Jieun POV


"OMG! Soohyun! Tignan mo to." Sabi ko sa katabi ko na busy rin sa pag scroll sa phone niya.


"I know, eto nga nakikita ko. Laman sila ng buong news dito satin" sagot niya na para bang kinakabahan.


"Alam na kaya nila to?"


"I think hindi pa. Edi sana tumawag na siya satin diba? Saka baka nasa family reunion pa yun nila Rosè alam mo naman. Nag meet the angkan na ang peg nila." Natatawang sabi ni Soohyun sakin at natawa rin ako.


"Tingin mo ba may kinalaman si Mr. Yang dito?" tanong ko sakanya at maya maya ay nakita ko na tumatawag sakin si Hyeri.


"Nakita niyo na ba? Yung news? Trending sila sa Twitter ngayon" sabi niya at natawa kami ni Soohyun.


"Yup. Tingin mo ba may kinalaman si Mr. Yang dito?" tanong sakanya ni Soohyun


"Si Oppa Lee Min Ho ba wala?" sabi ni Hyeri at nagkatinginan naman kami ni Soohyun dahil don.


"Pero diba di na siya nagparamdam ulit pagkalabas niya?"


"Exactly! Nanahimik na siya bigla. Hindi ba kayo nagtataka? Hays" stress na sabi ni Hyeri samin at nanahimik naman si Soohyun sa tabi ko.


Nagbasa naman ako ng nasa twitter. Nakakagulat na yung iba sinuportahan naman sila. Pero yung iba knetz ay hindi tanggap. Mas gusto nila si Suzy para kay Lee Min Ho o Lee Dong Wook.



















Jisoo POV


"OMG Hon! Tignan mo to!" sabi ni Seulgi. Ilalapit niya pa lang sana yung phone niya ng biglang lumabas sa tv ng Cafè yung news.


BREAKING NEWS! The first dating rumor of Rosé is a WOMAN!


Lahat kami ay napatingin sa screen. Maging si Joy na busy makipagusap kay Yeri at Wendy ay napatingin rin. Tumayo ako at dinial ko sa phone ko yung number ni Rosè pero dumidiretso lang ako sa voicemail niya.


Maya maya ay nakita ko na dumating na si Lisa kasama si Irene Unnie.


"Nakita niyo na ba?" tanong niya samin at napa nod naman kaming lahat.


"Speculations lang naman nila yan. Same photos and backgrounds kasi yung pinost nilang dalawa. Dapat kahit papano ay nagiingat sila. Kahit na magkaibang araw nila pinost yan ay maghihinala pa rin talaga yung mga fans." Sabi ni Irene Unnie samin at napa nod naman sila.


"Tama, isa pa nasa YSL si Rosè that time si Suzy naman nasa Dior. So may lusot sila if ever na gisahin kayo ni Mr. Yang dahil diyan" sabi naman ni Seulgi at nagkatinginan naman kami ni Lisa.


Hindi nila kilala si Mr. Yang. Ganito rin ngyari kay Jennie noon. Tiyak hindi niya to palalampasin. Ipapatawag niya kaming lahat lalo na si Rosè. Kinakabahan ako. Alam kong dapat ngayon taon maglalabas si Rosè ng solo niya.


"Hayaan niyo na muna. For sure mag la lielow rin yang issue na yan. Hayaan na muna natin sila mag enjoy don. Deserve nila yun" sabi ni Irene Unnie at napatango naman kami.


May point naman. 2months din sila hindi nagkita. Dahil sobrang busy rin namin. Hay siguro nga tama sila. Lilipas rin yang balita. Isa pa wala naman nakahuling Dispatch mga fans lang na nag assume dahil sa mga pictures nila.





















Idols (Suzy x Rosè)Where stories live. Discover now