"Tage." mahinang tawag ko sakanya. He looks at me. Nung hindi ako nagsalita ay tumayo siya mula sa pagkakaupo sa tabi ni North at naglakad palapit sa akin. Tinabihan niya ako sa sofa at pinakatitigan sa mata.

"What is it, Ynessa?" he sweetly urges me. Umiling ako kaya marahan niyang hinawakan ang kamay ko.

"I want you to process everything first. Hindi kita minamadali. You can have all the time and tell me your thoughts when you're ready." tumingin ako sa mukha niya, hinahanap ang dating nararamdaman sa tuwing nakatingin ako sakanya. My heart would go ballistic whenever he's this close, mahihirapan akong huminga dahil pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa mga titig niya. Pero ngayon, wala akong maramdaman. I'm just looking at him without feeling anything. Wala na 'yung sakit at galit na nararamdaman ko. It vanished after hearing his side. But my love for him was long gone. Hindi ko na mahagilap kahit pilitin kong maramdaman. Wala na talaga.

Para patunayan kung totoo ngang wala na akong nararamdaman para sakanya ay unti-unti kong nilapit ang mga labi ko sa mga labi niya. I closed my eyes when my lips touch his. Matagal iyong nakadampi lang sa mga labi niya bago ako nagdesisyong humiwalay. Tumingin ako sakanya at kita ko ang pamumungay ng mga mata niya.
I weakly smiled at him. It's no longer here, my feelings already vanished.

"I don't love you anymore." mahinang sabi ko, sapat lang sa para madinig niya. I saw how pain crossed his eyes.

"If you want to be a father to North, I won't stop you. Be his father because my son needs his father. But we can't happen, Tage." umiwas siya ng tingin pero humigpit ang hawak niya sa akin. Nung muling humarap siya ay kitang-kita ko na ang sakit na bumalantay sa mga mata niya. He's no longer stopping the pain. Pinapakita niya na talaga.

"Don't you want to give our son a complete family, Ynessa?" mahinang sabi niya.

"Having a child doesn't mean that we need to be together. It won't work without love, Tage."

"Mahal kita." I was taken aback because of his confession. "Ako naman ang magmamahal sa relasiyong ito." umiling ako at mapait na ngumiti.

"It won't work  with one sided love." sabi ko.

"Try me, Ynessa. Don't give up on us, yet. Let me love you...and love me tomorrow."

"We can be co-parents to North. Matalino ang anak mo, Tage. He would understand."

"Don't stop me, please. Gusto kong iparamdam sayo ang pagmamahal ko. I know I'm years late but please, Ynessa, give me this time to show my love for you." namumula na ang mga mata niya kaya umiwas na ako ng tingin sakanya. Hindi ko kayang tingnan siya ng ganito kabasag. He looks fragile in my eyes.

"Tage..." nahihirapang sabi ko.

"It's okay to give second chances, baby." tuluyang bumuhos ang mga luha sa mga mata niya. Hinayaan ko siyang yakapin ako. If this is what he needs to lessen his pain.

"I'm sorry." pabulong na sabi ko.

Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin nang sumunod na mga araw. North's giving him the chance to be a father to him. Kita ko 'yon sa simpleng pag-inom niya ng mga gatas na gawa ng ama. Kinakain niya na rin ang mga clubhouse na ginagawa ni Tage. Ako, tahimik lamang kapag may mga dala siyang bulaklak kapag umuuwi sa bahay. Inaabot ko 'yon at tanging 'thank you' lang ang nasasabi. He would always hug me, kissed my head and whispers his 'I love yous' na hindi ko magawang sagutin ng kahit ano. Hinahayaan ko lang siya. Bumabawi siya at nararamdaman ko 'yon.

Ilang araw na pero hindi pa rin ako nakakatanggap ng kahit na anong tawag mula kay Gabe. Nag-aalala na ako pero ayoko namang guluhin muna siya dahil alam ko ang pakiramdam ng mawalan. I also wanted to be alone during my mourning. Ayokong may nakakausap dahil mas lalo lamang akong nalulungkot kapag may nakikita akong awa sa mata ng ibang tao. Ilang text na ang naisend ko sakanya na walang reply. I understand him. Kahit si Gaze ay naitext ko na rin at ang reply lang ay 'we're okay'.  Sapat na 'yun para medyo kumalma ako.

