With my eyes wide open, I stormed out of my car and looked at the damage I've caused. Hindi naman nayupi masyado ang sasakyan, may maliit lamang na parte ng sasakyan ang lumubog dahil sa pagkakasagi ko. Nakita kong may gasgas din ang akin but that's the least of my concern right now. Kinakabahan na ako dahil hindi pa rin natitigil ang pag-alarm ng sasakyan. Nakukuha ko na ang atensiyon ng ibang nagpapark.

Damn! Where's the owner?

Isang malalim na pagtikhim ang kumuha ng atensiyon ko. I slowly turned to that person. Ang kinakabahan kong ekspresiyon ay agad napalitan ng malalim na pagkunot ng noo.

There, I saw the man I wanted to bury alive eight years ago, holding paper bags from the same restaurant I've been to. He's wearing a simple grey round neck shirt that hugs his muscled body perfectly and a dark maong pants.

"Are you the owner of the car?" I asked almost uninterested. Bahagya niyang sinulyapan ang may yuping parte ng sasakyan niya bago marahang kinagat ang pang-ibabang labi.

"What happened? Are you hurt?" he stepped forward to check on me but I stepped backward, making him stop nearing me. He looked at me, like checking if I am wounded, injured or whatnot.

"I accidentally bumped your car. How much?" may pagmamadaling sabi ko. Tumingin siya sa mga mata ko at hindi ko mapaliwanag ang mga emosiyong nakapaloob doon, halo-halo pero may isang nagngingibabaw na ayokong pangalanan. Sinalubong ko ang mga tingin niya na may blankong ekspresiyon.

"I'm in a hurry, Ynessa. Can I just have your business card or what. I'll just call you about the expenses." kumunot ang noo ko sa narinig. Umiwas siya ng tingin at bahagyang sinulyapan ang relo niya sa palapulsuhan.

"I did not bring any of my business card." sabi ko. Muli niyang kinagat ang pang-ibabang labi.

"Your phone number." mas lalo lamang na kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Saan 'to papunta?

"I forgot my phone. I don't memorize numbers."

"Saan kita pwedeng puntahan?" I gave him my bored expression. My lips protruded, slowly losing my patience. Dumapo doon ang mga mata niya. Bahagyang pumungay ang mga mata niya nang titigan ako.

"Give me your business card. Ako ang tatawag sayo." hindi niya na nasupil ang ngiti sa mga labi. Mas lumalim ang pagkunot ng noo ko.

"How can I be sure that you'll call and not run away from me, Ynessa?" tumalim ang mga mata ko sakanya.

"Mukha ba akong mangloloko at tumatakas sa obligasiyon?" pikong sabi ko. Kita ko ang pagdaan ng kakaibang emosyon sa mga mata niya bago siya umiling. Ugh, I hate him!

Nawawalan na ako ng pasensiya kaya kinuha ko ang wallet ko at bumunot doon ng cash. Kinuha ko ang kamay niya at nilagay 'yun doon.

"Kapag kulang, tawagan mo ang pinsan mong si Gabian." sabi ko. Nakita ko ang pagbabago ng ekspresiyon niya nang mabanggit ko ang pangalan ni Gabe.

Tinalikuran ko na siya at papasok na sana ako ng sasakyan ko nang tawagin niya ako. I stopped but didn't look at him.

"You're so beautiful... Ynessa." umiling ako at pumasok na. From the side mirror, I saw him looking at my car. Nakatingin lang siya hanggang sa hindi ko na siya makita. Mariin ang hawak ko sa manibela habang nagmamaneho. Tumigil ako sa gilid ng kalsada at hinampas ang manibela. I angrily shouted his name. Fuck him!

Nagpapasalamat ako dahil kahit papaano ay napigilan ko ang sarili kong sumabog sa harapan niya. How could he fucking act cool after everything. Well, it's been eight years, Ynessa! Kung siya nakalimot sa lahat ng nangyare, ibahin niya ako dahil hanggang sa ngayon ay malinaw sa akin ang lahat. Simula sa pambabalewala niya, pagtataboy niya, pagpili sa babae niya, pag-abandona sa responsibilidad niya at higit sa lahat, ang pagiging dahilan ng pagkamatay ng dalawang taong walang ibang ginawa kundi ang iparamdam sa akin na importante at kamahal-mahal ako. It happened all because he cheated!

