Unexpected You (2)

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumawa silang lahat. "Siyempre pumunta kami dun kanina at tiningnan ang mga passers."

"Ganun ka namin kamahal dude." si Jackson.

"Congrats Jiro." si Leo.

Tsk balak ko pa naman hindi sabihin sa kanila, nakapasa nga ako di naman ako makakapag-aral dun kasi sobrang mahal ng tuition fee!

Ngumiti ako ng pilit. "Salamat."

"Hoy Jiro, bakit naman pilit na pilit 'yang ngiti mo?" si Remson.

"Dude, don't worry.. Makakapag-aral ka dun.. Kaming bahala." si Oliver.

"Anong kayong bahala? Hindi na ako tutuloy dun mag-aral." sabi ko at naupo sa sofa.

"Ano?" sabay sabay nilang sabi.

"Tsk, ang mahal ng tuition fee dun tsaka kung saan kayo dun rin ako para sama sama tayo." sabi ko at uminum narin ng alak.

"Pero Jiro." si Drake.

"Sige magpapahinga na 'ko, salamat ulit."sabi ko at umakyat na sa taas.

Drake's POV

"Pero Jiro." sabi ko.

"Sige magpapahinga na 'ko, salamat ulit."si Jiro at umakyat na sa taas. Mukha siyang matamlay

"Okay lang ba si Jiro?" tanong ni George.

"Teka, kayo ng bahala dito.. May pupuntahan lang ako." sabi ko at nagmadaling lumabas.

Tumingin-tingin ako sa paligid kung may tao. Wala. Nilabas ko ang cellphone ko at may tinawagan.

"Hello Uncle."

"Young Master, may kailangan kayo?" sagot ni Uncle Jack.

"Oo meron, gusto kong gumawa ka ng kunwaring scholarship para sa'ming dalawa ni Jiro."

"Sige pero san kayo mag-aaral?" tanong niya.

Nakita kong palabas na silang lahat kaya nagtago ako.

"Sa Bradford Academy.. Alam mo na 'yun.. Sige bye."

Pinagpag ko ang damit ko at lumapit sa kanila.
"Hoy Drake sabi mo may pupuntahan ka?" si Oliver.

"A-Ahh di na 'ko tumuloy.. Nakakatamad." pagdadahilan ko. "Aalis na kayo?"

"Oo." si Remson.

"Maaga pa pasok ko bukas." si Jackson.

"Dude, alis na kami." si Leo.

"Ingat kayo.. May tama na yata 'yang si George pati si Tom nakatatlong bote 'yan." sabi ko.

"Oo nga, adik eh.. Drake bantayan mo si Jiro baka magpakamatay." si Mark.

Tumawa ako. "Loko, hindi naman siya suicidal."

"Baka nga hahah hindi biro lang. Sige kita nalang tayo sa Sunday sabihin mo kay Jiro sumama siya." si George.

"Oo." sabi ko at pumasok na sa loob.

Biyernes na bukas, tatlong araw nalang pasukan na.. Kailangan na naming makapag-enroll sa Bradford Academy bukas.

Jiro's POV

Maaga akong gumising para mamalengke, mabuti na'rin ang pakiramdam ko.. Wala na 'kong sakit. Pagbaba ko nagulat ako dahil nakita ko si Drake na kumakain. Tsk mas maaga pa siyang gumising sa' kin.. Anong meron?

"Hoy Drake! Himala maaga kang gumising.. May pupuntahan ka ba?" tanong ko.

"May pupuntahan tayo, kaya kumain ka na at maligo." sabi niya.

"Tayo? Baka ako lang.. Mamamalengke ako." sabi ko at kumuha ng plato't kutsara.

May binigay siya sa' kin. "Ano 'to?"

"Basahin mo kaya!" sigaw niya.

"Easy.. Ito na nga eh." sabi ko at binasa ang nakasulat sa papel. "Scholarship for Bradford Academy?"

"Tama, at nakasulat pa diyan na wala na tayong babayaran na tuition fee kahit piso.. Pati mga libro at uniform sila na bahala, Astig!" paliwanag niya.

"Totoo ba 'to?" tanong ko. "Sino naman ang nagbigay sa'yo nito ha? Wala naman tayong inaplayan na scholarship.. At sa Bradford Academy pa talaga! Kalokohan."

"A-Anong kalokohan, totoo 'yan dude.. Basahin mo kayang mabuti.. May pirma at tatak ng school."

"Peke 'yan Drake, wag ka ngang magpaloko tsk!"

"Hindi ah, basahin mo kasi." pagpupumilit niya.

Tsk may ganun ba talaga? Wala na kaming babayaran? Libre lahat? Parang imposible talaga!

Biglang tumunog ang cellphone ko. Binasa ko ang nakasulat sa screen.. Unknown number. Tsk sino kaya 'to "Hello." sagot ko.

"Hello, This is Audrey Santos from Bradford Academy, gusto ko lang sanang malaman kung natanggap niyo ang letter na pinadala namin sa inyo?"

Totoo nga? "Y-Yes, natanggap namin."

"Mabuti, pwede bang pumunta kayo dito ngayon sa school para maconfirm na namin ang pagpasok niyo dito sa Monday?"

"S-Sige, pupunta na kami diyan."

"Okay. Thank you."

Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Drake. "Dude, totoo nga! Bilisan mo maligo ka na!" masayang sabi ko at nagmadaling kumain.

"Sabi sayo totoo 'yan eh! Hoy, dahan-dahan sa pagsubo baka mabulunan ka!" tumawa siya.

"Teka Drake.. Sa Bradford Academy pa talaga 'yung scholarship no? Hindi lang talaga ako makapaniwala."

"H-Huh? O-Oo nga.. A-Aheheheh ang galing lang.. Aheheheh." sabi niya at lumabas.

"Hoy! Saan ka pupunta? Maligo ka na!" sigaw ko.

"H-Huh? Oo nga.. Dun nga pala ang banyo heheheh." sabi niya. Tsk anong nangyari dun?

Pagkatapos niya sumunod na'rin akong maligo at pinaayos ko sa kanya ang mga requirements na kailangan para mabilis. At nung handa na kami sumakay na kami sa jeep papuntang Bradford Academy. Pagdating namin dun napakaraming tao dahil last day na pala ng enrollment ngayon.. Buti at nakaabot pa kami, matapos ang mahabang usapan at paliwanagan pwede na'rin kaming umuwi dahil enrolled na kami. Ginabi na kami dahil sa sobrang traffic at dahil na'rin sa sobrang pagod nakatulog agad kami.


~~ to be continued. ~~

Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon