Para kasi siyang bulkan na anytime ay sasabog na.

"Wala akong nakita pero may nakapagsabi sa akin na sabay daw kayong pumasok sa motel, hah! Hindi ko alam na cheap ka pala Montemayor." Stacey said and smirk after.

But Aphrodite lost her patience at walang pagdadalawang isip na hinila niya si Stacey sa braso at kinaladkad palabas. Nagulat naman kami sa ginawa niya at susundan sana namin sila ni Nicole pero naputol naman ng magsalita itong katabi ko.

"Don't." Kunot noo ko naman silang pinagmasdan na parang wala lang sa kanila ang ginawa ni Aphrodite at Stacey.

"Pero-" Nagsalita naman si Jamie na kanina pa tahimik.

"They can handle it, Raine, don't worry." Sabay ngiti niya at nilapitan naman siya ni Athena habang ako naman ay napatingin nalang sa labas kung saan makikita mo na nagtatalo at nagsisigawan yata si Stacey at Aphrodite.

Ilang saglit pa ay nakita ko naman na napasabunot nalang sa kanyang buhok ang kaibigan ni mangkukulam at biglang nanlaki naman ang mga mata ko sa sunod na ginawa ni Aphrodite at magre-react na sana ng sumigaw itong katabi ko.

"All of you! Go back to your fucking seats now!" Maawtoridad niyang sigaw na sinunod naman ng mga kaklase kong mukhang takot. Lilingon ulit sana ako sa labas ng may naramdaman akong humawak sa kamay ko.

"Baby, come on, umopo na tayo." Tumango naman ako sa kanya at nagpahila nalang sa pinakalikod kung saan walang nakaupo.

Napatingin naman ako sa katabi ko ng nakita ko itong nakatingin sa akin na nakanguso. Kumunot naman ang noo ko sa asta niya.

"Okay ka lang? May masakit ba sa'yo?" Ngumiti naman siya bago ako hagkan sa pisngi na ikinagulat ko.

Okay? I didn't expect that.

"There. I'm okay now." Ganun lang? Napanguso naman ako ng malaman na naglalambing lang pala siya.

"Akala ko kung ano na, hmpf." Tumawa naman siya sa sinabi ko at ilang saglit pa ay dumating na ang aming guro at nagsimula na itong magklase na parang walang nangyaring gulo kanina.

-

"By?" Tawag ng babaeng katabi ko habang nagliligpit ako nang gamit. Lunch na kasi namin ngayon at kaming dalawa nalang ang nandito sa loob habang yung mga kaibigan naman namin ay naghihintay sa labas.

Balak kasi namin na doon kumain sa karinderya nila Ate Cheska. Miss ko narin kasi ang Ate naming yun eh. Lalo na ang libreng sabaw nila, haha joke lang.

"Hmm?" Tinapos ko naman ang pagligpit ng mga gamit ko bago nilingon ang aking katabi na nakapout ngayon habang nakatingin sa akin gamit ang malamlam niyang mata.

Ang cute talaga nitong mangkukulam na 'to sarap isako haha.

"Saan tayo kakain?" Ngumiti naman ako sa kanya bago hagkan ang kanyang noo. Napansin ko naman na nagulat ito at namula ang magkabilang pisngi sa ginawa ko bago ako malambing na niyakap ni ikinangiti ko sabay halik sa kanyang ulo.

Ang cute lang.

"Sa labas tayo doon sa karinderya nila Ate Cheska. Masarap dun." Malambing kong sabi sa kanya. Tumango naman siya at agad kumawit sa braso ko bago lumabas.

Nakita ko naman ang mga kasama namin na nag-uusap, sila Athena at Jamie na mukhang nagtatalo at Aphrodite na kanina pa nakatingin kay Stacey na busy kaka-cellphone at si Allyson at Nicole na himalang tahimik lang sa gilid.

Baka nagtataka kayo kung bakit kasama namin siya ngayon. Oh well, gusto niya kasi kaming makasabay lagi sa lunch kasi yung mga kaibigan niya na tinuring noon ay plinastic lang pala siya; in short, ginamit lang siya upang sumikat.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Donde viven las historias. Descúbrelo ahora