CHAPTER 4: STRESS RELIEVERS

Mulai dari awal
                                    

"Oh okay po boss. Sasabihan ko na lang din po yung ibang staff. Enjoy your day with your kids."

Saktong pagkapatay ko ng tawag ay nakarating na ako sa tapat ng arcade. Pumasok ako sa loob at hinanap ko kung nasaang banda sila mama. Malayo pa lang ako nang matanaw ko si Lanaia na yakap ang tatlong teddy bear na malalaki. Mahilig talagang yumakap ang anak ko na 'yon.

Wala silang kaide-ideya na bumalik na ako kaya ang ginawa ko ay binuhat ko bigla si Lanaia na hindi napansin ang presensya ko. Halatang nagulat ito sa ginawa ko pero nang makita niya na ako ang bumuhat sa kanya ay binigyan niya ako ng malaking ngiti na ikinalusaw ng puso ko. "You're back dada!"

Hinalikan ko siya sa pisngi saka ko nilapitan si Lancelot na may hawak na maraming token at si Landon na may hawak naman na sobrang daming ticket. "Yes dada is back. You miss me my princess?"

Tumango ito saka inginuso ang mga yakap niyang teddy bear sa akin. "Daddy's so good in using the claw machine!" She said the she giggled after. She's referring to my dad anyway. Daddy ang tawag nila sa daddy ko at mama naman kay mama habang sa akin ay dada.

Hinintay naming maubos ang hawak ni Lancelot na mga token saka namin pinapalit ang mga tickets na napanalunan nila pagkatapos. "Barbie! The barbie mama!" Lanaia said while pointing at the barbie doll. Pinapalit na kasi nila ang mga ticket at 'yon ang gusto ni Lanaia na kapalit.

"No! We want the mini cars!" Landon said while glaring at Lanaia.

"Yeah! Mama choose the mini cars please! Lanaia has so many toys while me and kuya still don't have any." Lancelot added.

Nang makita ko si Lanaia at Lancelot na paiyak na ay pumagitna na ako. Kinausap ko sila ng masinsinan na dalawa. "Lanaia, Lancelot was right. Marami ka ng toys oh." Sabay turo ko sa mga stuff toys na nakuha nila ni daddy sa mga claw machine. "Samantalang sila kuya Landon at Lancelot wala pa. Hindi ba unfair na 'yon?" Mahinahon kong sabi sa kanya.

Pilit nitong pinigilan ang luha niya na bumagsak pero hindi niya nagawa. Sa halip ay pinigilan na lang niyang humikbi. Hinagod ko ang likod niya para kumalma saka ko siya binuhat. "Okay. I-I... understand." Umiiyak na sabi niya saka pinigilan ang sariling humikbi.

Ang ending pinili ni mama ang gusto ni Landon at Lancelot kaya lahat sila ay may laruan ng uwi habang palabas kami ng arcade. "Tahan na Lanaia. Malapit na akong magalit." Pananakot ko rito dahil papunta na kami sa isang kainan ay hindi pa rin siya tumitigil sa kaiiyak. Ilang segundo lang ay mabilis nitong pinunasan ang mga luha sa mukha at mas pinigilan ang sariling umiyak.

Pagkarating namin sa kakainan namin ay inasikaso namin ni daddy ang mga bata habang si mama naman ang pumunta sa counter para bumili ng pagkain namin. "Dada can I put them beside me when I'm sleeping?" Lanaia asked while pointing her stuff toys.

"Of course. But we have to clean them first. You can give them names as well." I said while caressing her hair.

"Really?!" Matinis ang boses na sabi niya.

"Yup."

Tumatalon-talon pa ito sa upuan saka nag-isip ng ipapangalan sa bago niyang mga laruan. "How about us dada, can we name our cars also?" Landon said while playing with their cars.

I nodded. "Of course. But unlike the stuff toys of Lanaia, you can't put those cars beside you when you're sleeping."

"Well, that's okay. They're not soft anyway." Lancelot said that made me and my dad chuckle.

Ilang minuto pa ang lumipas nang makabalik si mama dala ang isang tray na may lamang drinks. "Malapit na yung order nating pagkain. Konting hintay na lang." Sabi niya saka ibinigay sa mga bata ang ibang drinks.

Masaya namang ininom ng mga anak ko ang fruit juice nila pero hindi ko hinayaang ubusin nila 'yon ng wala pang pagkain. Hindi na kasi sila makakakain ng maayos kapag nabusog na sila ng dahil sa juice.

"Oh shrimp! My love!" Lanaia said when she saw the shrimps being served in our table.

Inasikaso ko ang mga bata katulong si daddy at mama. Ako ang nagpapakain kay Lanaia, habang si daddy kay Lancelot at si mama naman ang nag-aasikaso kay Landon. "Yummy!" Landon said when mama gave him squid.

"Yum! Yum! Yum!" Hindi nagpatalo si Lancelot sa kakambal kaya may pakulo rin itong sinabi bago siya subuan ni daddy.

"Hay ang mga apo ko talaga. Ayaw patatalo sa bawat isa." Sabi ni daddy.

"Ayaw mo non, competitive sila. Huwag lang sana umabot yung pagiging competitive nila sa pag-aaway." Mama said that I totally agree.

"It's okay to be competitive but not to the point that they'll be selfish." I added.

Pagkatapos naming kumain ay umuwi na rin kami ng mga bata. Hinatid kami ni mama at daddy sa parking para tulungan akong isakay sila sa kotse. May pupuntahan pa kasi sila mama kaya naman hindi na kami sabay-sabay na uuwi at isa pa may dala namang kotse si daddy.

"Ingat kayo pauwi ng mga apo ko." Daddy said before he closed the door in the backseat where my children are.

Nang makauwi kami ay inasikaso ko na naman sila. Hinayaan ko silang mamahinga saglit habang nilalaro ang mga laruan bago ko sila dinala sa banyo para sa half bath. Halos abutin kami ng kalahating oras sa banyo dahil ayaw pa umalis ni Landon at Lancelot sa banyo. Si Lanaia naman ay nag-uumpisa ng maging matamlay dahil inaantok na. Mamayang konti ay iiyak na 'to dala ng antok.

Matapos ko silang bihisan ng pantulog ay dinala ko na sila isa-isa sa kama. Nang lumapat ang mga katawan nila sa malambot na kama ay alam kong hinihila na sila ng antok. Kumain naman na kami sa mall ng dinner kaya pwede na silang matulog kahit medyo maaga pa.

Pinuntahan ko ang patungan ko ng mga gamit nila saka ko sila itinimpla isa-isa ng gatas. Agad naman nilang kinuha sa akin ang mga gatas at niyakap na ang mga una. Nag-uumpisa na ring pumikit ang talukap ng mga mata nila. Kapag ganito na sila ay hindi na sila maglilikot pa, kaya naman naisipan ko na ring maligo para matabihan sila.

Saglit lang akong naglinis ng katawan dahil pagod na rin ako. Paglabas ko ng banyo ay mahimbing na ang tulog ni Lanaia habang si Landon ay konti na lang makakatulog na at si Lancelot naman ay pabaling-baling sa higaan. Mabilis kong isinuot ang boxer brief ko saka ko sila tinabihan.

Pinikpik ko ng mahina ang gawing hita ni Landon at Lancelot para makatulog sila at nagtagumpay naman ako roon. Pinagmasdan ko ang mga anak ko na ngayon ay tahimik na namamahinga.

"I love you Landon, Lancelot and Lanaia. You three are my world. Thank you for giving me strength, inspiration and love. Dada will always be here for you my babies."

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang