24

24 1 0
                                    

Tumakbo ako palabas, kahit si amz ay gulat sa biglaang pag alis ko. Ayokong makita yung reaksiyon niya! All i taught is n-nabasa na niya... Bakit? Bakit ngayon lang, may girlfriend na siya diba? What the fudge!


Nasa labas ako ng bahay niya, paano ako uuwi? Ang layo at alangan iiwan ko si amz.


Okay calm down eir, you can escape this.

"Tatakas ka na naman?"

I remained standing, hindi ko magalaw ang mga paa ko para umalis at tumakbo palayo.


"Bakit eir? Bakit hindi mo sinabi?" He said with his broken voice.


Lumingon ako at nakatingin sa baba, diko siya kayang tignan.


"Akala ko... akala ko iniwan mo ako at ginusto mo yon! Akala ko hindi mo ako minahal! Eir! Bakit? "

Ano pang silbi para magpaliwanag ako? He's already happy but i guess i need to explain para din makalaya na ako sa paraisong pinaniniwalaan kong may hangganan pa kami.

"Kase wala na akong magawa andro" Tumingin ako sa kanyang mga mata habang patulo na ang aking luha.

"Wala na andro, hindi ko na alam ang pasya ko noon. Patawarin mo ako, but at least i did a great decision, and now you're here. I know you're now happy with her"


He glance at me "What? Eirha Cassey! I don't have a girlfriend, because till now! Hanggang ngayon lagi kong tinatanong ang sarili ko kase putangina bakit ikaw pa rin?! Sinubukan kong magalit sayo putcha pero wala! Ikaw eir! Ikaw pa rin, tapos nabasa ko ang sulat"


Wala siyang girlfriend? Eh sino ang ...



"Noong nakita mo ako, si shab ang kasama ko at alam kong alam mo kung sino siya, pinsan ko. At sa tutor noon, si mama ang kasama ko pag tapos. I don't have a girlfriend, because my girlfriend left me. My girlfriend is in front of me"


"Now, can you please tell to me everything?" Aniya. Hindi pa ako nakakasagot ay hinila na niya ako papasok sa sasakyan niya.


Sinimulan ko nang sinabi lahat. Na si daddy ang nagtulak sa'kin lahat. Na wala akong kayang panlaban, sinubukan ko siyang ipinaglaban pero talo, talo ako.


Pagkatapos kong sinabi ay tumingin ako sa kaniya, kita ko sa kanyang mata ang gulat.


I still love him, i hope he can love me too. After all what happened. Alam kong sa kaniya ako uuwi.


"Me and your father talked last last month" Nagulat ako sa sinabi ni andro. Nagkausap sila? Noong nasa malayo pa ako?



"He said sorry and he also said he want me to be your husband soon, afterwards he left me without answering what he said".



So weird. Siya ang sumira sa amin tapos malalaman kong ganito.


" I tried to find you on that day, muntikan kong nawala ang career ko dahil sa sakit na nawala ka sa akin. Waking up on that day that no more text on you... Was so painful" Sambit niya.


"So i tried to fix myself baka kapag malaman mo ay magiging proud ka sa akin" .

Naiyak ako sa sinabi niya. Damn my love.


Hindi na ako nagpaligoy ligoy, niyakap ko siya ng napakahigpit. Akala ko hindi ko na siya mayayakap, akala ko wala na talaga but here i am.


"Anong pinag usapan niyo? Bilis na chika na!" Pilit ni amz dito sa loob ng sasakyan.


Pauwi na kami, nagpaalam na rin ako. After that deep talk medyo ayos kami. He also kissed my forehead before im going home. Mahaba haba pa ang biyahe ko kaya ichika ko muna kay amz.


"Sheez! Really? Sabi sa'yo kayo pa rin eh, meme omg! Cb na this!" Kung makasigaw si amz ay parang teen ager lang eh.



"Rupok mo eir" Sambit din niya. Wow parang kanina tatalon talon dito sa sasakyan sa saya.



Well marupok na kung marupok, i love him eh. Alangan ipipilit ko ang sarili ko sa iba edi talo. This is love, even how many tears, sorrow and pain... siya at siya lang ang hahanapin mo sa huli.


I remembered maude, nagkausap kami na busy na rin siya sa work niya. Damn im missing her na naman.




Balita ko si Mavia Ianah ay malapit ng ikasal. Naalala ko kung paano siya nadamay sa guidance office noon geez. And now, she's getting married. At yong best friend niya na si joanna? May anak na sila. Noong kami pa ni andro nabanggit niya si Maxine na ex fling niya, pero ngayon balita ko din ay engage na siya and her best friend na malapit din kay andro na si kendra? I don't know exactly but yeah and also alleah and llynyre also, she's now happy with her Boyfriend at si kendra ata ay super successful na. Si alleah ay wala akong balita sa kaniya.





Lahat nito ay galing kay amz, well known chismosa.





Emmahayah... Ex fling din ni master andro. Wtf nakadalawang fling pala. She's indeed a successful sa bagong mall na pinapatayo nila ng kapatid niya na si emmanuel? Na asawa ni athena at may anak sila. Geez nalaman ko din kay amz na tinaguan ng anak si emmanuel but now they're living a fairy tale happy ending.






Why i am saying all of this? It because i admire them, base sa mga kwento ni amz. I do really admire them. Eh si amz kaya?





Well i don't know.





Pag uwi namin sa manila ay diretso bahay na ako, nadatnan ko si mommy at daddy na parang hinihintay ang pagdating ko.





"We know that you're tired, but we want just to say that we're very very sorry. Naging bulag lang ako sa gusto kong future mo". Panimula ni mommy.





"Im sorry anak, sobrang nagsisi ako sa pagkukulong sayo dahil lang yun. Pero ngayon handa akong itama lahat, anak... He loves you, Sir Alejandro loves you. Saksi namin kung paano siya natulog sa labas ng bahay sa vigan noong tinapon kita sa malayo. Na kahit umuulan ay nandoon pa rin siya sa labas. Alam kong masyado ng late para sabihin ko sayo ang mga 'to, patawarin mo kami, anak ko".






Tumulo ang luha ko. All this time.






" Uh tito, tita. Eto na po ang-"





Nagkatinginan kami ni andro na galing sa kusina. Paano siya napunta dito? At bakit ang bilis ata? Tito tita?






"Andro? How did you came up here quickly?"






"Secret" He winked on me.





May hawak siyang tubig na ibibigay sa magulang ko. Ano to? Yaya?






"Pinapunta ko siya dito para personal na humingi ng tawad sa kanya, sa inyo. Sa pagmamahal na sinira namin sa pagitan niyo" Ani ni daddy.





"Hi love, we're home". Ani ni andro kaya sabay sabay kaming tumingin sa kaniya. Naglakakad na siya palapit sa akin, nakita kong nakangiti si mommy at daddy.





"L-love?" Nauutal kong sabi.





"I love you eir". He said and kiss my lips.

Escape Beyond Maestro (Bigueño Series #3) Where stories live. Discover now