26

1.2K 81 3
                                    

ALISEA'S POV

Pagkagising ng Marcellus ay agad siyang bumangon at gumawa ng agahan namin kaya sumunod na ako sa kanya.

Habang nagluluto siya sa kusina, naisipan kong buksan ang tv dito para manood ng balita at para na rin hindi ma-bored sa paghihintay sa niluluto niya

Isang matandang lalaki, natagpuang patay sa isang apartment at ito ay naliligo sa sarili nitong dugo, ito at iniimbestigahan pa ng pulisya dahil ang dugo nito ay ginawang tinta at gumuhit ng iba't-ibang linya gamit ang dugo, sinulat rin nito sa pader na I hate you tito, sa ngayon hinahaluglog pa ng pulis ang kamag-anak ng biktima.

Napakasama naman ng gumawa nun at pwede ring kamag
-anak ang gumawa or ang mga taong may kakilala sa kanya at kakaiba rin ang ginawa ah

"Kawawa yung nabiktima noh"

"Kaya nga baka may naghigante sa kanya, naalala ko tuloy yung ginawa kong pagpatay kay ysa"

"Ay hala ikaw ba yung pumatay kay ysa?!"

"Oo eh pano sinaktan ka niya dati kaya papatahin ko talaga yun"

"Pero pano mo siya pinatay dati?"

"Hinampas ko ng baseball but pero syempre in a good way, i mean sa way na walang makakaalam kung sino ang pumatay kaya baka under imbestigation pa rin sila tsaka ginawa ko yun para sayo at may balak din sayo yun eh kung di ko pa pinigilan baka palagi ka na mabully and worst baka lagutan ka niya ng hinginga kaya habang maaga pa, tinapos ko na."

"Ah kaya pala"

"Kumain na nga lang tayo, huwag na natin pag-usapan"

"Bakit sino ba nag-open ng topic na yun, diba ikaw"

"Sabi ko nga" nag-umpisa na kami kumain at hindi na nagsalita

Pagtapos nun ay hinanda na namin ang mga gamit at agad ng pumasok sa university.

Pagkapasok pa lang namin agad ko ng naririnig ang bulungan nila tungkol sa pagkawala nila cathalina at ang grupo nito.

*pst* *pst*

May sumisitsit sa akin pero hindi ko pinansin dahil baka pinagtritripan ako at isa pa kasama ko ngayon si marcellus na nakaakbay sa akin.

Hinatid na ako sa classroom ni marcellus at agad na akong iniwan

"Huy alisea!" Tawag sa akin ng kaklase kong lalaki na basagulero

"Oh bakit"

"Kanina pa ako sitsit ng sitsit sayo hindi mo man lang ako pinapansin"

"Bakit ka kasi sumisitsit eh pwede mo naman akong lapitan kanina"

"Ayun na nga kaya nga nilapitan kita ngayon, syempre hindi ako makakalapit na kasama ko si marcellus kasi baka mamaya last day ko na tong araw kapag pinatay ako seloso pa naman yun at kilalang-kilala ko na yun eh"

"Ano ba sasabihin mo sa akin?"

"Eh kasi nagtataka ako, bakit nawawala sila cathalina syempre siya na kapalit ni ysa dito tapos ano maghahanap ulit na bagong uupo na queenbee at panigurado matutuwa yung mga inapi nila pati na rin ang mga nerds"

"Oh tapos?"

"Ay di na pala dapat nagkakapagtaka yun kasi uso naman patayan dito sa ating university pero dito talaga dapat ako magtaka, bakit nawawala si krissa? Nakita mo ba siya? Or kaya may binilin kung bakit siya aalis?"

"Wala naman basta huli naming kita nagsusungit siya sa akin tapos ayun di ko na matawagan"

"Hay naku baka mamaya nasali yun kila cathalina at namatay na, panigurado maiiyak ka kapag nalaman mong namatay na" hindi ko siya sa sinagot sa sinabi niya nanatili lang akong cold

The Psycho Gay's Obsession Where stories live. Discover now