CHAPTER 6: NEW YAYA

Start from the beginning
                                    

Napailing ako. "Sorry about that. Pagpasensyahan mo na lang dahil talagang may kakulitan silang taglay lalo na yung bunso kong si Lancelot. Sana masanay ka rin sa kanila habang tumatagal. Huwag mo lang papaluin o sasaktan ang mga anak ko kahit gaano pa sila kakulit at kalikot. Ako na lang ang bahalang dumisiplina sa kanila. You can start your job now as their babysitter. Teka lang pala, nasabi ba sayo ni Cassandra ang magiging setup mo rito?"

Tumango ito at nagsalita. "Stay in ako at 24/7 ang trabaho ko sa pag-aalaga sa mga bata lalo na kung wala ka at kailangan nila ako. Libre rin lahat ng pagkain at lingguhan ang sahod. Pwede ako magday off kapag linggo pwera na lang kung sobrang busy ka at hindi mo sila maasikaso."

"You okay with that? I mean, baka may gusto kang isuggest, ipabago o idagdag sa mga sinabi mo."

Umiling ito. "Sa ngayon, wala naman. Nasabi naman na sa akin ni Cassandra ang setup bago pa ako pumunta rito kaya talagang desidido na akong alagaan sila nung pumayag ako."

Tumayo ako sa upuan ko at pinatayo ko rin siya. "Follow me. I'll bring you to your room."

Sumunod naman siya agad sa akin. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa dating tinutulugan ni Brenda nung siya pa ang nag-aalaga ng mga anak ko.

"This will be your room from now on. My sariling banyo, tv at electric fan na rito. Kompleto na rin ang gamit dito sa loob kagaya ng sabon, shampoo, drawer, saka solo na kama. Damit mo na lang ang kulang saka ilang personal na gamit. I hope this room is okay with you. Malinis na rin naman 'to kaya wala ka ng aalahanin pa."

Lumapit naman ito sa akin para silipin ang loob ng kwarto. "You can go inside. May nakita rin akong isang maleta sa sala na sa tingin ko ay sayo. Pwede mo ng dalhin ang mga gamit mo rito."

Bago pa siya makasagot sa akin ay nag-uunahan na triplets ang lumapit sa amin. "I knew it. She's now our new yaya?" Lanaia said while smiling widely. Ngayon ko lang nakita na ganito siya kasaya sa bago nilang yaya.

"Yup." Maikli kong sabi.

"Yehey! Yaya are you going to sleep here tonight?" Landon said.

"Y-Yeah. Para bukas ng umaga maasikaso ko na kayo. Are you okay with that babies?" Masuyo niyang sabi saka hinaplos sa ulo si Landon na pinakamalapit sa kanya.

"Yes! Yaya can you please braid my hair. I miss that." Lanaia said then she hold her own hair.

Narinig kong natawa si Quebec. "Okay baby. But let me put my clothes first in the cabinet."

"No problem. After you put your clothes in the cabinet please help us to have a half bath." Lancelot said and he's using his puppy eyes.

"Of course." Walang pag-aalinglangan naman niyang sagot sa bunso ko.

Hinila ng tatlo si Quebec palabas ng kwarto. "Come on yaya. We will help you with your clothes." Lanaia said obviously excited.

"Careful kids." Saway ko sa kanila nang makita ko na grabe sila makahila kay Quebec.

Nawala na sila ng tuluyan sa paningin ko hanggang sa puro hagikgik na lang ang narinig ko. Napailing na lang ako saka nagpunta sa kwarto namin ng mga bata. Naglinis ako ng katawan ko saglit saka bumaba agad para silipin ang mga bata.

"Ma, where's the kids?" I asked mama when I saw her cleaning the sala.

Mama looked at me smiling. "Nandoon kay Quebec. Naglalaro yata sila sa kwarto niya."

Walang imik akong pumunta sa kwarto ni Quebec para silipin ang mga bata. Sabik na naman kasi sila sa ibang kalaro kaya siguradong kukulitin nila ng kukulitin si Quebec. Palapit pa lang ako sa kwarto ay narinig ko na ang mahihinang hagikgik ng mga bata. Pagdating ko sa tapat ng kwarto ni Quebec ay nakasara ang pinto kaya kumatok muna ako para mapagbuksan. Wala pang ilang segundo ay binuksan ni Landon ang pintuan. Nakangiti ito at ganon din si Lancelot. Sa likuran nila ay hinihila na naman ni Lanaia si Quebec palabas.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now