"Can you look after North? I'll just answer the call." pakiusap ko. Tumango siya.

Lumabas ako sa kwarto na tinutuluyan ni Gabe at kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa ng pantalon ko. Nakailang missed calls siya at binaha rin ako ng text messages galing sakanya. I don't know what to feel about it.

I answered the call and I heard him heave a sigh. Hindi ko alam kung naginhawaan siya o may iba pang ibig sabihin ang malalim niyang pagbuntong-hininga.

"Thanks God you answered. Kanina pa ako tu-"

"Stop pursuing me." I said coldly and ended the call. Muli siyang tumawag kaya pinatay ko na ang cellphone ko.

Ayokong umasa siya sa akin. Hindi ko maibibigay pabalik ang pagmamahal na ipinaparamdam niya. Hindi na siya ang taong nakikita kong makakasama ko. He can no longer give me the happiness and peace. Eight years were long enough to finally let go, to move forward.

Kung nakakulong pa rin siya sa nakaraan naming dalawa at sa pag-asang baka meron pa, wala na.

Galit at sakit na lamang ang nararamdaman ko sa loob ng walong taon. Wala na doong pagmamahal na nakahalo. After hearing his explanation for the first time, the pain and anger vanished too. I can forgive him but I can no longer love him. Mas lamang kasi 'yung sakit na ipinaramdam niya kesa sa pagmamahal kaya mabilis na nawala 'yung pagmamahal ko dahil unang-una ay hindi siya nagbigay ng seguridad na mahal niya ako. His love did not secure me.

"Mommy." napatingin ako kay North na nasa pintuan ng kwarto ni Gabe. He's looking at me and sadness is visible in his eyes. Lumapit siya sa akin at yumakap sa tiyan ko.

"I can see that he's trying." even without mentioning his name, alam kong ang ama ang tinutukoy niya.

"He has a right on you. He can always see you. He can also have you for as long as he want." sabi ko.

"But it's not just me that he wants to have." mapait akong ngumiti.

"The chapter of our lives came to an end. Wala na 'yung karugtong." sabi ko at marahang hinaplos ang buhok niya.

"I know he had caused you so much pain...but please don't close the door for second chances, Mommy." he said in a sad tone.

"That would be unfair for your Dad. I don't want him to assume that we'll get back together if I'll let him pursue me. He was once the best part of my life and I still have memories with him but those memories no longer have a continuation. I don't want to inflict him more pain by letting him love me. I can't love him back." I explained slowly to him.

"But love isn't give and take. You can love someone without getting back the love, right? Maybe Dad just want to show and make you feel his love because that's what you missed for the past years." marahan akong ngumiti sa anak ko.

"It's not a give and take but we can't stop ourselves from hoping. And making him stop will also stop him from hoping."

"He loves you. That's all I can say." sabi ni North at kumalas na mula sa yakap sa akin.

Pumasok siya sa kwarto ni Gabe at naiwan akong tulala sa labas. Siguro nagalit siya sa ama niya pero mukhang naintindihan niya na ito. Inisip ko lahat ng nangyare sa amin ngayong araw. We almost lost Gabian and that is something I can't take. I asked Tage to stop pursuing me and that's the right thing to do because I love someone else. Ayokong maging unfair sakanya at umasa siyang mahahalin ko ulit siya. My son forgave his father and is giving him another chance to be a father to him. At gusto ng anak kong bigyan ko ng pagkakataon ang tatay niyang ipakita at iparamdam sa akin ang pagmamahal nito. Hindi ko na alam kung ano ang dapat na maramdaman. My mind chose not to process everything.

Sa kwarto na kami ni Gabe nagpalipas ng gabi. We're still waiting for him to wake up pero kahit galawin man lang ang mga daliri niya ay hindi niya ginawa. Ni hindi ko na magawang ipikit ang mga mata ko dahil binabantayan ko na magising si Gabe. Gigi's asleep sitting on a single couch. North's sleeping on the long couch. Ako ay nasa tabi ni Gabe, mahigpit na hawak ang mga kamay niya.

It's past 3 in the morning when his room opened. Agad na doon bumaling ang atensiyon ko. Akala ko ay nurse na mag-che-check kay Gabian. Sapat na ang lampshade ng kwarto para makita ko ang morena niyang mga balat. She's tall and he's holding a little boy na hindi nagkakalayo kay North ang edad. Natigilan siya nang makita ako. Bumaba ang mga mata niya sa kamay kong nakahawak kay Gabe at bumalandra ang sakit sa mukha niya. Mukhang hindi niya inaasahang may gising pa sa mga oras na ito.

