I'm at school right now. Sitting in the middle of other two rows.

Evan slammed my table and looked down on me "Where's my assignment?!"

I just stared at him blankly

"Where is it?!" he asked again

"I didn't do it" I answered him calmly

It took him seconds before speaking up "What?!" di makapaniwala nyang tanong

"Hindi ko ginawa at diko na gagawin ang kahit anong assignments mo!" buong tapang kong sigaw

Sarkastiko syang tumawa "Matapang kana ba ngayon?"

"Oo! Kaya wag mona akong ibubully kahit kailan!" sigaw ko sakanya

Ramdam ko ang mga titig sa amin ng mga kaklase ko. Tila napatigil sila sa ginagawa. Baka nga yung iba sakanila ngayon lang ako narinig magsalita.

Matapang akong nakikipag palitan ng tingin kay Evan nang bigla nyang hablutin ang kwelyo ko.

"Nagpapatawa kaba?" nang aasar na tanong nya

Diko alam pero bigla nalang akong umiyak at humagulgol habang hawak nya parin ako.

"W-Wala naman a-akong sinasabi" umiiyak kong sabi

Narinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko pati narin si Evan

"Sabi mo diba hindi na kita ibubully?" nakangisi nyang tugon

"W-Wala akong sinasabi. B-Bitawan mona ako sinusunod naman kita palagi eh"

"Dapat lang" marahan nyang binitawan ang kwelyo ko at pinagpagan pa iyon. Tatalikod pa sana sya nang magsalita ako.

"Duwag ka pala eh" nakangisi kong sabi

Natigilan sya at kunot noong tumingin sa akin "Anong sabi mo?" may diin nyang tanong

"Duwag ka kase binitawan mo ako. Duwag ka kase tumatalikod kana" matapang kong tugon at lumapit ng isang hakbang sakanya

"Nababaliw kanaba?"

"Tinatanong mo ba ang sarili mo?"

"Gusto mo talagang tamaan—"

Tinawanan ko sya

Malakas ang naging pagtawa ko ngunit dinig ko ang bulungan ng aking mga kaklase

"Ang mga bullies hindi na nagtatanong kapag mananakit sila. Rule breakers na naghahanap ng permission? Kayo nga talaga ang mga baliw!" sigaw ko sa lahat habang inilibot ang mga mata sa klase.

Dinakma uli ni Evan ang damit ko, mas madiin ngayon na halos masakal ako.

"B-Bakit Evan? Gagawin kona yung assignment mo eh" ramdam ko ang panginginig ng kamay ko sa takot sakanya

"Bakit ba ang tapang mo ngayon?!" sigaw nya

"W-Wala naman akong sinasabi" halos maiyak na sabi ko

"Evan!" dinig kong sigaw ng teacher namin. Bigla akong binitawan ni Evan at dumausdos sa sahig dahil sa lakas ng impact, nalaglag din ang salamin ko. He's really strong..... or am I just weak?

"Do I really need to go there?" I asked my Tito Adam as we walk towards a door inside this huge hospital

"Yes iho" he answered with a smile "Sabi kasi ng mom mo may mga unusual reactions ka daw towards people or certain situations. We're just going to check you up"

He Loves Red (A short story)Where stories live. Discover now