C H A P T E R 5

2 1 0
                                    

ELLIENA'S (Ellie) POV

Good morning Saturday!!

Kagigising ko lang, its 8:00 in the morning. Wala namang pasok sa school kaya naman 8 na ko nagising. Maaga na yan kumpara sa mga gising ng mayayaman.

May trabaho kami ni Jaime mamaya 9 kaya naman bumangon na ko magluluto ako ng agahan namin dahil wala si Jaime, nabasa ko yung note na idinikit nya sa side table ko, sinabi nya sa sulat na pupunta syang laudry shop para ipalaba yung mga damit namin.

Naligo muna ako bago ako bumaba at nagluto ng makakain namin, binuksan ko ang ref namin at may nakita naman akong hotdog kumuha lang ako ng ilang piraso, kumuha rin ako ng tucino.

Ilang minuto pa ay natapos na din akong magluto ng agahan namin, hindi pa din nakakabalik si Jaime kaya naman tinawagan ko na lang sya.

Mahigit ilang ring din ang nangyari bago nya sinagot ang tawag ko.

"Hello?"

"Oh Ellie bakit?"

"Nakaluto na ko, asan ka na ba?"

"Ahh saglit na lang toh, nagugutom na nga din ako eh."

"Tss. Balikan mo na lang mamaya pagkatapos nating kumain."

"Huh? Eh matatapos na din naman toh eh."

"Geh, ikaw bahala basta bilisan mo."

"Oo na, wait oh ito na tapos na pala eh saglit na lang talaga Ellie, kukunin ko na sige na ibaba ko na yung linya."

"Sige, sige hihintayin na lang kita dito para makakain na tayo."

"Sige."

Matapos naming mag-usap ni Jaime ay katulad ng sinabi ko kanina sa kanya ay hihintayin ko sya dito para sabay kaming makakain.

Sa pagiging kaibigan ko kay Jaime ay bihira akong magparamdam ng sweetness sa kanya, hindi kami yung tipo ng magkaibigan puro kasweetan, bihira kaming maging sweet sa isa't-isa.

Madalas ay lagi kaming nagbabangayan minsan naman ay parang walang pake sa isa't-isa, sabihin na lang nating nirerespeto lang namin ang privacy ng isa't-isa kaya naman ganon ang treatment namin sa isa't-isa.

Hindi rin kami yung tipo ng magkaibigan na hindi magkasundo, sa lahat ng ginagawa namin masasabi kong nagkakasundo naman kami, pero minsan may mga bagay din kaming hindi napagkakasunduan lalo na pagdating sa pamilya namin.

Si Jaime kasi yung tipo ng kaibigan na mabilis magpatawad konting sorry lang ng pamilya nya sa kanya eh napapatawad nya na, ako naman ay hindi ganon kelangan ko munang mapakinggan ang mga paliwanag nila minsan naman ay nagpapasuyo din ako bago ko ito bininigyan ng chance.

Fell Inlove With My Bestfriend♥︎Where stories live. Discover now