"I'm sorry. W-Wrong room." she said and closed the door.

Ilang segundo akong nakatingin sa nakasarang pinto bago binitawan ang kamay ni Gabe para habulin ang babae at ang anak niya.

"Anastasia!" I'm not sure if she's really the Anastasia that Gabe told me. Hindi pa sila nakakalayo at natigilan siya sa pagtawag ko. She's indeed Anastasia. Sinamantala ko ang pagkakatigil niya para makalapit sakanila. Nakatalikod sila sa akin.

"Anastasia." I called when I'm already at their back. Lumingon siya sa akin at malungkot na ngumiti.

"N-Namali lang ako ng pintuang napasukan." she reasoned out. It's my turn to give her a sad smile.

"You don't have to lie. I know what happened between you and Gabian" I saw pain crossed her eyes. Tumingin ako sa batang kasama niya at agad na kumunot ang noo ko. He doesn't look like Marcus but someone closed to my heart. Hindi niya rin kamukha si Anastasia. Tumingin ako sakanya at tumango siya, sinasagot ang tanong na hindi ko naisatinig.

"Ang alam niya ay nagkaanak kayo ni Marcus at ikinasal." mahinang sabi ko.

"Our marriage was fake. And he's Gabian's son." kahit halata naman sa mukha ng bata ay umawang pa rin ang bibig ko sa sinabi niya.

Bigla kong naisip 'yung mga taong ako at si North ang pinoprotektahan at inaalagaan ni Gabe imbes na ang totoong pamilya niya. My heart clenched with the thought. Hindi rin maiwasan ng puso kong masaktan sa naiisip na mga posibilidad. Ayoko nang dumating ulit sa puntong may papipiliin ako at hindi ako ang pipiliin.

"H-He's still unconscious." iniwasan kong maiyak. Nasasaktan ako sa mga senaryong tumatakbo sa isip ko. I can't lose the choices. Fuck! Ayokong magpakasakim but I don't wanna lose Gabian. Ayokong maging kontrabida sa pamilya ni Gabe pero ayokong mawala siya sa amin ng anak ko. I know how much my son loves Gabe. I am inlove with him too.

"You want to s-see him?" labag iyon sa kalooban ko pero naisip ko ang batang matagal ng nag-aasam ng kalinga ng ama. Sa lahat ng nangyare sa pagitan nila ni Gabian, labas ang bata doon. Karapatan niyang makita at makasama ang ama.

"P-Pwede ba?" Damn! Gusto kong umiling at paalisin nalang sila pero kabaliktaran ang naging sagot ko.

"O-Ofcourse." I want to be logical. This isn't just about my love towards Gabe. This is also his family that I am talking to. Hindi alam ni Gabe na may anak siya at sa oras na malaman niya ay alam kong ikakatuwa niya.

Magkakasabay kaming pumasok ng kwarto ni Gabe. Tulog pa rin ang dalawang iniwan ko. Hindi man lang sila nagising kahit na naglikha ng ingay ang mga hikbi ni Anastasia. I saw a woman inlove with him. Hinawakan niya ang mga kamay ni Gabe at paulit-ulit iyong hinalikan. For the second time in my life, I want to be selfish. Selfishly inlove.

Gusto kong hilahin palayo si Anastasia kay Gabian. Gusto ko siyang itulak palabas para hindi na siya makalapit pa sa amin.

Sa pangalawang pagkakataon ay may babaeng muling magpaparamdam sa lalaking pinili kong mahalin. I feel like she's the Ardelle version 2.0. Natatakot akong sa ikalawang pagkakataon ay hindi ako ang pipiliin ng mahal ko. Who will choose me? Wala ng taong makakasangga ko sa lahat ng bagay kapag nawala sa akin si Gabe. Baka sa pagkakataong ito ay tuluyan ko ng hindi kayanin ang lahat. Mas masasaktan ako kapag si Gabian na ang mamimili at hindi ako ang pipiliin.

Their son holds his hand. Kita ko ang pangungulila sa mga mata nito. Para siyang batang pinagkaitan ng ama. Well, technically, pinagkaitan nga siya ng ama. Gusto kong sisihin si Anastasia dahil siya itong hindi lumapit kay Gabe para ipaalam na may anak sila. She made him think that she's married to Marcus and had a son with him. Pero hindi ko pa alam ang totoong nangyare kaya tinigil ko ang pag-iisip ng masama laban kay Anastasia.

Love Me TomorrowWhere stories live. Discover now