Chapter 3

6.3K 140 5
                                    

"KC, nasa’n na ang hinihingi ko sa’yong lists ng mga kanta?!"

Halos mapalundag si KC sa kinauupuan niya ng marinig ang sigaw ng kanyang direct supervisor. Isang buwan na siyang nagtatrabaho bilang secretary ni Ms. Krisa, ang Marketing Head ng Stellar Recording Company, ang pinakamalaking recording company sa buong bansa. At isang buwan na rin siyang sinasabon nito, araw-araw ay kung hindi siya pinapagalitan ay pinapahiya siya sa ibang empleyado.

Sa loob ng isang buwan na nasa recording company ay nasaksihan ng mga empleyado ang kagaspangan ng ugali ng Marketing Head nila, lalo na kay KC. She have been doing her best in every task given to her pero mukhang mainit talaga ang dugo sa kaniya ng babae kaya pinabayaan nalang ito ni KC.

"Hi, is Kriza in her office?",napaangat ng ulo si KC habang abala sa pagtipa sa kaniyang PC ng marinig ang malamyos na boses na iyon. Napanganga siya when she saw Nikolai, ang pinakasikat na singer sa bansa ngayon. Matagal na siyang may crush sa lalake kahit nung nag-aaral pa siya sa ibang bansa;kompleto din siya ng mga album nito. Masuyo niyang pinasadahan ang mukha nito--his black hair-thick, curly, his black eyes-unfairly surrounded with thick lashes, strong nose and a dark his olive skin that is beautifully tanned. Hindi rin niya napigilan ang mapasinghap ng pasadahn ng kaniyang mga mata ang katawan nito especially his broad shoulder na sa tingin niya ay napakasarap pagkulungan ng sarili.

NApakurap-kurap siya ng mata ng marinig ang pagtikhim nito. "Satisfied?", he asked with a playful smile on his lips.

Awtomatikong namula ang mukha ni KC sapagkapahiya.

You were cheking on the guy, perv!, pagalit na sabi niya sa sarili.

"Ahm..I'm sorry. Na-starstruck lang ako", sagot nalang niya para tabunan ang pagkapahiya. Mas makatarungan nga naman na malaman nitong halos tumulo ang laway niya kanina dahil sa artista ito at na-starstruck siya at hindi dahil pinagnanasaan niya ito at matagal na siyang may gusto dito.

She heard him chuckled kaya pati bumbunan ata niya ay namula.

Napatango-tango ito with a glint of smile in his lips. "What's your name by the way?"

"KC po sir", nahihiyang tumayo siya at inilahad ang kamay dito.

Inabot naman nito ang kamay sa kaniya and they handshake.

Kasinglambot kaya ng palad niya ang mga labi niya? O mas malambot pa?, tanong ni KC sa isipan niya habang dahan-dahang binawi ang kamay sa lalake.

"Is your boss in her office?", maya-maya ay tanong nito na hindi pa rin nawawala ang playful na ngiti sa mga labi.

"Yes, sir", hindi pa rin siya maktingin sa lalake sa mata.

"Oh, okay. Thanks", at tumalikod na ito bago kumatok sa pinto ng opisina ni Ms. Kriza.

Maya-maya ay bigla itong humarap sa kaniya habang hawak sa kamay ang doorknob ng pinto.

"By the way, just call me Nik or Nikolai, KC", at kumindat ito sa kaniya bago tuluyang pumasok sa loob ng opisina ng oss niya.

Halos malaglag ang kaniyang puso sa sahig, pero para makasiguro ay sinilip niya ang paanan niya dahil kung hindi puso ay baka ang panty naman niya ang nalaglag.

Napabuntung-hininga siya at masayang ipinagpatuloy ang kaniyang trabaho sa araw na iyon.

**************************

"Ba't ipinatawag mo 'ko?", tanong ni Nikolai habang ipinulupot ang mga braso sa beywang ng babae.

Intertwined 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon