"Nasaan siya? Saan niyo siya dinala? Iniwan niyo na ba kung saan-saan? Inabandona niyo ba? Sinaktan? Ikinulong? Ano? Ano'ng ginawa niyo kay Kuya? Bakit hindi ka makasagot? Siguro hindi niyo alam kung buhay pa siya ngayon, pero ako nang bahala, ako ang maghahanap kay Kuya. Wala na kayong karapatan sa buhay ko ngayon, at mas lalong wala kayong karapatan na tawagin akong anak, dahil kahit kailan, hindi ko naramdaman ang pagmamahal niyo bilang mga magulang ko.

"Masaya ka na ba, Tatay? Masaya ka ba na buhay pa ang batang halos patayin mo na noon? O baka naman malungkot ka dahil buhay pa ako? Sa halip na ikaw ang tagapagligtas ko, si Lolo ang sumalo sa responsibilidad mo bilang ama, na dapat ay sa 'yo. Pero kahit gano'n, nagpapasalamat pa rin ako sa 'yo. Nang dahil sa ginawa mo sa akin noon, natutuhan kong maging matapang. Natuto akong mabuhay nang mag-isa, na hindi kailangan ang aruga ng mga magulang," sumbat ni Allestair sa kaniyang tatay.

Hindi na namin nagawang magsalita ni Jiovanni. Kapwa kami nakayuko habang nag-uusap ang mag-ama. Hindi namin nagawang lumabas ng kuwarto dahil baka may magawa si Allestair sa kaniyang ama sa sobrang galit.

Alam ko na hindi madali ang magpatawad, kaya gano'n na lang kalaki ang galit ni Allestair. Sumenyas ako kay Jiovanni na sumunod siya kapag lumabas ako, para mabigyan ng oras ang mag-ama na makapag-usap nang mas maayos. Pagkatapos n'on, lumabas na ako ng kuwarto. Nang makasandal sa pader, lumabas na rin si Jiovanni nang nakasimangot.

"Ano'ng problema mo?" kunot-noong tanong ko sa kaniya.

Napabuntong-hininga siya. "Nagugutom ako."

"Oh," wika ko nang iabot sa kaniya ang one hundred pesos.

Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa, naglakad na siya at nagtungo sa canteen.

Nakakangawit, walang bakanteng upuan. Tiningnan ko na lang 'tong sugat ko sa braso. Medyo naghihilom na pero sensitive pa rin. Bugok talaga ang mokong na nang-hold up kay Estelle. Malas ko naman.

Nagmuni-muni lang ako habang hinihintay si Jiovanni. Medyo napapapikit na ako sa antok at pagod. Nararamdaman kong medyo malapit na akong makatulog, pero bigla akong nagising nang may isang malaking bag na bumagsak sa tabi ko.

"Upuan mo, ngawit na ngawit ka na yata," wika ng isang dalaga na mukhang boyish.

Itinaas ko ang tingin ko at tiningnan siya gamit ang mapungay kong mga mata.

"Ay, pogi!" sigaw niya. Umupo siya sa tabi ko at hinila ang hoodie ko, dahilan upang mapaupo ako sa bag na inilagay niya sa tapat ko.

"Upo na, magmamatigas ka pa, eh," aniya. "Bago ka rito, 'no?"

"Oo, 'di ba halata?"

"Ay, ang sungit!" Hinampas niya ang balikat ko. "Nga pala, ako si Celeine. Hindi 'yong Celine sa movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, ha? Basta Celeine, because I will never be Celine! Oh, English 'yon, 'di mo kaya." Tinapik naman niya ngayon ang ilong ko.

Nag-thumbs up ako at itinapat sa mukha niya.

"Mahiyain ka, 'no?" tanong niya.

"Introvert-dati?"

"Introvert, 'di ba mahiyain din 'yon? Ang sosyal mo naman, babanatan kita, eh."

Inambahan ko siya ng suntok sa mukha pero napapikit pa siya. Napangisi naman ako at tumingin nang deretso.

"Aba! May gano'n ka pang nalalaman, ha?" inis na sabi niya. "Wow, ang laki!" bulalas niya habang nakatingin sa gawi ng zipper ng suot kong pang-ibaba.

Napatingin ako sa bulsa ng hoodie ko. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya itong dukutin. "May Rubik's cube ka pala, marunong din akong bumuo nito," agad niyang sabi nang makuha ang cube na nakabukol sa bulsa ng hoodie ko.

The Night We Met in IntramurosWhere stories live. Discover now