CHAPTER 5: LIFE OF A SINGLE DAD

Start from the beginning
                                    

After few rings she finally answer my call. "Good morning." She greeted using her husky voice. Kagagaling lang siguro sa tulog.

"Morning. Kagigising mo lang?"

"Medyo. Minamalat ako kaya ganito boses ko. Bakit napatawag ka?"

Hinimas-himas ko ang dibdib ni Lancelot nang umubo ito bago sumagot sa tanong ni Cassandra. "Ah itatanong ko lang sana kung may nahanap ka na ba na pwedeng maging babysitter ng mga anak ko? Hanggang ngayon kasi wala pa akong nahahanap. Napapadalas na ang pag-absent ko sa restaurant. Kagaya na lang ngayon, may langnat si Lancelot."

"Aww is he fine? Kahit naman umabsent ka sa restaurant mo Xenon, may papasok pa rin naman na income sayo. Ayaw mo bang sulitin ang mga panahon na toddler pa ang triplets? Sinasabi ko sayo na mabilis lilipas ang araw at hindi mo namamalayan na dalaga at mga binata na 'yang mga anak mo. Come on! Spend a lot of time with them."

Tinitigan ko si Lancelot na natutulog. Sigurado ako na kapag lumaki pa sila ni Landon ay lalo ko silang magiging kamukha. Si Lanaia hindi ko lang alam kasi konti lang ang namana niya sa pisikal kong itsura.

"I know Cassandra. Pero para rin naman sa future nila ang lahat ng ginagawa kong pagtatrabaho. I want them to be financially stable someday. Hindi biro ang pagsusumikap ko lalo at tatlo silang nakadepende sa akin."

"Argh! I know that you have billions in your bank accounts Xenon! Sigurado ako na marami ka ng ipon para sa mga bata ngayon pa lang. Anyway, let's go back to your question. Yes, may nahanap na akong babysitter. Kaya lang marami pa siyang kailangan asikasuhin bago siya mamasukang tagapag-alaga ng mga bata kung sakali." Medyo nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya.

"Oh eh bakit hindi mo sa akin sinabi agad. Basta ang gusto ko sanang babysitter ng mga anak ko, yung full-time saka hindi nananakit ng mga bata."

"Oh! You tell me! Mahilig sa bata 'yon kaya hindi nananakit 'yon ng mga bata kahit gaano pa sila kakulit. Sa ngayon inaayos na niya ang mga dapat niyang asikasuhin. Baka sa isang araw papuntahin ko na siya sa bahay niyo." Paninigurado niya kaya pakiramdam ko ay nawalan ako ng tinik sa dibdib.

"Okay. That's great! Hihintayin namin siya."

"Okay. Ibababa ko na ang tawag Xenon. Kailangan ko ng maligo. Kiss the triplets for me. Bye." Mabilis na paalam niya at sa boses niya ay mukhang nagmamadali na nga siya.

"I will. Bye. Take care, Cassandra."

Ibinaba ko ang cellphone ko sa bedside table ni Lancelot saka ko niyakap ang anak ko. Ramdam ko ang init ng katawan niya sa ginawa kong pagyakap sa kanya.

Ganon lang ako hanggang sa biglang bumukas ang pinto at may dalawang magkaibang hagikgik akong narinig. Nilingon ko ang mga ito at sinenyasan ko na tumahimik. "Why are you two here? May I remind you that you're twin is sick."

Nakangiting lumapit sa akin si Lanaia at Landon. Sumampa sila sa kama kung nasaan kami ni Lancelot at doon ko napansin si mama na umalis na mula sa pintuan. "Mama's going to take a bath. She said that we'll not have a fever because we're healthy and of course we'll avoid to have so much contact with Lancelot." Lanaia said. Hindi ko napigilan na hindi mapailing. Ang tatas talaga nila magsalita kapag english ang gamit.

"We want to play with you dada. We heard that you're not going to work today." Landon said then he go near me to hug me in my neck.

"Okay we'll play. But not here in Lancelot's bed. Promise me that you'll behave because if you'll be noisy, your twin can't rest well." Tumango naman silang dalawa saka hinila na ako paalis ng kama.

"We'll play here dada so we can monitor Lancelot from time to time." Lanaia said then she runs to her cabinet to grab her dolls there. I want to say no but I don't have a choice. I'm not a fan of doll!

"So what are we going to play? Hmm?" I asked them when they're now in front of me and ready to play.

"Horseback riding!" Landon said that Lanaia agree with.

I sighed before I let them ride on my back. "You're lucky! Because if dada gets older you can't ride on my back anymore."

"It's okay dada! You can ride on our back when you get older. We're adults at that time." Natawa ako sa sinabi ni Landon.

"That's sweet kuya." I said then I started to crawl while they're both on my back, riding me. Lanaia is even hugging her doll.

"We can't have our tickle time because it will cause so much noise." I said when I told them my back is already aching because of them. "That's why help dada to take care of Lancelot so he will recover fast. If that happened, we will have our tickle rime again." I encourage them.

"If Lancelot is not sick anymore, you'll go to your work. We will still not have our tickle time." Malungkot na sabi ni Landon na hindi agad ako nakakibo.

"Anak, I'm really sorry for being busy. But dada has no choice. I have to work hard for your future. We can still have our tickle time everytime I go home."

Humiga si Landon sa sahig saka niyakap ang stuff toy ni Lanaia at nakigaya si Lanaia. "I hope our mama is here." Lanaia whispered.

"I'm sure mama's almost done with her bath." I said referring to my mama. Si mama lang naman kasi ang mama nila.

"I'm not referring to her, dada. I'm referring to our real mother. I wonder where she is. Our playmates outside, all of them have mama. While me, kuya and Lancelot doesn't have mama. Where is she dada?" Lanaia looked at me innocently.

Napatulala ako dahil nabigla ako sa sinabi ng anak ko sa akin. Hindi ako nakasagot dahil sa hindi ko alam kung ano ang sasabihin at hindi ako handa. Sa edad nila na tatlo ay masyado na silang matanda mag-isip. Hinila ko siya ng marahan palapit sa akin saka ko siya niyakap ng mahigpit.

"Why? You don't like dada anymore?" Hinaluan ko ng pagtatampo ang boses ko.

Tumingala siya sa akin saka hinaplos ang mukha ko ng marahan. Ang nag-iisang prinsesa ko. "I like you dada. I love you. I love our mama too even though I don't know where she is." She said innocently.

"Me too. If I meet our mother, I'm going to hug and kiss her. I also want to hear her call me baby like what mama always call me. I want her to join me with my bath, feed me, carry me, hug me, kiss me and calm me everytime I'm afraid. I hope I'll see her soon." Landon added.

Nag-iwas ako ng tingin dahil sa luhang namuo sa mga mata ko. Ni hindi ko nga alam kung nasaan ang totoo nilang ina. Kung alam ko lang talaga ay kahit may galit ako sa ina nila ay hahayaan ko silang makita ito.

Pasimple kong pinunasan ang pisngi ko bago ko sila sinagot. "Soon. You will see her soon. I just don't know exactly when. But you'll see her very soon."

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now