"May iba pa ba?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"I don't know. You've been with Evander for the past weeks. Why would you tell me about your pregnancy? Sigurado ka bang akin 'yan?" muling dumapo ang kamay ko sa pisngi niya. Did I fucking assumed that he'll choose us over his woman?

"Tage!" hindi makapaniwalang sabi ko. Kung kanina nagtatapang-tapangan ako, ngayon hindi ko na napigilan pang sumabog sa sobrang sakit at galit.

"Tage, buntis ako! Ikaw ang ama!" sigaw ko.

"Wala akong pakialam!" he shouted back at me. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi makapaniwalang tumingin ako sakanya.

"Ganyan kana ba kasama?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"You heard him, Ynessa. He doesn't care at all." nilingon ko si Ardelle at sinamaan siya ng tingin.

"Diba gusto mo ng pamilya? Heto na, Tage. We can now finally build our own family."

"Gusto ko ng pamilya pero hindi sayo." sabi niya at dinurog ako ng mga salita niya. "Kung wala ka ng sasabihin, aalis na kami." nagsimulang maglakad si Ardelle pero naiwan si Tage dahil sa paghawak ko sa braso niya. He shrugged me off. Muntikan akong mawalan ng balanse pero may mga bisig na sumuporta sa akin.

"Dude!" Hindi makapaniwalang tawag ni Helius sa kaibigan.

"Tage!" tawag ni Ardelle. Lumingon si Tage kay Ardelle at ibinalik sa amin ang atensiyon.

"Do everything with your child. I don't care about it." he said and turned his back. Humagulhol ako sa mga braso ni Helius. Mura siya nang mura habang hinahagod ang likuran ko.

Napahiyaw ako nang maramdaman ang sobrang pananakit ng tiyan ko. Para itong pinipilipit sa sobrang sakit. Humigpit ang hawak ko kay Helius. Kita ko ang gulat sa mga mata niya habang sinusundan ng tingin ang mga hita ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may dugong umaagos doon.

"H-Helius." kinakabahang tawag ko. Isang mariing mura ang pinakawalan niya bago ako binuhat. Hinihila na ako ng antok. Gustong-gusto ng pumikit ng mga mata ko. Huli kong naaalala ay ang mukha ni Helius na takot na takot.


Ang sakit ng buong katawan ko nang magising ako. Iginala ko ang mga mata ko at alam kong nasa hospital ako. The white room filled my vision. This feel like a Deja Vu. Helius and Joaquin were the people inside my room. There's a small part in my heart that was hoping that I'll see him here but he's not here. Mapait akong ngumiti. Unti-unti ng tinatanggap na wala ng Tage sa buhay ko.

"Where's Manang Lisa? Hindi niyo ba siya natawagan?" halos sabay silang lumapit sa akin. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mukha nila. Namumula din ang mga mata na para bang kagagaling lamang sa pag-iyak.

"A-Are you okay?" tanong ni Joaquin. Marahan akong tumango.

"Si Manang?" tanong ko ulit. Kahit si Evander ay hindi ko nakita. They should be here right? O baka hindi nila nasabihan?

"Magpahinga ka na muna." umiling ako. Kagagaling ko lang sa pagtulog. At bakit hindi nila sinasagot ang tanong ko? Kakaibang kaba agad ang bumalot sa dibdib ko.

"Si Manang Lisa? Pakitawagan naman, oh." pakiusap ko. Nagkatinginan ang dalawa.

"Tinawagan namin kanina si Evander para ipaalam ang kalagayan mo. Dinaanan niya si Manang Lisa para sabay na silang pumunta dito." sabi ni Helius.

"Hindi pa sila nakakarating?" umiling si Helius. Nagulat ko nung may luhang tumulo galing sa mga mata niya.

"Bakit?" Naguguluhang tanong ko.

"W-While on their way here, they encountered an a-accident." basag na sabi niya Helius. Natulala ako sa mga narinig ko.

"Ayon sa report ng mga pulis, matulin daw ang takbo ng sasakyan ni Evander. Nawalan daw ito ng preno at sumalpok sa isang ten wheeler truck."

"Where are they now?" oh my God! Why do they have to experience this? Kasalanan ko 'tong lahat!

"Dead on arrival." parang nayanig ang buong mundo ko sa mga narinig. Umiling ako.

