Kabanata 30 ✓

243 10 0
                                    


|*|

Amber's Pov

Umalis agad si Areal dahil tinawagan siya ni Tita Cynthia. Nakatulala lamang si Kley at hindi ko siya makausap. Simula nang umalis si Areal ay hindi na siya gumalaw sa kinatatayuan niya. Gusto ko siyang kausapin pero baka maling salita ko, magalit agad siya.

"Ayos ka lang?" Lumingon na siya sa akin at umiling. Akala ko ay magagalit siya 'pag kinausap ko siya...

"Come here. Give me a hug."

Mabilis ko siyang pinuntahan at agad na niyakap. He hugged me tightly, ramdam na ramdam ko sa yakap niya na ayaw niya akong bitawan.

"Gusto mo bang kumain muna? You're not okay--"

"Shh. Let me hug you for a while." Tumango na lamang ako sa sinabi niya at hindi na siya inistorbo pa.

Hindi ko alam kung bakit nagawa iyon ni Crius sa kaniya. Anong dahilan niya? Tuwing nakikita ko naman silang magkasama ay wala akong nakikitang problema. Masaya sila. Maayos naman ang relasyon nilang magkakaibigan.

Pero bakit?

Anong kinakagalit ni Crius kay Kley?

Anong dahilan niya?

Kung ganon kaya, siya rin ba ang may dahilan kung bakit ako nakunan at pinalabas nang doctor na nilason ko ang sarili ko?

Tama nga si Areal, the person who did that has a connection. Crius has a connection dahil immortal siya at kaya niyang gawin ang lahat.

"Hindi ko alam kung bakit nagawa sa akin ni Crius 'yon. Wala naman akong napapansin sa kaniya. Last time that we met, I'm asking for his help."

"Maybe he has reasons?"

"At ano naman 'yon?"

"Wala akong ideya. Hindi ko pa naman siya ganoong ka-close..."
He sighed. Ibinigay niya sa akin ang kamay niya at nagtataka ko itong tinitigan, "Anong gagawin ko riyan?"

"Let's go to my world, to Blisk Dynasty."



NAMANGHA ako habang tinitignan ang kabuuan ng Blisk Dynasty. Napakaganda. Wala na akong masabi pa. Mas gugustuhin ko pang manatili rito kesa sa mundo nang mga tao.

'Pag titignan mo ang kabuuan nito ay para kang nasa gubat. Napakaraming puno akong nakikita and I can see a lot of birds and butterflies that are roaming the whole place.

"Ito na 'yon?"

"Yes, welcome to my world boo."

Kahit na nahilo ako para makapasok sa portal, gustong-gusto ko pa ring bumalik dito. Nakaka-relax yung ambiance ng buong lugar.

Somehow...

Kinakabahan ako. Ngayon ko na makikilala ang mga magulang ni Kley. Hindi pa ako ready. Natatakot ako.

Paano kung ayaw nila sa akin?

Paano kung ayaw nila ako para kay Kley?

Baka gusto nila yung kauri ni Kley. Katulad ni Kley na werewolf. Na immortal.

Hinding-hindi ako magiging ganoon.

GREEK 2: Unmasked (R18) (Completed) HINOVELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon