CHAPTER 5: LIFE OF A SINGLE DAD

Start from the beginning
                                    

Nang sumikat ang araw ay nagising na rin siya kaya inasikaso ko na siya ulit. Nakayakap lang siya sa leegan ko simula nang magising. "Lancelot?" Patanong na tawag ni Lanaia rito na bagong gising at karga ni daddy.

"He's not feeling well today, princess." I said.

Si daddy na ang nag-asikaso rito dahil nga sa hindi ko magawa dala nang ayaw magpababa ni Lancelot. "Si Landon, daddy? Gising na?" Tanong ko dahil kapag ganito ay isa-isa na silang gumigising.

"Bago kami umalis ni Lanaia kagigising pa lang. Inaasikaso pa siguro ni mama mo. Hinahanap ka nga eh. Buti hindi umiyak." Daddy said.

"Daddy baka may kakilala ka na gustong mag-alaga sa mga anak ko. O kaya baka may kakilala ka na may kakilalang babysitter. Wala pa kasi akong nahahanap na kapalit ni Brenda at tatlong linggo na simula nung tinanggal ko siya sa trabaho niya."

Humigop si daddy sa kape niyang katitimpla lang niya bago sumagot. "Magtatanong ako sa mga kumpare at kumare kong may mga kasambahay. Baka may kakilala silang gustong mag-alaga ng mga bata. Akala ko ba may inalok na sayo yung isang staff mo sa restaurant. Ano nangyari?"

"Working student yung gustong mag-apply. Tinanggihan ko kasi alin lang sa dalawa 'yon. Kung hindi siya makakapagfocus sa mga bata, sa pag-aaral naman siya hindi makakapagfocus. Saka hindi niya maaalagaan ang mga bata ng buong araw dahil sa mga gawain sa school. Wala akong choice kung hindi tanggihan."

"I understand. Kain ka na Lancelot, apo ko, para gumaling ka na." Aya ni daddy dito nang umpisahan na niyang pakainin si Lanaia ng agahan.

Kasabay non ay ang pagpasok naman ni mama kasama si Landon na kagigising lang. "Dada where did you sleep last night?" He asked the moment he saw me.

"Good morning kuya! I slept in your room together with Lancelot. He's sick and I have to separate him from you and Lanaia so you'll not have fever too."

Sa halip na umupo ito sa tabi ni Lanaia ay lumapit ito sa amin ng kakambal niya saka hinimas ang binti ni Lancelot na abot niya. "You okay Lancelot?" He said cutely.

Napangiti kami nila mama na nasaksihan ang ginawa ng panganay ko. "Aww. That was so nice of you Landon. Lancelot will be okay soon. For now you can't play with him because he's sick and he's weak. Let him rest until he recovers okay?"

"Opo mama!" Landon said then he go towards his chair.

Pagkatapos kong painumin ng gatas at gamot si Lancelot ay nagpaalam na ako kila mama na dadalhin ko na si Lancelot sa taas para mapalitan ng damit at para makakuha siya ng pahinga. "Ma, hindi muna ako papasok ngayon para maalagaan si Lancelot."

"Okay. Ako na muna ang bahala sa dalawa. Ang dami mo ng absent sa restaurant. Wala ka pa ring nahahanap na babysitter?" She added.

"Wala pa nga ma. Hayaan mo na. Mas uunahin ko pa rin ang mga anak ko kaysa trabaho ko."

"Dapat lang anak. Si Cassandra tawagan mo. Baka may nahanap na siyang babysitter." Sabi pa ni mama.

"Okay. Baka nakalimutan na niyang nagpapahanap ako sa kanya ng babysitter. Tatawagan ko mamayang konti."

Buhat-buhat ko si Lancelot na umakyat sa hagdan saka ko siya dinala sa kwarto nilang tatlo. Dito sa kwarto nila magkakaiba sila ng kama, hindi kagaya sa kwarto ko na isang sobrang laking kama para magkasya kaming apat tuwing gabi.

"Dada. Dada." He mumbles while his eyes were close and his head is leaning on my chest.

"Why baby? You need anything?" I said before I slowly put him in the bed. Gone the hyper and active Lancelot.

Hindi naman na ito kumibo pa at mukhang nakatulog na ulit sa sakit ng ulo. Tinabihan ko ito sa kama saka ko tinawagan si Cassandra. Gising na 'yon sa mga oras na 'to.

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Where stories live. Discover now