Chapter 16

4.3K 92 0
                                    

Naging napakaganda ng mga sumunod na mga araw sa buhay ni KC. She can’t believe that all of it is happening; having Nik by his side, their projects at work working well and her mama and papa accepting Nik in the family.

Matapos ang date nila ng gabing iyon sa bahay ni NIk ay hindi na niya maikaila ang sobrang saya sa kanyang mga mata. Everyday she is glowing, her eyes are full of life, every move she makes says grace and even her way of handling herself has changed—but it was for the better.

She decided to change her way of clothing. Ibalik ang dati niyang wardrobe, ayaw niyang may masabi ang ibang tao sa kanya. Nik is such a big star at hindi magandang tingnan, sabi nga ni Hanna, na isang ‘hilaw na koreana’ at ‘nerdy’ looking woman ang gf nito so she decided to open her closet and go back to her original self.

She just feels so perfect especially sa atensiyon at respetong ibinibigay sa kanya ni Nikolai. They have their intimate moments but he never go beyond the limitations of threatening her life’s morals and beliefs kahit na nga may mga pagkakataon na ginugusto niyang lumagpas pa doon. Nikolai made it to a point na he can pleasure her enough ng hindi ipinagkakanulo ang kanyang mga paniniwala.

Nang umagang iyon ng Sabado ay nagplano silang magpunta ulit sa bahay nito sa Tagaytay para magpicnic; this time ay mas maa-appreciate nila ang tanawin mula sa garden nito dahil maliwanag. She’s very excited for that, iniisip niyang baka ganahan siya lalong magpinta dahil sa makikita niyang tanawin.

Papasok na siya ng banyo ng mapadaan siya sa painting na nakapwesto sa gilid ng kanyang couch. Iyon ang painting na huli niyang ginawa the last time na nag-black-out siya. It was a mansion and a view from its garden overlooking a mountain surrounded by a body of water.

Why do this scenery seems very familiar?, hindi niya napigilan ang mapataas ng kilay. Pero dahil kahit anong gawin niya ay hindi niya maalala kung saan iyon nakita ay ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon at pumasok sa banyo.

Intertwined 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon