Chapter 8

5.3K 107 2
                                    


“You’re late! Didn’t I told you that I need that report at exactly 8 a.m.? Napaka-incompetent mo talaga!”, bulyaw ni Ms. Krisa kay KC ng umagang ‘yon. She’s very mad na halos pati mga litid nito sa leeg ay lumabas na para lang maiparinig sa buong floor ang sinasabi nitong incompetence niya.

“Sorry Ms. Kriza, masama po talaga ang pakiramdam ko. Nagtext naman--”

“Huwag ka ng magdahilan! Kahit pa nagtext ka sa akin at tumawag ka sa sick hotline ay wala akong pakialam! I need that report now and wala akong pakialam kung masama ang pakiramdam mo! Lumaklak ka ng paracetamol kung gusto mo dahil kailangan ko ang report na yan para ipresent sa board!”, sigaw nito sa kanya at hinagis pa sa mukha niya ang isang folder kaya tumilapon din ang mga papel na laman niyon.

Lumabas na siya ng opisina nito at dumiretso sa kanyang table. Uminom siya ng gamot at sinimulan ng gawin ang kanyang trabaho.

Pakiramdam niya ay haggard na haggard siya pero wala naman siyang maalala na napakabigat na mga task na ginawa niya. She felt she just woke up from a very long sleep, the problem is she is very exhausted and her back especially er hands as if she had been using it for days.

Napabuntung-hininga siya, she doesn’t feel good but it doesn’t mean she doesn’t have to look good either. She took her handy mirror inside her bag and tried to put some color to her lips.

I looked like hell! , KC thought to herself while looking at herself in the mmirror.

“KC, dalhan mo ‘ko ng kape dito! Napaka-boba mo talaga!”, sigaw na naman ng boss niya maya-maya.

Napatampal siya sa noo ng maalala na kasama sa daily routine nito at daily task naman niya ang kape pagkadating nito sa opisina.

Bakit ba siya sigaw ng sigaw eh andito lang naman ako sa labas ng opisina niya at may intercom naman?

Nag-iinit ang mukha niya hindi lang dahil sa lagnat kung hindi dahil sa hiya ng tumayo siya para kumuha ng kape sa pantry nila.

Naririnig niya ang pagbubulungan Ng mga co-employees niya pero mas minabuti niyang huwag iyon pansinin. Ipinagkikibit nalang niya ng balikat ang mga pangungutya ng boss niya na ginagatungan pa ng mga walang magawang empleyado.

“Huwag mo nalang pansinin ang mga yan, as long as alam mo ang kakayahan mo at kung sino ka talaga just ignore them”, sabi ng isang boses sa tabi niya.

Nang tingnan niya ang nagmamay-ari ng swabeng boses na ‘yon ay nakita niya ang lalakeng laman ng kanyang mga pantasya. Muntik na niyang mabitawan ang mug na hawak niya sa sobrang kabiglaan. Mabuti nalang at maagap ang nakangiting lalake at naabot ang tasa bago paman niya maibagsak iyon. Pero napa-aray pa rin ito dahil natapunan ng kape ang kamay nito.

“Oh my God. I’m so sorry”, kinuha niya ang panyo sa loob ng jacket niya at pinahiran ang kapeng tumapon sa kamay nito.

Diyos ko! Ang lambot ng kamay niya.

Intertwined 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon