Napaawang iyong labi ni Nikolai. "Jersey, please," sabi niya habang nagsisimula ng lumalim ang paghinga. "I thought we still need to go to the palenge?"

"Oo nga," sabi ko habang unti-unting binibilisan ang paghagod. "Naka-ready na kaya ako. Nagtatanong lang naman."

"Stop," mahinang sabi niya. "I thought we're giving Jersey Jr. a break."

Napa-kagat ako sa labi para pigilan iyong pagtawa ko. Tangina talaga 'to! Minsan kapag gusto ko ng sexy time, biglang kung anu-ano sasabihin tapos tatawa na lang ako.

Naglakad si Nikolai at parang may hinahanap. Tumigil siya at binuksan iyong drawer. Bumalik siya at inabot sa akin iyong pentel pen.

"I think we can still do that, but you have to write in small letters," sabi niya habang hawak iyong ano niya. Naka-patong iyon sa palad niya at para bang naka-handa na para sulatan ko iyong gilid.

Minsan talaga hindi ko alam kung ano ang ginagawa naming dalawa.

"What?" tanong niya nung hindi ako gumalaw.

"Susulatan ko nga?"

"I mean, yes? It's not like my buddy would go in you today."

Umirap ako. "Arte nito! One day break lang naman! Akala mo naman ginu-gutom!"

Humalakhak siya. "Not complaining here, Ga. One hole's in rest, but I still have 2 other holes as options. And I'm very creative—I can find other options. For example, you can have your legs closed—"

Napaawang ang labi ko. "Tangina ka talaga."

Ang lakas ng tawa niya. "Just laying down the options!"

"Gago ka, feeling ko lalo akong dumu-dumi dahil sa 'yo," sabi ko sa kanya at nagtalo lang kami hanggang maka-rating kami sa sakayan ng tricycle. Napaka-bastos talaga nito!

* * *

"Ang tagal mo naman," sabi ko kay Rory.

Nang maka-balik kami sa Manila, sandali lang din. Nagtravel kami ni Nikolai sa Cambodia tapos umuwi rin. Tapos umalis ulit kami. Paulit-ulit lang. Nagta-trabaho pa rin kami bilang abogado pero nakapagnegotiate kami ng arrangement na flexible location kami at puro via video conference iyong initial interviews. Pero kapag kailangan naman kami on location, umuuwi naman talaga kami lalo na if kailangan ng court appearance.

Pero totoo nga iyong sinabi niya na magta-travel kami around the world.

"Beauty takes time."

"Patay na patay naman si Yago sa 'yo kahit wala kang make-up," sabi ko pero si gaga, patuloy lang sa pamimili kung anong shade ng lipstick ang gagamitin niya. Buti na lang walang reklamo si Nikolai sa akin! Jusko! Once pa lang ata ako nakita nun na naka-make-up—nung pinaka-unang meetup namin. The rest, wala ng make-up talaga.

Buti na lang flexible talaga ako.

"Lagyan kitang make-up, please?"

"Baka gabihin tayo."

"Gaga ka ba? Gabi naman talaga ang pamamanhikan."

"Ang layo ng Isabela."

"Bayaan mo maghintay si Vito."

"Okay," sagot ko. Marami pang atraso sa akin si Vito kaya oo nga, maghintay siya d'yan.

Dahil bored na ata si Rory sa buhay niya, nilagyan niya ako ng kilay, lipgloss, tapos lalagyan niya dapat ako ng fake eyelash kaya lang todo reklamo ako na hindi ako maka-dilat kaya ang ending, tinanggal niya rin.

"Nagtanong na pala si Yago kay Mama," sabi ni Rory. Nasabi ko kasi kay Yago iyong sa problema namin tungkol sa bata... Ayaw namin pareho ni Nikolai ng anak at saka kahit gustuhin namin, hindi kaya nung life style namin na kung saan-saan kami pumupunta. Tapos biglang nasabi ni Yago na si Ellie, iyong isa pa naming kapatid, nasa boarding school. Kaso 4 years old pa lang si Henry, iyong anak ni Patricia. E minimum ng 5 years sa boarding school... so sabi ni Yago tatanungin niya raw si Tita Ylenna. Grabe, sobrang bait nun at saka ang ganda! Ewan ko ba sa tatay ko ano'ng problema at naghanap pa ng iba!

Wreck The Game (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora