Oh, I forgot. He's my cousin on father's side. Bailey Gil.

“Na-miss mo lang ako, e.” Sinundot-sundot ko ang tagiliran nito.

Inis niyang binaklas ang braso kong nakakawit sa kanya at sinamaan ako ng tingin. Ang sungit naman. “Bakit kita mami-miss? Kaumay na pagmumukha mo, Berlin.”

“Gago ka ba?” Sinuntok ko ang balikat nito. “Bakit ba Berlin kayo ng Berlin? Naging crush mo lang ako dati, e.”

Mas lalong sumama ang timpla ng mukha nito. Hmm, amoy rambulan dito sa elevator. “Asa ka namang crush kita.”

“Sus...” Nginisihan ko ito. “Crush mo 'ko dati kaya ka nagsusungit kasi pinsan mo pala ako.”

Napahalakhak ako sa hitsura niya. The door opened and I hurriedly went out of the elevator. Knowing that guy, kukurutin na naman niya ang pisngi ko gaya ng ginagawa niya kapag nakukulitan siya sa 'kin.

“Mommy!” I exclaimed the moment I entered Uncle Baron's office.

“Sweetie,” malambing na sambit ni mommy Macey. Yes, I call her mommy even if she's Bailey's mother. “Na-miss kita.”

Kung gaano kasama ang tingin sa 'kin ni Bailey kanina, mas masama ang tingin ni Uncle. Of course, they were about to kiss when I interrupted. Hindi ko maiwasang mapahagikhik. Mag-ama nga sila ni Bailey.

Nilapitan ko si Mommy Macey at dinambahan ng yakap. Her arms wrapped around me which made me feel light and comfortable. Ngunit naputol ang yakapan namin nang may asungot na pumasok sa loob ng opisina ni Uncle. Sabay kaming napalingon ni Mommy rito.

“Oh, Bailey. What's with the face?” mom asked.

Ngumisi ako nang irapan niya ako. “Berlin mocked me.”

“Ayaw pa kasi aminin ni Bailey na crush niya ako dati,” nakangising sambit ko at mas yumakap kay mommy.

Mommy Macey gasped. “Is that true, Bailey?”

Mas napahalahak ako nang mas lalong sumama ang timpla ng mukha ng pinsan ko. Nonetheless, his handsome face didn't change. Gwapo pa rin. Kahit pa yata umiyak 'to, gwapo pa rin.

“Mom!” he raised his voice making me and mom laughed.

I pulled away from our hug and glanced at uncle Baron. “Uncle, I came by to say I'm having a vacation somewhere in Visayas.”

“With?” sabat ni Bailey at umupo sa bakanteng couch.

“Lace,” I replied.

Kita kong nagkatinginan silang tatlo. Matapos ang ilang segundo ay biglang nagmura nang malakas si Bailey at sinamaan ako ng tingin. “Did you just lose your mind?! Bakit ka sasama sa gagong 'yun?”

Bahagya akong napaatras sa uri ng pananalita nito. His face showed no emotion, even his voice turned cold. Alam kong seryosong tao ang pinsan ko, ngunit hindi ganitong kaseryoso.

“Bailey,” sita ni mommy sa malumanay na tinig.

“What?” His eyes darted at mommy. “Baka kapag nagka—”

“Okay, Keith. You may take a vacation anywhere you like,” pagpuputol ni uncle sa sasabihin sana ni Bailey. “Basta mag-iingat ka lang palagi.”

Napangiti agad ako sa sinabi ni uncle at hindi ko na lang pinansin si Bailey na masama ang tingin.

“No!” Bailey roared. “She can't come with that man!”

Napanguso ako at bumaling kay Bailey. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit niya kay Lace, ngunit hindi rin mapanatag ang loob ko kung ganito siya. Bailey is like a brother to me.

Lumapit ako rito at binalewala ang matatalim niyang titig. I wrapped my arms around his waist and hugged him. I rested my cheek on his chest.

“Payagan mo na ako, dugyot,” nakasimangot kong ani. “Ngayon lang, e.”

He took a deep breath and hugged me back making me smile. “Hindi ka talaga mapipigilan?”

Nag-angat ako ng tingin dito at umiling. “No, you can't. At saka, vacation ko na rin from stressful college life.”

Umirap ito sa 'kin at kinurot ang pisngi ko. “Just call me when he do something you don't like. Mexico isn't that far from Philippines.”

Ha? Malapit lang ba?

Napahagikhik na lang ako rito at kumalas sa yakap. I took a step back and smiled sheepishly towards Mommy Macey before looking back at Bailey.

“Sabi ko na nga ba, Mommy! Crush ako ni Bailey!” I chanted and ran towards the door. I heard him called my name but I didn't heed him any attention.

Bago ako makalabas ng opisina, nilingon ko sila Uncle Baron at Mommy Macey. Nginitian ko sila ng matamis. “Bye po!”

“Berlin!” pagtawag ni Bailey dugyot.

Tinignan ko ito at nginisihan. “Pasensiya ka na, Bailey. Un-crush mo na ako kasi magpinsan tayo.”

“Keith Berlin Gil!”

Tumili ako at nagmamadaling umalis sa takot na mahabol niya.

--

“Ako na kasi, hindi naman ako baldado,” I said, trying to reach my luggage from his grip.

Mas nilayo pa nito ang bagahe ko at hinapit ang bewang ko. “Hindi ka pwedeng magbuhat ng mabibigat.”

“Hindi ako buntis,” saad ko. “At lalong hindi ako ako PWD kaya ibigay mo na sa 'kin ang bagahe ko.”

“Stop talking, Kitty.”

Giniya niya ako papasok sa paliparan ng Rial Airlines. Doon niya kasi ipinarke ang kanyang ‘baby’. Ugh! Why do boys calls their favorite things baby?!

“Stop making face. Aren't you excited?”

Napalingon ako sa kanya at humawak sa braso niyang nakahapit sa at bumuntong hininga. “Ano bang pangalan ng helicopter mo?”

“You don't need to know,” saad niya at saktong nasa airside na kami kung saan nakatambay ang mga pribadong sasakyang panghipapawid. “Let's go.”

Nagtungo kami sa isang helicopter na nasa gitna ng runway at umaandar. Naglibot ako ng tingin at napansing wala namang mga eroplanong papalipad dahil tahimik ang buong lugar.

“This is terminal three, still not in use,” saad nito na para bang alam niya kung ano-ano ang mga tumatakbo sa isip ko.

I just nodded my head. Napatakip naman ako sa 'king tenga nang makalapit na kami sa helicopter. The pilot smiled at us and continue pressing on whatever he was doing.

“Hop on,” he whispered on my ear.

The wind blew some strands of my hair and it covered my face. Ngunit hindi nakaligtas sa paningin ko ang letrang nakaukit sa ibabang parte ng bintana malapit sa cockpit.

Kitty...

Forbidden DesireWhere stories live. Discover now