang pakiramdam ko towards her.

“Naaawa nga ako kay Paul noong mga panahong may sakit ako. Tuwing uuwi kasi siya galing sa Ashford ay sa akin siya dumidiretso para lang painumin ako ng mga gamot ko,” kwento niya. “He always tells me na kapag gumaling ako ay babalik na ang lahat sa normal. That’s why I never lost hope.”

Hindi ako umimik at hinintay na lamang na mag-kwento pa siyang muli. Gusto ko lang marinig lahat ng sasabihin niya sa akin tungkol sa kanila ni Paul.

“You know, palagi kang nai-kukwento sa akin ni Paul dati.”

Kinukwento ako sa kanya ni Paul?

“Gusto mong malaman kung ano’ng mga sinasabi niya sa akin na tungkol sa’yo?” nakangiting tanong niya na tila ba hinahamon akong sumagot ng oo. “Ay, huwag na pala. Baka magalit sa akin si Paul kapag sinabi ko sa’yo,” natatawang dugtong niya pa.

“Ano ang mga sinasabi sa’yo ni Paul dati?” tanong ko habang nakatitig sa mga mata niya.

“Gusto mo talagang malaman?” hamon niya. Tumango naman ako bilang sagot. Sumandal siya sa upuan niya at saka nagsimulang mag-kwento. “Well, he told me there’s this girl na tuwang-tuwa siyang pag-trip-an,” panimula niya. “And well, obviously, that girl was you,” sabi niya habang nakatingin sa akin. “Bored daw siya noon kaya naisipan niyang makipag-kaibigan kunwari sa’yo at ang plano niya ay mahulog ang loob mo sa kanya. Tapos, kapag nangyari na ‘yon ay puputulin na niya ang pagkakaibigan ninyo.”

Bigla kong naalala ‘yong mga panahon na kinaibigan ako ni Paul at pati na rin noong sinabi niyang hindi naman talaga kami magkaibigan. At kahit kailan, hindi mangyayari iyon. Biglang kumirot ang puso ko nang mai-konekta ko ang sinasabi ni Nelle sa mga nangyari sa amin noon ni Paul.

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon