Chapter 3

264 18 0
                                    

Condition

"Ate Val, someone texted me last night and it was from unregistered number," I called my sister, before sipping my caramel coffee.

"Sino naman? Bago 'yang sim na bigay ko, ah," she asked me confusedly, and looked at me now.

"Ewan. Sabi "I miss you," daw!" kibit balikat ko naman at inubos na ang kapeng nasa tasa ko.

I saw her winced at me, when I said the word "I miss you." Pero winalang bahala ko na lamang iyon.

"Baka wrong send. Uso ngayon ang ganiyan, kaya don't reply to them. Baka ma scam ka. T'ska ano ba 'yong last digit ng number?" she asked me, while putting some toothpaste on her toothbrush now.

"6789 'yong dulo. Pero pabayaan mo na baka nga wrong send. Try ko na lang i-block 'yong number," sabi ko naman at tumayo na.

Tumabi naman ako sa kaniya, para hugasan ang tasang pinag-inuman ko.

"Mauuna na 'ko sa 'yo. Marami akong trabaho na gagawin. Good luck, Av," paalam nito sa akin habang hinahalikan na 'ko nito sa pisngi ko.

"Sige. Ingat ka!"

Nagmamadali naman siyang lumabas at ako naman ay pumunta na sa kwarto ko para makapag-ayos na ng sarili. Dahil alas sais y media pa lang naman.

"Good morning, Av. How's your sleep?" bungad na tanong sa akin ni Mona.

She also hug me tight and kissed me on my right cheek.

Pinabayaan ko na lang siya sa ginawa niya sa akin at umupo na sa harap ng desk ko. At nakita ko na may gagawin na 'kong trabaho.

"Good morning din, Mona. Okay lang naman ang tulog ko, 'kaw ba?"

"Super na super okay. Anong oras ka na umuwi, last night?" she asked me, habang nagtatali na ng buhok nito hanggang dibdib lang at kulay brown iyon.

Bagay sa kaniya ang ganoong kulay, dahil tumitingkad ang mukha niya.

"Siguro mga eight na rin ako naka-uwi."

"Eh? Dapat talaga tinulungan na kita. Na late ka pa tuloy nang uwi," busangot na nitong wika sa akin.

"Natapos naman ako ng maaga, kaya lang naka-usap ko ang boss natin," I whispered now.

Nakita ko na nagulat siya sa sinabi ko at umayos siya ng upo.

"Bakit?" she asked me curiously.

"I talked to him, akala ko mabibigyan kami ng palugid para sa pagbabayad ng utang. Pero wala rin pala. At hindi ko alam kung bakit ko pa 'yon ginawa. Nakakahiya tuloy," I pouted and can't help but to blush.

Tumawa naman siya nang mahina. Pero kita ko naman sa mga mata nito na para bang manghang-mangha siya sa ginagawa ko.

"You're still the, Av that I know before...," she whispered.

Pero hindi ko iyon talaga narinig, dahil may sumigaw na namang babae na ka office mate namin, dahil naandiyan na si Sir Clemonte.

Tumayo naman kami ni Mona para batiin ang papasok na si Mr. Ezereus Zamuel Clemonte.

Today, he's wearing a sky blue button down top na polo, at ang necktie ay isang stripe na black and white. Naka tucked in din siya at kita ang black belt nito, while he's on black slacks at ganoon pa rin naman ang kaniyang sapatos kahapon. May pagka-magulo ang buhok niya ngayon at ang hawak niya ay ang kaniyang coat na black at ang laptop bag niya.

He's so hot, kahit ganoon ang ayos niya. Siguro ay may ginawa pa ito bago siya pumunta rito.

Ngayon ay malapit na siya sa puwesto ko, dahil madadaanan niya ako. Kaya naman binati ko ulit siya at ganoon din si Mona sa tabi ko.

Missing Pieces of Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon