Chapter 6

197 15 0
                                    

Lying

"OMG! I saw it, Av. I saw it with my own two eyes. You're with Sir. What's going on between the both of you?!"

Mabilis ko siyang hinarap at dinala sa isang tabi.

"Mona, can you please lower your voice. No one knows about this. I'll tell you na lang later sa nakita mo," natataranta kong paki-usap kay Moana habang tumingin na sa paligid.

Baka kasi may nakarinig sa sinabi nito at hindi pa 'ko handang paghusgahan ng mga empleyado rito.

"Okay, don't worry. But tell me what's going on, huh! Gosh, na i-excite ako!"

Natatawa naman ako sa reaksiyon nito at tumaas na kami, kung nasaan ang department namin.

Gaya nga ng sabi ni Zam, sabay kaming pumasok ngayon. At sa hindi inaasahan nakita pa kami ni Moana.

Grabe ang mata ng kaibigan kong 'to hindi ko kere.

"Av, I think he's looking at you," Mona whispered at me while giggling now.

"Ano ka ba, Moana! Focus kana muna. T'ska, kausap niya secretary niya," sagot ko naman at tumingin din kung nasaan si Zam.

At tama nga si Mona, kaya naman mabilis akong bumalik sa trabaho ko at doon na nag focus.

I heard Mona laughed at me. Pero pinabayaan ko na lamang iyon.

Nagpatuloy kami sa pagtatrabaho hanggang mag lunch na.

"Oy, sabay ka ba sa akin na mag lunch?" Mona asked me while fixing herself.

Umiling naman ako sa kaniya at ngumiti.

Nanlaki naman ang mata nito at nilagay pa sa bibig ang kanang kamay niya na para bang gulat na gulat siya.

I received a text message from him na pumasok ako sa opisina nito, before mag lunch dahil sabay kami.

At alam kung hindi na rin naman ako makakahindi, dahil ayon ang gusto niya. At kasama na 'yon sa napag-usapan namin.

Ayaw ko pa no'n, free ako always sa pagkain. Wala na 'kong iisipin pa.

Masarap sa pakiramdam, pero may halong kakaiba pa rin pag kasama ko siya.

Hindi ko ma explain. At hindi pa rin ako kumbinsido sa naging sagot nito kagabi.

He want me! He want me! For what reason.

Sumasakit ang ulo ko sa kaniya.

Kahit na sinagot na 'ko nito, ayaw pa rin. 'Di pa rin ako kumbinsido sa ganoong sagot niya. At parang may malalim pa kasi itong rason, pero hindi niya masabi.

Hinintay ko na maubos lahat ng tao sa department at kasama na roon si Mona na may ngising aso na sa labi nito. At bago pumasok sa opisina ni Zam.

"Ba't ang tagal mo?"

Nasa dining area niya na ito ngayon at naka-upo na.

At iyon 'agad ang tanong nito sa akin. Nagpatay malisiya na lang akong ngumiti sa kaniya.

"Sorry. Hinintay ko pa kasi na makalabas silang lahat, bago pumasok dito," peace sign ko na.

"You don't have to do that. Just ignore them. Wala silang paki-alam. Pwede kang maglalabas-masok sa opisina."

Napa-upo naman ako sa dining table kaharap siya and couldn't help myself but to pout at him.

Nakita ko ang paglunok nito at pagtaas ng adams apple nito sa hindi ko alam ang dahilan.

Missing Pieces of Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon