Chapter 1

34 9 11
                                    

"Gumaya ka sa ate mo, mukha ka 'di tao."

"Maputi naman kami ng ate mo, ba't ang itim mo?"

Pilit ko kinakalimutan ang mga salitang binitawan ni Nanang, huminga ako ng malalim at binuga sa kawalan.

Wala, wala talaga

Hindi naman ako kagandahan tulad sa ate ko na mukhang nababagay sa beauty pageant, 'yon ganda n'ya marami pinapantasya ng mga ewan lalaki. Tsaka, alam ba ni Nanang tungkol sa pagiging pabaya n'ya kay Kai.

Wala, wala talaga

Hindi magawa ni ate Michelle pag-alagaan si Kai kasi doom tumatambay sa mukhang ewan na boyfriend kuno, halos ako gumawa ng gawain bahay, pagbabantayan kay Kai at wala pa ako panahon gumala o tumambay lang sa tindahan?!

Pasubsob ako sa mukha, naiinis ako. Walang kaalam-alam si Nanang tungkol kay ate Michelle sa pagiging tamad n'ya, kundi ipagmamalaki lang ni Nanang sa mga chismosang kapitbahay kung gaano kaganda ang kanyang kaiisang anak n'yang babae na si ate Michelle.

Ni-rolyo ko na lang mata ko, ganyan pala kayo ha. Pwes, kinalimutan ako. Kaso wala ako paki sa kagandahan ni ate Michelle. Wala ako paki kung mahilig kumompera si Nanang sa'kin at kay ate Michelle.

Hindi ako mukhang tao? Baka may deperensya ang mata ni Nanang kaya ganon na lang ang tingin n'ya sa'kin.

Ewan ko ba, pati pa naman ang mukha ko. Idadamay pa?

Ano ba mukhang tao? Dapat maganda tulad ni ate Michelle?

Ayos naman itsura ko, normal lang naman. Kaya lang.. bakit tinawag ako na 'di ako mukhang tao?

Ah, dahil ba sa kutis ko? Kaya ganon?

Kung s'ya puti kaseng perlas ng silangan sa dagat ang kaniyang kutis, ako naman ang mala gintong kayumanggi huhukayin pa sa ilalim ng lupa o dika, sa bulkan ng mayon.

Mas maayos pa umalis muna ako sa bahay namin pasamantala, nagpapahinga ako at tumambay muna sa tabing ilog. Iniwan ko muna si Kai kay Eli dahil naroon sila sa tito namin.

May iilan naririnig ako ronda ng makinang bumbero sa kabilang baryo, nabalitaan ko lang sa mga chismosa dumadaan dito sa daanan, may gumanap na sunod roon, dambulahang apoy.

Ngumiwi ako, parang gusto ko tuloy umuwi na rin sa bahay baka pa may nakakalimutan bagay doon na ikina-delikado mangyari sa bahay.

Tatayo sana ako nang sumulyap ako sa daan, may maririnig ako ang kapirasong yabag na tsinelas papunta dito.

Naningkit ang akin mata, may mga batang humagikgik at asaran naririnig ko mula sa kanila, at napapansin ko may hawak na chinese garter sa kamay nila.

Sinundan ko lang sila sa tingin hanggang sa makatawid sila sa Sapang tuyo, 'yon kasama nila panay tulak sa isa na baka matitipalo sa inaapakan bato. Kitang-kita sa mukha nila nasasayahan sila magkakasama.

Natagpuan ko ang aking sarili na nakangiti, wala.

Ngumiti ako ng pait at hahayaan sumandal ang likod ko sa mala berdeng damo. Nilagay ko ang aking kamay sa bandang ulo at minamasdan ang umaalon na ulap.

Medyo bumibigat ang akin talukap, pinikot ko na lang mga mata ko. Baka sakaling matutulog...

Ilan sandali, naririnig ako tunog na kalembang ng kampana.

"Tahoooooo."

Pilit ko inimulat ang aking isang mata at lumingon itaas. Teka, si manong ba 'yan nagtitinda ng taho?

Pinaningkit mga mata ko habang sumisilip sa taas nang makikita ko na si manong nakasuot ng salakot sa ulo, papalapit na dito bitbit ng kanyang taho sa ibabaw ng balikat.

