"Aalis na ako."

"Teka lang Shanny!" Pigil ni Rhea.

Napatigil sa paglalakad si Angela at napatingin sa kaibigan. "Bakit?"

"Antayin mo kami."

"Pinapapunta na kami sa office."

Napanguso naman si Rhea dahil doon.

"Mukhang me-make-up-an na sila." Saad ni Vanessa. "Sige na Angela, ako nang bahala kay Rhea."

Napatango naman si Angela. "Ge, mauna na ako."

Naglakad lang ang dalaga papunta sa eskwelahan. Kasalukuyang naglalakad ang dalaga nang may biglang humintong sasakyan sa may tapat niya.

Lumabas ng sasakyan si Harley.


"Angela."

"Harley."

Napangisi ang binata. "Buti at nakilala mo pa ako."

Napataas naman ang sulok ng labi ng dalaga. "Siyempre, parehas kayo ni Vanessa ng costume, e." Saad ng dalaga. "Muntik na kitang 'di makilala, buti nalang alam ko ang costume ni Vanessa."

"Ano naman ang kaugnayan no'n sa suot ko?"

"Siyempre alam kong hindi ka papayag na hindi kayo parehas ng costume. Tama ba ako?"

Napakamot sa ulo ang binata, kalaunan ay napatango.

"Bakit hindi ka pa nakabihis?"

"Do'n na raw sa office."

"Ay, oo nga pala. Isa ka nga pala sa mga volunteers noh?"

d-.-b

Magsasalita na sana si Angela nang maunahan na siya ni Harley.

"Ay, napilitan ka nga lang pala." Pagtatama ng binata. "Tara Angela, sumabay ka na sa'min."

Napatingin sa oras ang dalaga at nakitang ilang minuto na ang nakalipas mula ng magtext ang opisina.

"Pwede ba?"

"Oo naman! Tara na! Siguradong matutuwa si Jeric nito!" Sunod-sunod na saad ng binata, hindi na namalayan ang masamang tinging ipinukol ni Jericho sa kanya. Pagkabukas ng sasakyan at pagtingala ng binata, napangiti nalang ito ng pilit. "Oy bro, 'wag mo 'kong tingnan ng ganyan, nagmumukha kang bampira na gusto na akong kagatin, e. Masyado ba akong gwapo?"

"Tch!" Singhal ng binata. "Pumasok ka na Ley, daming sinasabi." Bubulong-bulong nito sa huling sinabi.

Nilingon naman ni Harley si Angela. "Dito ka Angela."

dO____Ob

"Hindi---"

Wala nang nagawa si Jericho dahil nakaupo na si Angela sa tabi niya. Napatingin ang dalaga dito dahil sa ginawa nitong pag-angal, kaagad namang umiwas ng tingin ang binata.

"Pfft!" Hagikhik ni Harley na nasaksihan ang ginawang pag-iwas ng tingin ni Jericho.

Palihim namang napangisi si Angela dahil doon. Palihim na nag-apir sina Angela at Harley na nakaupo sa likod.

Napansin iyon ni Jericho kaya sinamaan niya ng tingin ang dalawa na nakaupo at nakatingin sa daan na parang wala lang nangyari, na siyang naging dahilan para mas lalong mainis ang binata.

Umayos nalang sa pagkakaupo si Jericho at tumingin sa harap. Pero mukhang nagsisi ang binata dahil napatingin siya sa rearview mirror at nakita ang ginawang pag tingin ni Angela sa kanya.

Emotionless PRINCESS [Volume 1]Where stories live. Discover now