"Hindi totoo 'yan! Buhay si Manang. Buhay si Evander! Please, tell me. Hindi totoo ang mga sinabi niyo." niyakap ako ni Joaquin nang mahigpit at pinigilang magwala. Natanggal na ang dextrose ko dahil sa pagpupumiglas ko.

"Gusto ko silang makita!" umiiyak na sigaw ko.

"Ynessa, kumalma ka!" alo sa akin ni Joaquin.

"Bawal kang mastress. Hindi makakabuti sainyo ng anak mo."

"Gusto ko silang makita. Dalhin niyo ako sakanila." hagulhol ko.

"Calm down. Pupuntahan natin sila. Icecheck ka muna ng Doctor." alo sa akin ni Helius. Tumango ako.

The Doctor run some test. Hindi ko na namalayan na nakatulog na ulit ako. Paggising ko nasa kwarto ko pa rin ang dalawa. Namumula ang mga mata. Muling nanubig ang mga mata ko nang maalala ang mga sinabi nila kanina.

"Let's go. Pupuntahan natin sila." aya ko sakanilang dalawa. Nakaalalay sila sakin palabas ng kwartong inookupa ko.

Parang gusto kong umatras nung makita ko ang mga litrato nilang napapaligiran ng mga bulaklak.

"Dito na muna namin sila binurol. Hindi pa nacocontact ang mga magulang ni Evander habang si Manang Lisa naman ay walang pamilyang pwedeng tawagan." Joaquin explained.

"I am her family." napahagulhol ako habang pinagmamasdan ang nakangiting litrato ni Manang na para bang sinasabi nitong magiging maayos ang lahat. Ang mga taong nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal ay iniwan na rin ako.

Si Manang ang kasama ko simula bata pa lang ako. Kapag busy ang mga magulang ko ay may Manang Lisa na tatayong nanay at tatay ko. Hindi na niya nabigyan ng pagkakataon ang sariling umibig dahil buong buhay niya ay sa akin na umikot. Siya ang taong tunay na nagmamahal sa akin na hindi ko masyadong napagtuonan ng pansin dahil busy ako sa paghahabol ng pagmamahal galing sa pamilya at lalaking minamahal ko.

Evander is the brother I never had. Kung may maipagpapasalamat man ako sa mga nangyare sa amin ni Tage, 'yon ay ang nakilala ko si Evander sa pamamagitan niya. He never failed to remind me to always choose people and things that will make me happy. Kaya nga kahit tutol siya sa pagpapakasal ko ay hindi na niya ako pinigilan pa. He said, if Tage will make me happy, choose him. I did. And I'm regretting it already.

Marami akong pinagsisisihan sa buhay ko. Una, ang ipagsiksikan ang sarili sa mga taong hindi ako mahal. Pangalawa, ang ituon ang atensiyon sa mga taong hindi naman dapat pinagtutuonan ng pansin at ng oras. I should have spent my time with the people who truly cares for me. White truly loves me. Third, ang mahalin ang taong puro sakit lang ang naidulot sa akin. Suddenly, I am suffocated with the thought of loving him. The idea of still loving him despite all the pain he gave me, give me a sudden hollow feeling. I can't tolerate this love anymore. I can no longer love someone who doesn't love me at all.

Doon na sa mismong hospital binurol ang katawan nina Manang Lisa.

Evander's family came and decided not to touch his remains there. Ako lang ang tanging pamilya ni Manang Lisa. Nakiramay din ang mga kasamahan niya sa bahay.

"I'm sorry, Manang." pagkausap ko sa litrato niya. Kung hindi ko sana pinilit pang ipaalam kay Tage na buntis ako, hindi na sana nangyare ang aksidente.

"Stop blaming yourself, Ynessa. It's not your fault." lumingon ako sa nagsalita. The man who gave my child a second life, Helius. If he weren't there, baka pati anak ko nawala na sa akin. Hindi pa ako nakakapagpasalamat sakanya.

"Thank you, Helius."

"That's the least I can do." ngumiti siya pero kitang-kita ang lungkot sa mga mata niya. He lost a friend. Alam kong parehong sakit ang nararamdaman namin ngayon. Importanteng tao ang nawala sa amin. I lost a mother and a brother. And he lost a friend that he considered a brother.

Love Me TomorrowWhere stories live. Discover now