CHAPTER 4: STRESS RELIEVERS

Depuis le début
                                    

"Come on. Let's go." Mama said.

Nagpatulong ako sa mga kasambahay na ilipat sa ref ang mga nasa styro box na ibinaba ko bago kami tuluyang umalis ng mga bata. "Dada bakit maaga ka uwi?" Lancelot said while he's on his car seat.

"Dada encountered a problem in the restaurant. I need to go to the mall to buy a new refrigerator. How about you, what are you guys going to do when we arrive to the mall?"

"Play house!" Lanaia said with full of energy.

Natawa tuloy kami ni mama at ang triplets ay sinasabi na sa amin kung ano ang mga lalaruin nila sa play house. "Mama do you think you can manage them alone?" I asked while I'm driving. Nag-aalala ako kasi baka malingat saglit si mama, mawala kahit isa sa kanila.

"Nako kanina pa nandoon si daddy mo sa arcade. Kumakanta roon mag-isa sa ktv room." Napahalakhak ako sa sinabi ni mama.

"Si daddy talaga kahit saan mapunta videoke lang ang magpapatumba." Sumangayon si mama kaya nagtawanan na naman kaming mag-ina.

Pagkarating namin sa mall ay inihatid ko muna silang apat sa arcade kung nasaan si daddy. Nang makita na namin si daddy ay nagpaalam na ako sa mga anak ko.

Si Lancelot at Landon ay sumimangot nang malamang aalis ako habang si Lanaia naman ay nag-aamba ng umiyak. "Bibili lang si daddy ng ref. Tapos kapag nakabili na ako babalikan ko kayo, okay ba 'yon? Kasi kailangan ng ideliver sa restaurant yung bibilhin ko para masetup na at magamit na bukas habang nandoon pa ang mga staff ko." Paliwanag ko kay Lanaia na nakalingkis na sa isang binti ko.

Nagpunas naman ito ng luha habang tumatango. "Kiss mo na si dada." Kumiss naman ito sa akin at ganon din si Lancelot at Landon. Bago ko sila tuluyang iwan kila daddy ay kinawayan ko muna sila nung mapansin ko na nakatanaw pa sila sa akin habang palayo ako.

Kaya naman habang namimili ako ng ref ay mabigat ang pakiramdam ko dahil sa ginawa kong pang-iiwan sa kanila. May pagkakataon kasi talaga na ayaw ng triplets na nahihiwalay ako sa kanila. Mga naglalambing kumbaga at ang pinakamadalas maglambing sa akin ay si Lanaia.

"Sir ito na po ba ang kukunin niyo?" Tanong sa akin ng isa sa tatlong staff ng mall na alok ng alok sa akin ng mga ref. Inabot din ako ng halos dalawang oras sa pamimili ng ref na pupwede sa kitchen namin.

"Oo kukunin ko na 'yan. Pakideliver na lang sa address na ibibigay ko."

Tumango naman sila. "Wala pong problema. Idadagdag na lang po yung shipping fee sa presyo nung ref. Doon na lang po kayo magbayad sir sa counter." Sabay turo nito sa cashier area.

Pumunta naman ako agad doon at iniabot ang isang card ko sa cashier. "Thank you for purchasing sir." Nakangiting saad sa akin ng cashier pagkatapos kong bayaran ang binili kong ref. Bago ako tuluyang bumalik sa mga bata ay ibinigay ko muna ang ilang detalye na kakailanganin nila kapag idineliver nila ang ref sa restaurant.

Bago tuluyang umalis ng store na pinuntahan ko ay tinawagan ko si mama para alamin kung nandoon pa rin sila sa arcade na pinaghatiran ko sa kanila. "Oo anak nandito pa kami. Kanina ka pa hinihintay ng mga bata."

Mabilis ang lakad ko na bumalik sa arcade habang tinatawagan ko naman ang contact number ng restaurant. Ilang sandali pa ay may sumagot na sa tawag ko. "Hello. This is Chef Loisa from X's Restaurant. What can I do for you ma'am/sir?"

"Hello Chef Loisa, this is your Boss Xenon. I just want to tell you that the ref that I bought will be delivered today. Please wait for it and we'll test it tomorrow morning. Hindi na ako babalik pa ngayon sa restaurant kasi yung mga chikiting ko, ayaw na naman ako paalisin. Kayo na bahala magsara ng restaurant."

I'm Just A Babysitter (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant