Ang panget niyang ngumisi para siyang ampon ni Lucifer!

"Wait party? Where? And bitch, what is he talking about?" Allyson curiously asked. Habang naka cross arms at si Aphrodite naman na katabi niya ay parang nagtataka rin while Artemis ay nakataas din ang kilay na tela hinihintay ang sasabihin nitong girlfriend kong magaling.

Nakatingin lang naman kaming lahat sa girlfriend kong nakatayo at parang nagdadalawang isip kung sasabihin niya ba o hindi.

"Actually, girls, this is about our victory party for our varsity team. Nanalo kasi kami nung nakaraang araw lang at mamaya namin icelebrate kahit sobrang late na. You know bonding na rin kasi namin at naisipan kong isama si Astrid total napag-usapan na namin to." Mahabang sabi ng lalaking to kahit hindi naman sya ang kausap. Nakalimutan ko sabihin na parte pala siya ng basketball team at siya ang vice captain.

Lampayatot na'to vice captain, tss.

"A-ahh, yeah, girls, nakalimutan ko sabihin sa inyo and—" Hindi na ako nakatiis pa at agad na akong tumayo para magsalita.

"Bakit pati ikaw kasama?Bakit hindi mo sinabi sa akin to?!" Medyo tumaas ang boses na tanong ko na ikinagulat nila na tela hindi inaasahan. Nang maka recover siya sa sinabi ko ay magsasalita na sana siya ay sumabat nanaman ang lalaking ito sa ikalawang pagkakataon na ikinairita ko.

"Wait, bakit niya kailangan magpaalam sa'yo? Ano ka ba niya?"

Right. Wala palang alam ang lalaking to na mag girlfriend kami nitong babaeng harap-harapan niyang nilandi sa akin. Nakatingin naman kaming lahat kay Astrid at hinintay ang sasabihin nito.

Nagdalawang isip naman siya kung magsasalita ba o hindi, pero sa loob-loob ko ay nagdasal ako na sana ay magsabi siya ng totoo kung ano kami.

"U-uhm, she's just a frien." Hindi ko na tinapos pa kung ano man ang sasabihin niya at naglakad papalayo mula sa kanila habang unti-unting naging malabo ang paningin ko dahil sa aking nagbabadyang luha. Sa ikalawang pagkakataon ay narinig ko na naman ang masakit na salita galing sa kanya, at yun ay ang harap-harapan niya akong dinedeny sa ibang tao na para bang nakakahiyang pumatol siya sa isang katulad ko na basura at worst ay sa babae pa.

Shit! Ang sakit-sakit lang at yung ang nakakinis.

"Rainey!"

"Ulan waittt-"

"Damn it, Raine Hintay!"

Bago paman ako makalayo ay nay naramdaman na akong humawak sa kamay ko at mahigpit akong pinaharap sa taong hindi ko aakalain na susundan ako.

"Where are you going?!" Irita niya pang sabi sa akin at hinigpitan ang hawak sa kamay kong bahagya nang namumula ngayon. Mukhang napansin naman niya ito, kaya agad-agad niya itong binitawan, and later on, naging maamo naman ang mukha nito na parang nagsisisi sa ginawa.

"I-I'm sorr-"

"You don't need to say sorry, Astrid." Saad ko na at nilamigan ang boses ko sabay sambit sa kanyang pangalan na mukhang ikinagulat niya.

Kahit ako rin naman. Sabagay, she's my friend, daw, eh.

"I have to go. Enjoy sa party, mamaya. Una na ako medyo masama kasi ang pakiramdam ko." Walang buhay kong sambit at tinapik ang balikat niya na tela magbarkada lang kami.

"Geh lods." Saad ko pa at naglakad papalayo sa kinatatayuan niya. Yung feeling na akala mo ay susundan ka niya para pigilan at yakapin para pagaanin ang loob mo ay hindi nangyari? Right. Yun ang masakit na umaasa ka sa wala.

Hindi ko alam kung ilang oras akong naglalakad pero namalayan ko nalang na nakarating na ako sa bahay na walang katao-tao at parang pagod na umopo sa sofa sabay tingala sa kisame.

Wala kasi ang kapatid ko ngayon at may pasok, pero nandun naman si Aling Doray na sinusundo rin siya kasabay si Khiann. Ilang minuto pa akong nagmuni-muni bago nagpasyang magbihis at bumaba para magluto ng makakain. Gutom na gutom ako ngayon sa totoo lang kahit kakakain ko lang kanina ng tanghalian at medyo hindi maganda ang pakiramdam ko talaga.

Totoo naman kasi yung sinabi ko kanina at hindi yun palusot lang para makauwi bukod doon sa ayaw ko ng maalala.

Ihahain ko na sana sa mesa ko ang naluto kong pagkain ay bigla ko nalang itong nabitawan kasabay ng natabig ko na baso bago kumapit sa lababo at napahawak sa ulo ko na sobrang sakit.

Shit! Shit! Shit! Bakit parang ang sakit ng ulo ko at shit.

Napahawak naman ako sa ilong ko na parang may umagos dito at kahit nanginginig ang kamay ko ay dahan-dahan ko itong tinignan at biglang nanlamig sabay nanigas ang katawan ko sa nakitang may dugo ang kamay ko?!

What the dugo?!

And before I could react, ay namalayan ko nalang na nakahiga na ako sa malamig na sahig habang hawak ang ulo ko ng mahigpit. Unti-unti namang nanlabo ang mata ko at bago ko paman napapikit ay may narinig akong mga boses na mukhang nagkagulo at nagsisigawan.

"A-ate?!"

"O-oh my goddd!"

"Rainee!"

"Ulannn!"

"Hala Rainey!"

"Let's call an ambulance!"

Huling Rinig Ko, and everything went black.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now