--

“Ang duga mo naman!” I can't help myself to pout.

Kanina pa ako nanggigigil sa lintek na claw machine na 'to. Si Marco marami nang nakuha pero ako niisa wala man lang. Favoritism yata 'to, e!

“You're cute,” biglang sambit ni Marco.

Nilingon ko ito at pinaningikitan ng mata. “Alam kong cute ako, huwag mo masyadong pinapahalata.”

Humalakhak ito at hinawakan ang pulso ko. Kinaladkad niya ako patungong stalls ng nagbebenta ng hotdog na may ngiti sa kanyang labi.

I can't stop a smile to linger my lips. Kung tutuosin, ang swerte ko na kay Marco. He's very sweet, caring, and always think of others first before himself. Kung financial status naman ang pag-uusapan, may ibubuga rin siya dahil siya ang tagapagmana ng mga ari-arian ng mga Umali.

After we go to chruch, we immediately head here in the mall to play games and have fun. We almost spend the day inside this mall. Lalong-lalo na sa mga games at food court. Hindi ako pinabayaan ni Marco kung pagkain ang usapan.

“Stop staring, kinikilig ako.” Inabot niya sa 'kin ang isang tuhog ng hotdog. “Here.”

Nginisihan ko ito at agad na tinanggap ang kanyang inalok. We started walking towards a vacant bench and sat there. Medyo masakit ang likod ko dahil sa kagagawan namin ngayong araw. But it was all worth it because I forget my problems temporarily. Marco is really a good instrument to forget your problems. Ngunit ayaw kong i-take as advantage 'yun.

“Marco,” I called him. “Salamat ngayong araw.”

He stopped eating and looked at me. His lips lifted a smile and he gently patted my head. “Ako dapat ang magpasalamat. Thank you for accepting my invitation. You made my day.”

Nginitian ko lang ito at nagpatuloy sa pagkain ng hotdog. Inalis na rin niya ang kamyang kamay sa 'king ulo at nagpatuloy din sa pagkain.

“Marco, can we go to bar?” Nilingon ko ito at nag-puppy eyes. “Please?”

“Bars are dangerous place for an angel like you, Keith.” Umiling ito. “I'll take you home after this.”

“Kasama naman kita, e.” Hinawakan ko ang kamay nito at bahagyang pinisil. “Please?”

Magaling yata ako magpaawa. Kay Marco pa, e malakas ako dito. Hihi.

“Sigurado ka ba?” I nodded making him took a deep breath. “Fine. Ngunit hindi tayo magpapaabot ng alas dose ng gabi. Pagtuntong ng eight, uuwi na tayo.”

Nangunot ang noo ko. “What? Malapit na mag-alas otso, e!”

Napasimangot ako nang kinurot nito ang ilong ko. “Hindi mo ako madadala sa pagpapa-cute mo, Keith.”

I rolled my eyes and finished eating the hotdog. Agad ako tumayo nang maubos ito at nilingon siya. Hinawakan ko ang kanyang braso at hinila siya patayo.

Alam ko namang labag kay Marco ang dalhin ako sa bar. Sa pagkakaalam ko nga, isa siyang santo na halos ayaw tumikim ng alak. Kabaliktaran kami. Nitong mga nakaraan araw kasi panay ako inom, tas mag-iinom pa ako mamaya.

“Hindi tayo iinom, okay?” he said.

Inirapan ko ito bago pumasok sa loob ng kotse. I buckled my seatbelt and turned on his stereo by myself. The song ‘Bestfriend’ blasted.

“You love that song?” tanong nito nang makapasok sa sasakyan.

Tumango ako dito at ngumiti. Pinaandar na niya ang sasakyan pinausad paalis ng parking lot. Prente naman akong sumandal sa 'king kinauupuan at tumitig sa labas ng bintana.

Forbidden DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon