"Shhh, I know alam ko, kaya i'm sorry na po baby, okay? Huwag ka nang umiyak diyan." Tawa-tawang sabi ko dahilan para kagatin niya ako sa may bandang dibdib, as in sa may nipples banda.

Putek ang sakit huhu.

"I'm not crying, dzuh!" Saad niya at sinamaan ako ng tingin. Pfft hindi daw pero parang naluluha na. Pabebe rin to eh.

"Sorry sa ginawa ko kanina. Seryoso pero andami ko kasing iniisip lately kaya siguro pati ikaw hindi ko na napansin." Seryoso naman niya akong tinignan bago nagsalita.

"Do you have a problem ba? Mind sharing it with me? Baka makatulong ako, baby." Malambing pa niyang sabi dahilan para mapangiti ako. Pinisil ko naman ang ilong niyang matangos bago siya niyakap ng malambing.

"Wala po okay lang ako at siya nga pala may sasabihin ako sayo." Hindi ko na muna sasabihin sa kanya ang mga bumabagabag sa isip ko at itinabi mo na yun.

"Hmm, what is it?" Kumamot naman ako sa batok ko bago nagsalita.

"Uh-hm ano kasi a-ahh yayayain sana kitang mag a-ano uhm d-date hihi, pwede ba?" Utal-utal kong sabi sa kanya. Nakita ko naman na parang natatawa siya sa akin na ikinakunot ng noo ko.

Ano naman, kayang nakakatawa dun?

"Hmm pag-iisipan ko." Sabi niya at parang bumagsak naman ang balikat ko bago siya nginitian ng pilit. Ang sakit palang matanggihan hays.

"Ahh ganun ba?Oka--" Bago paman ako matapos sa pagsasalita ay agad na siyang sumabat.

"Joke siyempre yes, baby, I would love too." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya at hindi makapaniwala siyang tinignan.

Ano daw? Teka parang dinadaya yata ako ng pandinig ko, ehh.

"Ano ulit yun?Hindi ko kasi narinig." Ulit ko pang tanong sa kanya dahilan para mapairap siya ngunit ilang sandali pa ay ngumiti lang rin sa akin bago ako tignan sa mata.

"Sabi ko oo at pumapayag ako na magde-date tayo." Nang maproseso ko ang sinabi niya ay namalayan ko nalang na napayakap na ako sa kanya ng mahigpit at sumisigaw-sigaw na parang baliw.

"Yes, thank you, baby! Akala ko hindi ka papayag eh huhu." Madrama kong sabi sa kanya. Narinig ko naman siya na tumawa bago kumalas sa yakap.

"Of course I don't want to disappoint you. Tsaka ito talaga ang hinihintay ko na yayain mo akong mag date hmp!" Napangiti naman ako sa sinabi niya bago siya hagkan sa noo.

"Sorry naman po hehe, pero ano uhm okay lang ba sa'yo kahit saan?I mean, ano kasi baka--" Tinakpan niya naman ang bibig ko gamit ang daliri niya at hinawakan ako sa pisngi.

"Kahit saan, It's okay for me, baby, basta ang importante kasama kita masaya na ako don." Diko alam, pero kusa nalang nanubig ang mata ko sa sinabi niya. Nagugulat naman niya akong tinignan bago nagsalita.

"Hey, why are you crying? "Umiwas naman ako sa kanya ng tingin at pinahid ang luha ko.

Bakit ba kasi ako umiiyak? Nawawala angas ko dito amp! Nakakahiya ka Raine!

"A-ah ano napuwing lang ako hehe." Narinig ko naman siyang tumawa dahilan para mapanguso ako.

"Pfft, if you say so, baby." Pang-aasar niya bago humiga sa kandungan ko. Inayos ko naman ang higa niya bago ko sinuklay ang kanyang mahabang buhok.

"Baby?" Napa hmm naman ako at tinignan siya.

"Anong pangarap mo pag nakatapos tayo ng college?" Nagtaka naman ako sa tanong niya ngunit kalaunan ay ngumiti lang rin bago siya sinagot.

"Hmm pangarap ko?Ang makapagtapos ng pag-aaral si Lennie. Bukod doon ay maghahanap ako ng trabaho para mabuhay ko siya at mapalaki ng maayos. Kami nalang kasing dalawa ang natitira sa pamilya namin simula nung mawala si mama." Sabi ko sa kanya at naalala yung panahon na buhay pa si mama at bago siya nawala ay ibinilin niya sa akin na alagaan ko raw ng mabuti ang kapatid ko at palakihin ng maayos.

Sa tuwing naalala ko yun ay hindi ko maiwasang malungkot. Kamusta na kaya si mama sa langit? For sure, masaya na yun ngayon habang tinitignan kami ng kapatid ko na lumaki ng mabuti.

Kung nasaan ka man ngayon Ma. Sana po ay patuloy niyo parin kaming babantayan, at sana po ay masaya na kayo ngayon. Mahinang usal ko pa sa hangin.

"Where's your Daddy ba?" Pinutol ko naman ang anumang sasabihin niya at agad na nagsalita.

"Wala kaming kilalang ama na iniwan ang kanyang pamilya para sa ibang babae." Salubong ang kilay na sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kawalan.

Natahimik naman siya sa sinabi ko bago hinawakan ako sa kamay, "I'm sorry." Nginitian ko naman siya ng pilit at hindi nalang sumagot pa.

Kahit kailan, hindi ko siya mapapatawad sa pag-iwan niya sa amin nila mama at ng kapatid ko para sa ibang babae. Alam ko sinabi ni mama sa akin noon na hindi daw dapat ako magtanim ng galit sa ama ko pero sa tuwing iniisip ko yung pag-iwan niya sa amin lalo na nung naghihingalo si mama ay hindi ko maiwasang magalit sa kanya.

Para sa akin, wala siyang kwentang ama. Nawala na si mama, lahat-lahat ay hanggang ngayon ay hindi parin siya nagpaparamdam. Kung nasaan man siya ngayon ay sana masarap ang ulam niya hmpf!

Napasinghal nalang ako sa naisip ko at bumuntong hininga.

Astrid Monteverde (Bitch Series #1) ✔️Where stories live. Discover now