Umuwang bibig ako at napakurap, natatakam ako kumain—ay este gusto ko bumili ng taho. Sinundan ko lang s'ya tingin hanggang sa lumagpas at hindi ako napansin.

Wag na lang, sa susunod na lang. Babalik naman 'yan si Manong dito sa baryo namin. Eh kayang-kaya n'ya ilibot dito kahit na alam ko napapagod na 'yan.
Sumandig ako uli sa damo at ipinikit ang mata.

"Tahooo."

"Jc!"

"Tahooo."

"Jc! Jc!"

"Hoooyyy!"napakurap ako at kunot-noo, putek naman!

"Ano?!"matabang ko tanong, umupo ako saka napansin ko naka-bestida puti at naamoy ko ang halimuyak na bango.

Napatingala ako, napapumewang s'ya ngayon. Alam ko na kung sino 'yan, halata sa pabango nito.

"Ano ba kasi ginagawa mo d'yan?"

Papaano n'ya ako nahanap dito?!

"Malamang, tumakas sa bahay,"palabiro ko saad.

Nakanganga s'ya."Ay ay masama 'yan, umuwi ka."pinalaki ko butas ng akin ilong.

"Teka nga, ba't alam mo nandito ako?"

"Isinumbong ni Rhastan sa'kin, nakita n'ya kasi ikaw dumadabog umalis sa gate, mukha ka daw humahanap na away."huminga ako ng malalim, sumbungerong lalaki! Kapag 'yan makikita ko sa bahay namin, mag-aaway kami sa kanal.

Wala na, nakita na ako ni Barbie tsaka 'to Rhastan na unggoy. Halata naman magbestfriend 'to dalawa, kaya malakas ang 'connection' nila.

Isang iglap, wala na si Barbie dito na walang pasabi sa'kin, nakita ko nalang naroon na s'ya kay manong nagtitinda ng taho, nag-uusap ang dalawa.

Lumapit na din ako sa kanila at bibili, balak ko iuuwi ang dalawa taho para kina Kai at Eli.

Nakangiti pa si Barbie habang kinakausap n'ya pa si manong, ang bait-bait! Nagawa n'ya ngumiti sa isang taong hindi n'ya kilala.

Sa susunod hindi na ako sa tabing ilog tatambay, sa puno ng mannggahan na ako roon a

Tutal, alam ko takot si Babrie sa kapre. Mahaba pa naman 'yon buhok n'ya. Kasi 'yon pagkakaalam ko.

"Manong, dalawa nga po sa'kin."pagkatapos ko sabihin, umangat ang tingin ni manong lumingon si manong sa'kin at nanglaki ang mata ko.

Umiwas ako ng tingin saka tuminginin-tingin kay Barbie, hindi s'ya ngumiti ngayon.

May mali ako nagawa...

Bumalik ang tingin ko sa kanya,
"A-Ah kuya pala,"Pagbubulol ko sambit at itinikom ko ang aking bibig. Akala ko manong talaga si manong—ay ibig ko sabihin. Akala ko lalaking nasa edad na s'ya.

May salakot siyang sumbrero—kaya naman hindi ko makikita ang mukha n'ya kanina, pinapagkamalan ko 'manong'

Bumalik ang tingin ko sa kanya, napakamot s'ya batok at nahihinayang ngumiti."Ayos lang."'yon boses n'ya parang nasa edad binata lang.

"Kuya sensya na ha,"paumahin ko saad, isinabi n'ya pa rin akim na 'okay lang' kumuha ako barya sa bulsa ko pendal.

"Dalawa."

Binigay n'ya sa'kin ang dalawa taho, at natanggap ko. Napunta ang tingin ko sa kamay n'ya napatigil sa'kin.

Pinaliit ko ang aking mata,"Jc."

"Huh?"

"Tara na."

Umunang lumakad si Barbie, samantala ako nahihiyang lumingon kay kuya.

Inayos n'ya ang salakot nito."Salamat.."pilit ako ngumiti.

Tipid nito ngumiti, mukhang may iniisip. Ngunit umiwas din s'ya ng tingin. Inayos n'ya ang salakot at binuhat ang taho nito.

Nauna s'ya umalis, ako napaiwan dito.

"S'ya ba 'yan?"

H i s a o  H a r a d a

HuliDonde viven las historias. Descúbrelo ahora