Tinago ko ang galit kong ekspresiyon sa pamamagitan ng pagngiti. Nung makababa na ako ng sasakyan ay mas nilawakan ko pa ang ngiti ko para hindi nila mahalatang may ibang emosiyong nakatago sa loob ko. Nakaabang na sa akin ang dalawa sa may pintuan ng bahay. Suot ni North ang bunny na bigay ni Gabe. Ngumiti ako sakanila pero alam kong hindi umabot sa mga mata ko. Kita ko agad ang pagkunot ng noo ni Gabian, he really knows me.

"How was your day, baby?" lebel ko sa anak ko. I kissed him on his forehead before hugging him. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko sa pamamagitan ng pagyakap sa anak ko. Your Dad knows how to ruin my day, North.

"Good, Mommy. Yours?" ngumiti ako at marahang hinaplos ang pisngi niya. I just had an encounter with your father.

"Tiring, baby." tiningala ko si Gabe. He's asking me what's wrong with his expression. Umiling ako at inabot na lang ang paper bags na naglalaman ng mga pagkaing tinake out ko. I watched Gabe walked inside the house. Naibalik ang atensiyon ko sa anak ko nang marahan niyang hawakan ang gilid ng mga labi ko at pilit iyong pinorma ng ngiti.

"I don't like your smile." kunot-noong sabi niya. I chuckled. "Now, I hate your laugh, Mommy." may eksenang biglang bumalik sa akin na agad kong tinigil.

"Your smile isn't genuine." puna pa niya.

"You remind me of someone." I whispered while hugging him tight.

"I hope that someone isn't a bad guy." natahimik ako. I don't know, baby.

"I'm hungry, Mommy." umayos na ako ng tayo at hinawakan ang kamay niya. Sabay kaming pumasok ng kusina at nadatnan si Gabe na sinasalin na ang mga pagkain.

We peacefully ate our dinner. Hindi na kami nabigyan ng pagkakataong makapag-usap pa ni Gabe dahil sa tawag na natanggap niya mula sa Mama niya. Hinatid lang namin siya ni North sa pinto and said our goodnights.

The next day, I have to go to Mr. Crisostomo's company. May business meeting daw kami. I don't have a choice but to bring my son with me. Gabe is out of the town. Kaya pala siya tinawagan kagabi ni Tita Gigi dahil ipapaasikaso sa anak ang ilang meetings.

"I can't bring you inside the meeting hall. Are you okay here?" iiwan ko muna siya sa opisina ni Mr. Crisostomo. Pumayag naman na ang lalaki at nagtawag ng tauhan na pwedeng magbantay sa anak ko habang nasa meeting kami.

"Yes, Mom." I nodded before I kissed him goodbye.

Pagbukas ko ng pinto ay ang pagtigil sa paglalakad ng lalaking hindi ko inaasahang makikita ko dito sa kompanya. Kung 'yong dalawang kaibigan niya sana ay hindi na ako magugulat pero ang makitang pati siya ay naandito, ibang usapan na. Nakita ko ang pagtingin niya sa pintong hawak ko kaya agad ko iyong isinara.

"Ynessa." he called. Tiningnan ko lang siya at naglakad na palampas sakanila. Narinig ko pa ang pagkanta-kanta ni Helius.

"I'm sorry for calling you all for another meeting. I just want to say that I am no longer the owner of the company." Mr. Crisostomo announced making us all in awe.

Ngumiti siya.

"I know you'll miss me but don't worry, the new owner knows how to run the business. He's been into wine industry almost his whole life." doon palang ay alam ko na kung bakit siya naririto.

Tumingin ako sakanya at naabutan ko siyang nakatingin sa akin. Hindi man lang nag-iwas ng tingin nung mahuli ko. I raised him a brow and looked away.

"He's been courting me for almost 3 years now to sell this company to him, I finally said yes. He has a greater plan but that's not the only reason why I said yes in selling this company. He has a deeper reason and I want to help him succeed in both business and his personal business." Mr. Cristomo stopped and looked at Tage before smiling. "And I don't have someone to passed this company. I'm not getting any younger and I really plan to retire. But don't worry people, we'll still see each other." dagdag pa ni Mr. Crisostomo.

"Everyone, let's all welcome, the new owner of the company, Mr. Tage Lasten Del Prado." they clapped their hands and I remain impassive. Hindi ang ganyang tao ang dapat na pinapalakpakan.

Nakayuko lamang ako at pinaglalaruan ang ballpen na hawak habang nakikinig sa mga pang-we-welcome at papuri sakanya ng mga tao sa loob ng kwarto.

Love Me TomorrowWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu