Chapter 23: Hint

Magsimula sa umpisa
                                        

"Hindi naman pala ganoong kadami ang tao," sabi ni Lucienne.

Lumapit sa kaniya si Thorn at inayos ng lalaki ang pagkaka-zipper ng jacket ng asawa. "We rented the place pero may mga nagpa-reserve na kaya hindi naman pwedeng i-cancel sila. They're only operating for about forty percent tonight since we paid for the sixty capacity."

"You rented the place?" she asked in surprise.

"We needed to. You're here, Lia, and Belaya," Gun answered for his brother. "Some of Dagger's Bolsters are also here for added security."

I saw Pierce glanced at a group of women nearby before he turned to me. "Mask on, Kitten."

Nang hindi ako kaagad nakakilos ay siya na ang nagsuot sa akin ng mask na hawak ko. I turned to the others and I saw that even Lia is wearing a mask.

Tanging si Lucienne lang ang hindi nag-abalang magsuot no'n at nang tila mapansin niya na nakatingin ako sa kaniya ay nag peace sign siya. "My books are famous but not me. Kung naglalakad ang mga libro ko mas sila ang dapat naka mask kesa sa akin."

Napatawa ako sa sinabi niya dahil parang nang-iinggit pa siya na hindi niya kailangan na mag mask. I know that she can be recognize as well but in a way tama naman siya. She's popular but most of her audience are focused on her books. Iyon din naman ang gusto niya kaya nga halos walang laman ang social media accounts niya.

"Good evening, I'm Frank Carter and I'm the manager here in Arkalaville."

Sumilip ako mula sa likod ni Pierce na nakatayo sa harapan ko at nakita ko ang lumapit na lalaki. May dala siya na ilang mga pamphlet na kinuha naman sa kaniya ni Thorn bago ipinasa kay Axel.

"That's the map of this place and the task itinerary. If you will follow me please, I will direct you at the front of the line-"

"No," putol ni Gun sa sasabihin niya. "We're going last."

I saw Thorn said something to the man and they walked inside a small establishment while Lucienne stayed outside surveying the place excitedly. Sumunod sa kanila si Gun na hinawakan ang kamay ng asawa niya na sumama naman sa kaniya. Hinila ko ang dulo ng jacket ni Pierce dahilan para magbaba siya ng tingin sa akin. "Bakit tayo ang huli?"

"It's easier to track people when they're in front of us. They will also come out first so even if we stay inside long, nakalabas na ang iba. Someone will also be monitoring the exit para masiguradong walang magpapaiwan."

Tumango-tango ako at tahimik na nilibot ko na lang ang mga mata ko sa paligid. There's another entrance before we can go inside the main attraction. Dito sa labas ay may mga maliliit na souvenir shop at mga booth ng kainan. There's also a small Filipino restaurant and a bar. Lahat iyon ay pasok sa theme ng lugar. The employees are even wearing costumes.

Napatingin ako sa kaliwa namin nang makita ko ang dalawa sa Bolster ng Dagger na hinarangan ang dalawang babae na palapit sana sa amin. The women's eyes widened and became unsure but I also noticed that they're looking at me.

"It's okay," I said to the two men before I looked to Pierce. "It's okay let them pass."

Tinanguhan ni Pierce ang dalawang lalaki at nag-aalangan na lumapit ang dalawang babae na hawak ang cellphone nila.

"Umm... hello po," nahihiyang bati ng isa sa dalawang babae. "I'm Jean Mary and this is my friend Princess. Fan na fan niyo po kami."

Nakangiting tumango ako. "You want a picture?"

Umilaw ang mga mata nila pero iyong isa niyang kasama ang sumagot. "Kung okay lang po sana."

"Sure. No problem."

Dagger Series #3: UnscriptedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon