PROLOGUE

5 0 0
                                    

Dear Diary,

  Ayoko! Ayokong makita siyang lumalayo. Lalo na kung sa paglayo niyang iyon ay iba ang kasama niya.

"Bry, tahan na please. Huwag ka ng umiyak."

Hindi ko kaya. Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko. Parang may sariling utak ang mga luha ko na hindi ko kayang kontrolin sa pagbagsak mula sa pisngi ko.

*PLOK*

Sina Josh at Arianne, ikakasal na sila ...

Titira sa iisang bahay ...

Bubuo ng masayang pamilya...

Magkakaroon ng mga anak ...

Magsasama habangbuhay.

*PLOK! PLOK!*

Samantalang ako, maiiwang sugatan at mag isa. Pero sino nga ba ako para hadlangan ang pagmamahalan nilang dalawa? Mahal ko si Josh pero mahal niya si Arriane at mahal din siya ni Arriane. Mahal nila ang isat isa.

*PLOK! PLOK! PLOK!*

Ayokong sirain ang relasyon nilang dalawa dahil lang sa nararamdaman ko para kay Josh. Ayokong maging hadlang para hindi matuloy ang pangarap na binuo nila ng magkasama. AYOKO!

*PLOK! PLOK! PLOK! PLOK!*

At kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagbuhos rin ng kirot sa puso ko.

"Bry, tara na. Lumalakas na ang ulan, baka magkasakit ka."

Pinipilit akong hilahin ni Mich paalis sa field pero hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko. Parang ang bigat bigat ng katawan ko.

"Bry"

Umiling ako.

"Ayoko, Mich. Ayoko. Ayoko. Ayoko. Ayoko", paulit ulit kong sambit.

Halos mabaliw na ako sa sakit na nararamdaman ko. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Parang may kung anong pumipigil sa akin na ilabas ang sakit na umiipon sa dibdib ko.

Ang pakiramdan na ito, sobrang bago ng pakiramdam na ito. Hindi ko pa ito naramdaman noon. Hindi pa ako nasaktan nang ganito katindi. Hindi pa.

Biglang nanghina ang buo kong kalamnan at agad akong napaupo sa damuhan. Walang binatbat ang lakas ng ulan sa lakas ng mga paghikbi ko.

Ganito ba talaga kasakit pag nagmahal nang hindi man lang sinusuklian ang pagmamahal mo? Kung gayon ay ayoko ng magmahal ulit. Ayoko ng maramdaman ulit ang ganitong klaseng sakit.

Kailangan ko ng tanggapin ang katotohanang hinding-hindi magiging akin si Josh. Na kahit anong gawin ko ay mananatili na lamang na lihim itong nararamdaman ko para sa kanya.

Kailangan ko na siyang palayain at pakawalan sa buhay ko. Kailangan ko na rin palayain ang sarili ko. Para ko na rin pinaparusahan ang sarili ko kapag patuloy pa akong aasa gayong halatang halata naman na wala akong pag asa. Pero paano ko gagawin iyon? Paano ako babangon? Paano ko siya kakalimutan?

Paano?

DEAR DIARY (UNEDITED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant