Chapter 1 Part 2

7.2K 210 1
                                    

“I still don’t get what you want to do hija, baka mapahamak ka”, nag-aalalang saad ng mama niya habang kumakain sila, tahimik lang ang kaniyang papa.

Sinasabi na nga ba niya at naibalita na nito ang tungkol sa balak niyang pagtatrabaho sa kompanya. Nang magtext ang mama niya sa kanya na umuwi siya ng maaga para sabay-sabay silang kumain ay nagduda na siya. Mas madalas sa hindi ay nasa ospital ito at ang papa niya lang ang nakakasabay niya sa hapunan. Tuwing agahan naman ay ito ang nakakasabay niya at ang papa naman niya ang nakaalis na.

“Ma, pumayag na po si Papa sa plano ko and I will be starting tomorrow na”, she told her calmly.

“And don’t I have a say about it anak?”, kunway nagtatampo ang boses nito, may hinanakit sa mga mata.

She sighed. “Ma, of course you have a say about it, pero siyempre kay papa ako nagsabi kasi siya ang magiging boss ko”, pagpapalubag-loob niya sa mama niya.

“At ako? Hindi mo nga ako boss pero ako ang mama mo”,tumigil ito sa pagkain at sumisinok-sinok na.

Napamaang siya sa mama niya at inayos pa ang salamin sa mata para Makita kung meron ba talagang luha ang mga mata nito. She can’t believe this is happening! Nagda-drama ang mama niya, ang isa sa pinakamagaling na surgeon sa buong Pilipinas ay nagda-drama sa harap niya! She looked at her papa but it seems parang wala itong nakikita at naririnig. Nagpatuloy lang ito sa pagkain, nakayuko sa pinggan nito, but she swear she can see a glint of smile in his face na pilit nitong sinusupil.

“Ma, for the meantime lang naman ‘to. Ang sabi ni Papa he would give me a year to do this but after that ipapakilala na niya ako sa lahat. Hindi ba Pa?”, at nilingon niya ang papa niya na tiningnan sila at tumango-tango, pilit pa ring sinusupil ang mga ngiti.

“You don’t know how cruel those people are Kaz! I’ve seen how those people work at kung gaano ka-grabe ang kompetisyon sa pagitan nila. They’ll eat you alive sweetie”, naksimangot na saad ng ginang.

“Ma, I know that. That’s the main reason why I want to know how they work. Oo nga at nag-aral ako sa pinaka-prestihiyosong university sa buong mundo, nagtapos ng may magandang scholastic records, but I know those learnings are nothing compared to the learning na makukuha ko in the field, in the real world. I want to know how these people work and how I’ll be able to handle them. I don’t want to just confide in the four corners of an office, I want to explore and go beyond my limitations”, mahaba niyang paliwanag sa mama niya.

Napabuntung-hininga lang ito at lumapit sa kanya. She kissed her on her forehead.

“Then, kung nakapag-desisyon ka na talaga ay andito lang kami ng papa mo para tulungan ka sa kung ano man ang magiging problema, okay?”

She smiled ang hugged her mama Yumi. She can understand them, protective talaga ito dati pa sa kanya.

“Natatakot ako hon, you know naman kung paano natin inalagaan at binantayan si KC diba? Kahit nung nasa ibang bansa siya ay nakaalalay pa rin sa kanya si Hanna bilang tagapagbantay at tagapangalaga niya”, nag-aalalang tanong ng ginang sa asawa ng nasa kwarto na sila.

“We’ll let Hanna work in the company too hon, don’t worry”, pagpapalubag-loob nito sa asawa.

“I hope everything’s going to be fine”, she said as if it is a prayer.

“Everything will be alright”, he said kissing her gently as a good night.

Author's note:

Please like and vote for my story guys and gals!

Abangan ang next chapter at kilalanin ang lalaking magiging lalake sa buhay ni KC!

Intertwined 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon