2

5.6K 80 10
                                    




"Vazquez, Celestine Eliana?"


"Present, maam" my teacher acknowledged me and continued checking the attendance. I looked at my notebook. Napangiti na lamang ako sa kalokohan na nilagay ko sa notebook ko.


"Kaloka talaga. Ilang years mo na bang crush yan?" nakangisi akong tinitigan ni Kayvon, he's gay by the way. "Shhh. Baka marinig tayo ni maam. Sasabunutan talaga kitang bakla ka" napatawa naman siya ng mahina. "Lakas kasi ng amats mo dyan sa lalakeng 'yan. Crush mo yan since grade 8 hindi ba?" tumango lamang ako


"Hanep ka talaga Celestine. Ang laki laki ng Ilolilo National High School, tapos halos ma obsessed ka sa isang yan! Pero sabagay" agad naman niyang kinuha ang cellphone ko para tignan ang wallpaper ko "Gwapo naman kasi talaga. Tapos super talino pa. Hindi ba top student yan sa ABM?" tumango ako


"Kaso girl, madami kaagaw mo dyan" tinampal ko ng mahina ang kamay niya "Alam ko. Hindi naman ako umaasa sa kanya. I'm actually contented sa kung ano ang meron ako ngayon" he rolled his eyes at me "Gaga! Wala nga nangyayare, anong contented ka dyan. Kahit bakla ako sasapakin kita"


"Cel, sasama ka ba samin today mag lunch?" Tanong Kayvon, agad naman ako umiling "Nag text kasi si Alora sa akin. Sama daw ako sa kanila" he smiled and nodded his head. Inayos ko din naman kaagad ang bag ko at pumunta na ng canteen. I saw Alora seating on one of the vacant tables.


I smiled and called her name "Al!" napalingon naman siya sa akin at kinawayan ako "Hi! Si Evette papunta na daw" bumili na kami ng food namin sa canteen. I took my notebook out and started reading my notes habang wala pa si Evette. "May quiz ka?" tanong ni Alora, I smiled and nodded my head.


"Yep. Calculus" napangiwi na lamang siya "Aray. Mahirap ba mag STEM?" curious na tanong niya sakin "Oo" tumawa naman ako "Alam mo naman na bobo ako sa mathematics diba"


"Sakit sa ulo ng init! Bwesit!" agad na reklamo ni Evette kaya napatawa lamang ako "Hello to you too, btch" we started eating our lunch together. "Next week na ang intrams ng SHS hindi ba?" tanong ko tumango na lamang si Alora "As always, wala ka nanamang alam Evette Zia" binato niya naman ako kaagad ng tissue


"Gaga. Kasalanan ko ba na nasa kabilang lupalop ng mundo ang building ng TVL. Tadyakan kita dyan, Celestine" they are my bestfriends pero iba iba kami ng strand na kinuha. I took STEM, Alora took ABM while Evette took TVL.


"Cel, si Tadahiro" napakunot ang noo ko kay Alora "Ikaw, ewan ko sayo. Hindi na ako maniniwala sayo. You always joke around" she keeps on telling me na nasa likod ko daw is Tadahiro kaya agad agad naman ako lumilingon tapos pagtatawanan niya lang ako


I saw someone placed my pin on the table, agad naman ako napatingin sa taong nag lagay ng pin ko. It was Tadahiro! Pero parang wala lang sa kanya kasi dere deretso ang pag lakad niya after niya mailagay sa lamesa ang pin ko.


"Cel, meeting daw mamaya ang Marauders sabi ni Sir" inform sa akin ng teammate ko na si Jerica. "What time daw? At saan?" tanong ko naman sa kanya "PAGCOR 1 daw. room 401. mamaya after class" I smiled and thanked jerica.


"Ano sinalihan mo?" tanong ni Alora sa akin "Volleyball" maikling sagot ko "Ikaw?" tanong ko pabalik sa kanya "Cheer dance"


"Eh ikaw?" tanong namin pareho kay Evette. Pabalik balik nag tingin niya sa amin ni Alora "Ano pa ba ang aasahan nyo sakin? Malamang supporter at water girl nanaman ako ni Celestine" tumawa na lamang kami. Evette hates joining this type of activities. According kasi sa kanya wala naman daw siyang talent sa sports or kahit sa kung ano man kaya masaya na daw siya sa pagiging cheerer.


"Cel, sabay na tayo pumunta ng 401? Tanong ni Kayvon sakin, I'm actually glad na we're on the same team kasi wala ako masyadong kilala sa team namin. "Yes please" sagot ko naman sa kanya


"Sino team captain nyo sa volley?" tanong niya sakin "Hindi ko pa alam eh. Diba mamaya pa pag uusapan ang tungkol sa captains?" tumango siya sa akin. Kayvon plays volleyball as well and he is really good at it. Libero ang position niya pero he is a good spiker din.


"Ay hindi pa ata tapos ang class ng ABM" nakita namin na may mga teammates kami na nag hihintay sa labas ng classroom. I looked inside the classroom and I saw him, he's resting his chin on his palm and it looks like he is listening carefully sa lessons nila.


Napangiti na lamang ako, I'm contented with this. Admiring him from afar. I was awaken from my dream land when I heard noises. Tapos na pala ang klase nila. I looked at him while he was busy putting his books inside his bag.


Tumalikod ako ng makita ko na palabas na siya ng classroom nila. I peeked to see if wala na siya and I breathed heavily when I saw na he's gone. Rinig ko naman ang tawa ni Kayvon sa gilid ko "Ewan ko nalang talaga Celestine. Crush na crush mo siya pero ayaw mo naman mag papansin sa kanya"


Inayos ko ang bag ko sa lamesa at umupo naman ako sa tabi ni Kayvon "I know naman kasi na I'm not his type. Kaya wala din kwenta magpapansin" agad naman hinila ni Kayvon ang buhok ko "Gaga! May chance ka kaya. Maganda ka tapos sporty ka pa tapos matalino ka din!"


Tumawa na lamang ako "Hayaan mo na. May next year pa ako para mag papansin. Grade 11 palang tayo" I jokingly said pero Kayvon smacked my shoulder "Kahit na no! Baka maagawan ka dyan. Sabi pa naman sakin ni Hannah madami daw yung may crush kay Tadahiro sa ABM"


"Hayaan mo na, Kayv" I smiled at him pero he sighed "When will you be confident about yourself, Celestine?"


Will he really notice me pag nagpapansin ako? Pero, paano ba magpapansin? Wala naman akong alam kung paano? Tanungin ko kaya si Evette?


Napa ayos ako ng upo, what the hell am I thinking? Celestine Eliana Vazquez, you are officially head over heels for Tadahiro Kane Amalier


_____________________________________________________________________

New Story <3

Don't forget to vote and Comment your thoughts

Happy reading, my Aella's

xoxo,

cyleaor

Chasing our Forever (Iloilo City Series #1)Where stories live. Discover now