Chapter 22:Worried

48 9 2
                                    

Chappy 22:Worried

David's POV

Nagmamadali akong tumakbo patungo sa campsite dala dala yung green flag ng Group B.

Sana okay lang si Mikee!Halos habulin ko na yung hininga ko nang makarating na ako sa campsite.

"M-Ma'am!..ugh."

Natumba ako kaya nilapitan nila ako. Pawis na pawis yung mukha ko.

"Oh,David what's the problem? Nakita mo na yung green flag ng Team B." Nakangiti niya pang sagot. Kaagad kong binigay sakanya yung flag.

"MA'AM,MIKEE IS IN DANGER!" Galit akong napasigaw sakanya kaya nagulat siya sa pag sigaw ko.

"What? Mikee is in What?!" Nagsimula siyang magpanic kaya nairita ako.

"She's in danger Ma'am!"

Nag-ayos si Ma'am at kumuha ng mga tauhan para narin matulungan si Mikee. Kaagad kaming pumunta kung saan si Mikee na hulog.

"Dito po siya na hulog Ma'am!" Tinuro ko yung butas.

Sumilip naman si Ma'am at kaagad na tinawag yung 4 na lalaki.

Nakahiga si Mikee at walang malay.

"Mikee!! Mikee!! Hey can you hear me!"

Nagsisigaw ako,baka marinig niya pa ako at magising siya.

Bumaba na yung dalawang lalaki at binuhat nila si Mikee. Yung dalawa naman naghanda ng lubid at yung isa tinutulungan silang iakyat si Mikee.

Nang mai-akyat nila si Mikee kaagad ko itong nilapitan.

"Mikee gising ka pa? Hoy sumagot ka nga!"

Hinawakan ko yung ulo niya at may naramdaman akong mainit na likidong lumalabas mula doon. Nang tingnan ko ito..

"Dugo."

"Kailangan na natin siyang maidala sa clinic!"

Nagmamadali kaming pumunta sa clinic. Marami rin ang nagtatanong saakin kung ano ba ang nagyayari. Hindi ko sila masagot dahil maraming gumugulo sa isipan ko. Kami rin ang nanalo sa Activity ngayon so 2 points na kami. Pero hindi ako masaya.

Sa ngayon nasa clinic na si Mikee at nagpapahinga.

Mikee's POV

Nagising ako sa loob ng isang kwarto. Hindi ko maidilat ng maayos yung mata ko at hindi ako makagalaw ng maayos kasi ang sakit ng ulo ko.

"Mikee.."

Narinig ko yung boses ni Ma'am Farmiga kaya pilit kong minulat yung mata ko.

"M-Ma'am..kayo po pala..Aray.!"

Pilit akong bumangon pero nilapitan ako ni Ma'am.

"Teka lang,wag ka nang bumangon. Magpahinga ka muna 0kay?"

"Okay Ma'am.."

Hinawakan ko yung ulo ko at naramdaman kong may bandage na nakalagay dito. Pati narin sa likod. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko..feeling ko ang init init ko at ang sakit ng ulo ko tsaka di ko pa maimulat ng maayos yung mata ko.

"Alam mo ba Mikee.Alalang-alala si David kanina? Tsaka tinawag ka niya sa mismong pangalan mo."

Kahit hindi ako nakamulat alam kong nakangiti si Ma'am.

"Talagang makikita mo sa mukha niya na nag-aalala siya. Pawis na pawis pa nga siyang nakarating dito eh. Hahaha."

Hindi ako nakapagsalita at nakinig nalang ako kay Ma'am.

"Haayy Mikee,I know that someday you will be a Perfect Couple."

Dahil dun sa narinig ko napamulat talaga ako sa galit.

"Eeww yuck yuck yuck!!! Ayoko Ma'am! Sa Makapal na lalaking yun! Argh no way!"

Natawa si Ma'am dahil sa reaksiyon ko. Nahiya naman ako kaya humiga ako ng maayos at tsaka ko lang naramdaman yung sakit kanina.

"Nyahahaha.. haynaku Miss Salmon. Balang araw lalamunin mo rin yang sinabi mo." >_<

Nanahimik nalang ako at pumikit ulit. Narinig kong sumara yung pinto at wala na si Ma'am. Natulog nalang ako para narin makapag gain ng energy bukas.

Napaisip tuloy ako kung ano ang itsura ni Kapal pag nag-aalala. Hmmm..

Imagination look:

Gwapo at pawis na pawis.

Napamulat ako at kaagad na binatukan yung ulo ko.

"Aray!! Aray ko po!! Ang sakit!"

Nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto at kaagad na lumapit saakin si Kapal.

"Mikee ayos ka lang ba! Anong nangyari!"

Tulala akong napatingin sakanya.

My vision looks for him:

Gwapo at pawis na pawis

0MG! LOKA LOKA AKO!!

"Bakit kaba nagsisigaw kanina.?"

Hinawakan niya yung ulo ko kung saan ako nakahawak. Ang lamig ng kamay niya. Ramdam na ramdam ko yun.

"A-ah..ayos lang ako."

"Mag-iingat ka kasi."

Umupo siya sa tabi ko.

"Sige matulog ka na. Babantayan kita."

-_- Huh?

"Huh?"

"Nabagok ba yang ulo mo at hindi alam ang ibig sabihin ng matulog ha?"

Ayy ano ba yan bumalik sa pagiging masungit.

"Oo na matutulog na po ako Lolo Kapal."

"Anong sabi mo?!"

"Ilang cottonbuds ba ang kailangan mo at dapat ko pang ulitin yung sinabi ko?!"

Magsasalita pa sana siya nang kaagad akong nagtaklob ng kumot.

"Aish."

Pagkatapos nun wala na akong ingay na narinig pero nasa tabi ko lang siya at talagang binantayan niya ako. Naghintay ako na umalis siya pero nandun parin siya.

"Mikee."

Hindi ako gumalaw at hinintay ko ang sasabihin niya.

"I'm so Worried.why did you make me feel like this?"

Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin.

What do you mean?

A/n: Yehet hanggang dito na muna okay? Thank you ulit sa mga nagbabasa ng story ko.I lilly lilly love you.

Vote and Comment if you like.

#Exo

Hate this Feeling (Slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon