12

1.9K 129 11
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Omg alisea anong nangyari sayo? Bakit parang may mali?, ok ka lang ba ha?" Tanong ni krissa kay alisea habang niyuyogyog siya

Tumulo naman ang luha ni alisea dahil sa mga nalaman kagabi at pati na rin sa nangyari

"Ano ba alisea! Magsalita ka nga! Bakit ka ba umiiyak?" Tanong niyang muli kay alisea ngunit patuloy lang ito sa pagluha

Hinayaan niya muna si alisea at tinawagan si wizie

"Huy wizie si alisea umiiyak! Hindi ko alam kung bakit"

"Bakit ano bang nangyari?" Nag-aalala nitong tanong

"Unli ka? Kakasabi ko nga lang eh"

"Basta mamaya pupuntahan ko na lang siya sa bahay at kakausapin"

"Hindi nga makausap ng maayos eh tapos kakausapin mo?"

"Ewan ko sayo krissa basta ako na bahala"

"Tsk" sabay baba niya ng tawag

Bumukas ang pintuan ng klase hudyat na may pumasok na ang professor

Napansin ng professor na parang umiiyak si alisea kaya tinanong niya ito kung anong dahilan ngunit tinatago ni alisea ang kanyang luha

"Sige krissa samahan mo muna yang kaibigan mo, pasalamat kayo hindi ako kagaya ng ibang professor diyan kaya sige na pakalmahin mo muna yang kaibigan mo"

"Marami pong salamat prof sige po dadamayan ko muna po ang kaibigan ko"

Inaya ni krissa si alisea, sumunod naman si alisea at lumabas na din

Pumunta sila sa paborito nilang tambayan; sa ilalim ng puno

"Sige na alisea magsabi ka na kung bakit hindi ako manghuhusga o kung ano, handa akong makinig"

sa kakulitan ni krissa, napilitan si alisea na sabihin ang totoo

"Ayoko sanang sabihin baka kasi nandyan siya"

"Huh sino?"

"Si marcellus!"

"Eh ano ngayon?"

"Basta ayokong ikuwento dito kaso alam kong kahit saan pwede niyang marinig"

"Ano bang pinagsasabi mo alisea? Nababaliw ka na ba?"

"Hindi pero ito sasabihin ko na talaga, si marcellus ang matagal ko ng stalker"

"Hala omg!!!! Swerte mo! Ok lang pala atleast diba"

"Oo para sayo pero para sa akin hindi"

"Grabi naman! Tama pala hinala ko putik na yan, ok sige uwiaan na may nanalo na"

"Di ako nakikipagbiruan krissa"

"So may nangyari na ba?"

"Oo ata, ginalaw niya ata ako nung isang araw nung nawawala ako"

"Luh! Anong ibig mong sabihin?"

"Sorry krissa nagsinungaling ako tungkol sa pagkawala ko, ang totoo may pinainom sa akin si marcellus kaya bigla akong nahimatay at ayokong sabihin yun dahil alam kong magagalit kayo lalo na si wizie"

"Grabi naman pero sana sinabi mo na ang totoo dahil ang di mo pagsabi ng totoo ay may kalakip na mas matinding galit"

"Alam ko na yun pero wala na akong choice"

"So ano ng plano mo?"

"Hindi mo ba ako tutulungan?"

"Sorry pero hindi alam kong matinding kalaban si marcellus kaya hindi kita magagawang tulungan tsaka ikaw naman ang gusto niya kaya, kaya mo yun"

The Psycho Gay's Obsession Where stories live. Discover now