I already received an email from North's school dahil nalalapit na ang examination nila at may mga lesson siyang kailangang habulin. I'm planning to go back to Greece within this week. If Gabian is already okay to travel back to Greece, baka magsabay nalang kaming tatlo. But he's not answering any of my messages.

"Don't you miss Greece?" tanong ko kay North habang naglulunch kami. Tage isn't here. Nagpaalam siyang may aasikasuhin muna ng mabilis at babalik before dinner. He invited us to dine in in a restaurant later. I agreed because he looks so hopeful and I don't want to ruin that expression of him. He became expressive with his feelings the past days. Para ngang wala na siyang naiitatago pa.

"I miss Dada." malungkot na sabi niya. Tumango ako at nagdesisyon ng dalawin si Gabe.

Pagkatapos naming mananghalian ay binihisan ko si North at pumunta kaming bahay nina Gabe. We miss him. We need to see him.

Pinagbuksan kami ng guard ng gate at agad ng pumasok. I texted him that we're coming but he didn't reply. Hinayaan ko na dahil baka may ginagawang importante o di kaya'y busy.
The maid said that he's in his room. Hindi raw lumalabas. Doon kami dumiretso ni North. When I opened his room, I saw empty bottles of beer on the floor. Nagkalat 'yon at masyadong marami para sa ilang araw na nakalipas.

"Have you been drinking all day long?" hindi ko na napigilang pang pagalitan siya. He's on his bed. Nakatalikod sa amin at hindi lumingon. Naglakad ako papalapit sakanya at handa ng muling pagalitan siya ng makita ko ang nagkalat na dugo sa puting kobre kama niya.

"Jesus Christ, Gabian!" nanlalaki ang mga mata ko. Nabitawan ko si North at agad na dinaluhan ang nanlalamig na katawan ni Gabe. I checked on his pulse and it's barely pulsing. Mariin akong napamura at naiiyak na inalog ang katawan niya.

"Gabian! Gabe!! Fuck, wake up!" inalog-alog ko siya pero hindi nagrerespond ang katawan niya. Hinarap ko si North na ngayon ay umiiyak na rin.

"Call some help, North. Dada needs some help." agad siyang tumakbo palabas ng kwarto. Pilit kong ginigising si Gabe. Nanlalabo na ang mga mata ko sa mga luhang nag-uunahang kumawala.

"You can't leave us. Please, Gabe. Wake up!" he's not moving. I should have checked him. He's a Daddy's boy. Bakit hindi ko naisip na tinatago niya ang totoong nararamdaman niya nung mga panahong nasa burol kami. Sa libing lang siya umiyak at alam kong hindi pa 'yun ang tunay niyang lungkot.

"Gabe!" takot na takot na tawag ko. I was never been so afraid to lose someone not until today. Hindi ko kayang tingnan ang pulso niyang naglalabas ng dugo. I tried to stop the blood.

I felt him move. Dahan-dahang dumilat ang mga mata niya na ipinagpasalamat ko.

"R-Russelle." hirap na tawag niya. "P-Patawarin mo 'ko kung pinagkait ko sainyo ni North si T-Tage. D-Dahil sakin ay lumaki si N-North na hindi buo ang p-pamilya niya." umiling ako habang patuloy ang pagbuhos ng mga luha ko.

"M-Mahal na mahal ko kayo ni North. I'm sorry if I can't be with you all throughout. Hindi ko na kaya, Russ." umiling ako nang umiling. No. He can't leave us. Not Gabian, please. Hindi ko kakayanin kung pati siya mawala sakin.

"I love you, Gabe. Please... don't leave us. We need you. Kailangan ka namin ni North."

Love Me TomorrowWo Geschichten leben. Entdecke jetzt