CHAPTER 2

3 0 0
                                    

"HOY BRY, anong drama yan? Kanina ka pa ngiti nang ngiti diyan. Baka mapunit na yang mukha mo sa kakangiti.", tanong ni Mich habang kumakain ng French fries.

Hindi ako nagsalita. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang mga nangyare kahapon. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang pag-uusap namin ni Josh. Maaaring short conversation lang yun pero masayang masaya pa rin ako. After a long years, narinig ko rin siyang tawagin ang pangalan ko. Nakakabaliw.

"Bry, umamin ka nga. Nagdudrugs ka ba? Frustrated ka na ba dahil hindi mo masabi sabi kay Josh na gusto mo siya kaya kung ano ano ang hinihithit mo? Tell me", nag-aalalang tanong ni Mich habang nakatingin sa nakangiti kong mukha.

Muli akong ngumiti. Sa bandang huli ay wala na rin akong nagawa pa kundi ang ikwento sa kanya ang mga nangyari kahapon.

"OMG! Totoo ba yan?! For real?! Naku Bry, baka gumagawa ka lang ng kwento ah. Pipiktusan kita", hindi makapaniwalang sabi niya saka ako siniko.

"Oo nga", natatawang tugon ko.

"LOOK OUT!"

Sabay kaming napalingon ni Mich nang marinig ang pagsigaw na yun. Then sabay din kaming napasigaw at napatakip sa mga ulo namin nang makita ang lumilipad na bola papunta sa direksyon namin. Mabuti na nga lang at hindi kami tinamaan, pero ang kinakaing French fries ni Mich, ayon nagsiliparan dahil doon bumagsak ang bola.

"Bwesit! Sinong bastos ang may gawa non?!", pagwawala ni Mich.

Mabilis ko siyang hinawakan sa braso saka pinigilan na gumawa ng eskandalo. Warfreak pa naman ang isang ito.

"Mich, tama na. Hindi naman tayo nasaktan."

"Kahit na, Bry! Paano kung natamaan ako? O ikaw? Edi nagkabukol tayong dalawa. Sino ba kasi ang walang hiyang iy---"

Biglang natigilan si Mich at umawang ang bibig na napatingin sa likuran ko. Nang lumingon ako ay siya ring nag-unahan sa pagtibok ang puso ko.

"J-Josh..", mahinang usal ko.

"Bry, ok lang ba kayo? Pasensya na. Napalakas lang ng kaunti ang pagkakasipa ni Mike. Sorry ulit", paghihingi niya ng tawad.

Nang hindi agad ako nakapagsalita ay bigla akong siniko ni Mich sa tagiliran. Mahina lang naman pero sapat na para matauhan ako.

"H-hindi, ok lang Josh. Hindi naman kami nasaktan ni Mich", sagot ko at agad na humawak sa braso ni Mich. Alam kong naramdaman din niyang natetense ako dahil sa biglaang pagbigat ng kamay ko sa braso niya.

"Oo nga Josh, ok lang kami. Medyo nagulat lang", sagot naman ni Mich.

"Pero sorry pa rin. Babawi ak---"

Hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya nang biglang tumunog ang bell. Nagsipagtakbuhan na ang mga estudyante at nagmadaling pumasok sa kani-kanilang classroom.

"Josh! Sunod ka!", sigaw ni Mike mula sa field.

Tumango siya bago muling ibinaling ang tingin...sa akin.

"Sige na Josh, sumunod ka na sa kanila. Papasok na rin kami ni Mich", sabi ko pero matagal lang siyang natahimik. Parang mayron siyang gustong sabihin kaso nagdadalawang isip lang siya.

"Sige, mauna na kami", ako na ang nagpaalam at hinila si Mich papasok ng building. Para kasing wala rin siyang balak na pumasok.

"Shunga ka ba Bry? May sasabihin pa yata si pareng Josh sayo pero tinalikuran mo na. Bahala ka nga, sinasayang mo talaga ang napakagandang opportunity", pagtatalak ni Mich hanggang sa makapasok na kami sa classroom.

DEAR DIARY (UNEDITED)Where stories live. Discover now