"What?" sikmat niya sa lalaki.

"You finished two glass. Are you fine?"

Napairap siya. Mukha bang hindi?

Hindi na niya maintindihan kung anong nangyayari sa party. Basta't ang alam niya.. masarap uminom.

"Hey, are you sober?" May marahang tumapik sa pisngi niya. She saw that it was Freesia.

Natauhan siya. "Yes, I am. You see, I have a high alcohol tolerance. "

She heard Caleb tsked. "I see. That's why you can't even see where are we now. "

Nang sabihin iyon ni Caleb ay doon niya lang narealize na nasa loob na pala siya ng sasakyan. Freesia was beside her while Caleb's driving.

Pasimple siyang napahawak sa ulo ng bahagya iyong kumirot. "I slept 2 hours last night so I'm kind of sleepy. Kaya siguro.. mas madali ako nakatulog.. " pagrarason pa niya.

Freesia, who's very gullible, believe that. Si Caleb lang ang hindi at umirap pa sa kan'ya.

"I hope you could visit me at my cafe. I don't have any girl friends so I'm bored. I think I'll learn many things from you, " sabi ni Freesia pagkatapos bumaba sa isang malaking bahay.

Gusto niyang matawa. The girl's very honest.

Nang maihatid nila si Freesia ay parehas lang silang naging tahimik ni Caleb. Sumasakit pa ang ulo niya dahil sa hangover ngunit pinilit niyang hindi ipakita iyon.

"What are you doing tomorrow?" He suddenly asked.

She glanced at him. Nakita niya kung paanong seryoso lang itong nakatingin sa daan.

"I have a shoot tomorrow, " she answered, remembering her exact schedules.

"Solo.. or with partner?"

"Solo.. "

Hindi ito sumagot. Siya naman ay umayos na lang ng upo nang mapagtantong ilang minuto na lang ay nasa bahay na siya.

"I'll go with you tomorrow. " He suddenly blurted out!

Gulat man ay pinilit niyang kumalma. She can't also deny the loud beating she's feeling. Hindi niya naman iyon maintindihan kung kaba, takot, o.. pakiramdam na ayaw na lang niyang pangalanan.

"Since we're already friends, I think it's proper to see each other's workplace, " dugtong nito.

Kumurap siya. Kung ganoon ay puwede rin siya sa office nito? Eh? Ano namang gagawin niya do'n?

Umiwas na lang siya ng tingin. "Hindi na. I'm sure your busy with your own stuffs, " aniya.

"I'll just drop you off then. " Hindi parin ito paawat.

Ngumuso na lang siya at tinanggal ang seatbelt nang huminto ang sasakyan. Ilang segundo pa siyang natigilan bago humarap kay Caleb.

"Salamat sa paghatid, " simpleng sabi niya.

Caleb nodded. Siya naman ay lumabas na ng sasakyan ngunit nagulat siya nang sumunod din ang lalaki.

"It's late, I'll go ahead, " she said.

"Hmm, " he only said. Kumurap siya at umiwas ng tingin.

"Sige na.. baka may gagawin ka pa ngayon, " sumenyas pa siya na umalis na ito.

Suminghal lang ito bago pumasok ulit sa sasakyan. Kinawayan na lang niya ang lalaki at hinintay na makaalis ang sasakyan nito.

Agad siyang dinaluhan ni Dana nang makita siyang natutumba-tumba pa sa may malaking entrado. Kahit ang mga ibang kasambahay ay lumapit sa kan'ya, nabulabog pa yata.

It's 1 am, and she's here, making the maids busy instead of resting.

"Ma'am, sasamahan ko na po kayo sa k'warto. Hinanda ko na rin po ang pangligo niyo, " alangang sambit ni Dana habang inaalalayan siyang makaakyat sa taas.

Pinihit ng isang kasambahay ang pinto ng kwarto niya. Dire-diretso siyang pumasok at pabagsak na humiga sa kama.

"M-Ma'am!" lumapit pa ang isa sa kan'ya

Minulat niya ang mata at tinanguan lang ang tatlong dalagang nasa harapan niya.

"I'm okay.. sige na.. magpahinga na kayo. "

Pinandilatan niya na lang ang tatlo nang hindi man lang nagsikurap sa puwesto. Dahil doon ay dahan-dahang nagsialisan ang tatlo.

Mariin siyang tumayo para makapagbihis ng pantulog. Nahihilo man ay nagawa pa niyang makapaglinis ng sarili.

Papatayin na sana niya ang lamp na nasa bedside nang tumunog ang cellphone niya hudyat na may dumating na mensahe. Padarag niyang binuksan iyon.

Caleb:

Is your head fine?

She blinked and glanced at the clock. Mag-aalas dos na at gusto na niyang matulog pero sige..

Ayos lang. I didn't drink that much, anyway.

Tuluyan na niyang pinatay ang ilaw at nagtaklob ng comforter. Sunod-sunod na sulyap ang ibinigay niya sa cellphone, naghihintay na magrereply ito.

Caleb:

Liar

Caleb:

You finished eight glass or so

Ngumuso siya, nagpipigil ng ngiti.

Ako:

So you're counting, huh? I didn't know that you focused on me that much.

Embarrassed, she turn off her phone. Nahihiya siya dahil assuming siya. Paano kasi kung hindi..

Well, ano naman?

She jumped a bit when her phone beeped again.

Caleb:

You're too stubborn. How could I leave you for a minute?

Napairap siya. Is she a kid? Hindi naman! She's 27! She's not the same Kelly Lane he used to call kid!

Ako:

Are you expecting me to make a scene and cause you trouble? I won't! I'm a prim and proper lady. I don't result to cheap act..

Ako:

Tsaka, it's not that I really hold you accountable if something really happens. How dare you call me stubborn?

Pumikit siya, naiinis na. Why is he still treating her as a child? Can't he see? She's a woman now. She's not 16, goodness!

He replied again.

Caleb:

You're not stubborn then. Let's just say, my baby's a bit playful and demanding when drunk.

Uminit ang pisngi niya. Baby? Sanggol? Ew.

And who's the demanding? When did she demand something?!

Caleb:

Sleep well. Don't think too much.

Billionaire Diaries #2: Caleb AcostaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt